What's new

Daily Bread (December 4 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"ANG KADAKILAAN NG DIOS"
(AWIT 145:1-3)
" Ang kadakilaan ng Diyos ko at Hari, aking ihahayag, di ko titigilan magpakailanman ang magpasalamat,
2 aking pupurihi't pasasalamatan siya araw-araw,
di ako titigil ng pasasalamat magpakailanman.
3 Dakila ka, Yahweh, at karapat-dapat na ika'y purihin; kadakilaan mo'y tunay na mahirap naming unawain."
MAPagpalang araw pong muli sa ating lahat mga kapatid muli po tayong magnilay ng mga Salita ng Dios.
Araw araw ang gawa ng Dios ay napakadakila mula pa man ng likhain ang daigdig walang katapusan ang Kanyang Kadakilaan.
Kaya naman mga kapatid pasalamatan natin Siya araw araw, tulad ng ginawa ni David hindi siya tumitigil ng pagpapasalamat sa Dios.
Sabi ni haring David sa talatatang 3, "Dakila ka Yahweh at karapat dapat purihin... Kadakilaan Moy tunay na mahirap unawain".
Ang kadakilaan ni Yahweh ay walang hanggan, ito ay magpasawalang hanggan, mawawala at matatapos ang lahat sa mundong ito pero ang kadakilaan ng Dios ay magpapatuloy.
Doon sa langit sa buhay na walang hanggan sa mapayapa at kaayaayang mga kalagayan na walang banta ng sakit,covid, digmaan, gutom, o kamatayan ay tiyak na magdudulot ng walang-hanggang kaligayahan at mga pagpapala.. .Matatanggap lahat iyan ng mga anak ng Dios. . Pero nakadepende sa iyo ang pagtanggap ng mga pagpapalang iyan. Kaya ang tanong, Ano naman ang ginagawa mo para sa Diyos?.. Napakaraming dakilang bagay ang ginawa sa atin ng Dios..at gagawin pa.. Subalit ano po ang ating itutugon sa Dakilang pagibig na ito? .. Mga kapatid bagamat hindi natin kayang tumbasan sa ano mang bagay at paraan ang ginawa sa atin ng Dios marapat lamang na ibigin natin Siya at paglingkuran ng buong puso at kaluluwa.. Magpasalamat tayo sa Dios na may akda ng ating buhay at nagligtas sa atin sa tiyak na kapahamakan sa pamamagitan ng pagbibigay Niya ng Kanyang bugtong na Anak sa atin.. Huwag nating balewalain ang ginawa ng Dios,
Napakahalaga na ito ay ating nauunawaan...
Muli ang pag iingat at pagpapala ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakaylanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top