What's new

Daily Bread (February 11 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
" PAG IBIG NA WALANG HANGGAN"
( AWIT 103:17)
Ngunit ang pag-ibig ni Yahweh ay tunay na walang hanggan, sa sinuman na sa kanya'y may takot at pagmamahal; ang matuwid niyang gawa ay wala ring katapusan.
MULI tayong magnilay ng mga Salita ng Dios mga kapatid.
Tanging ang Dios lamang ang nagtataglay ng pag ibig na walang hanggan, kahit gaano pa sabihin ng isang tao na umiibig siya sa kanyang kapwa ang pagibig na ito ay pansamantala lamang.
Ang pagmamahal na hinahanap natin, sa kanya lang natin matatagpuan. Sa kanya lang, hindi sa tatay at nanay mo, hindi sa boyfriend o sa girlfriend mo, hindi sa asawa mo, hindi sa involvement mo sa church, hindi sa mga ginagawa mo sa school o sa trabaho,. Ang pag ibig na dalisay at walang hanggan ay tanging sa Dios lang natin matatagpuan.. Ang pag ibig ng tao ay nanlalamig kumukupas namamatay at may hangganan.
Ang pag-ibig ng Diyos, ay di tulad ng water dispenser. Libre nga ang tubig, malinis, pero nauubos. Ganyan ang pagmamahal na nakuha natin sa parents natin, kulang, nauubos din. O kahit sa ating asawa o kasintahan. Di rin ito tulad ng vending machine. May bayad, di pa healthy ang maiinom mo. Ganyan ang love na kinukuha natin sa iba. May kapalit. Sisingilin tayo. May bayad at naghihintay ng kapalit.
Ang pag ibig ng Dios ay tulad ng bukal ng tubig hindi nauubos hindi natutuyuan at libreng ipnagkakaloob . . Hindi mauubos. Malinis. Refreshing. At ang lalapit lang dito ay ang mga taong nauuhaw. At kapag nakainom, sasabihin mo, ang sarap napatid ang aking pagkauhaw...
Mga kapatid pakanasain nating maranasan ang ang walang hanggang pag ibig ng Dios. Hindi mo ito mararanasan hanggat hindi mo tinatanggap si Kristo sa iyong puso. Sapagkat si Kristo mismo ang pagibig ng Dios... Papasukin mo sa iyong puso at buhay si Kristo upang maranasan mo at maangkin ang tunay na pag ibig ng Dios.
Pagpalain po tayong lahat ng Dios at maligayang buwan po ng mga puso sa ating lahat. Sumaating lahat ang di malirip na pag ibig ni Kristo ngayon at magpakaylanman. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 
Back
Top