What's new

Daily Bread (August 25 2021)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
"IBIGIN MO ANG DIOS"
** (Marcos 12:30) ***
Sinabi ng Panginoong Jesu-Cristo ang ganito: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong pag-iisip at buong lakas.’”
Ang tunay at wagas na pag-ibig para sa Diyos ay nangangahulugan ng totohanang pagsunod sa Kanyang kalooban. Ayon sa Juan 14:21, —Ang sinumang umibig sa Akin ay nagtataglay ng mga utos Ko at sinusunod ang mga ito. Ang umibig sa Akin ay ibigin ng Aking Ama. Iibigin Ko rin siya at magpapahayag Ako sa kanya.“
Masasabing walang tunay na pag-ibig sa Diyos kung wala ang tunay na pagsunod sa Kanyang kalooban. Ito rin ang ipinamamanhik ni Apostol Juan, “Mahal kong mga anak, huwag tayong umibig lamang sa salita, kundi sa gawa at sa katotohanan“ (1 Juan 3:18). Kung ating ibigin ang Diyos sa salita lamang, balewala ang ganong uri ng pagmamahal.
Ang ibigin ang Diyos ng buong puso, buong, kaluluwa, buong pag-iisip, at buong lakas ang pinakamahalagang utos sa lahat? Bakit ito? Sapagkat ito ang layunin ng pagkalalang niya sa atin. Walang ibang nais ang Diyos nang tayo’y kanyang lalangin kundi ang ibigin siya. Kaya nga tayo’y hindi niya nilalang na parang mga robot na sunod-sunuran lamang sa kanya.
Mga kapatid ibigin natin ang Dios ng kusa at nanggagaling sa puso... Hindi natin madadaig ang Dios pagdating sa pagpapadama ng pag ibig subalit ibigin natin Siya sa abot ng ating makakaya. Dahil ang Dios ay pagibig karapat dapat Siyang alayan ng wagas din nating pag ibig at pagsamba.
Muli ang biyaya at pagibig ng Dios ay sumaating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ng ating Panginoong Hesus. Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top