What's new

Daily Bread (April 25 2022)

Pamintangdurog04

Forum Veteran
Elite
Joined
Sep 25, 2019
Posts
1,455
Reaction
590
Points
922
BAKIT MAHALAGANG MAGBASA NG BIBLIA?
(2 TIMOTEO 3: 16)
"ANG LAHAT NG KASULATA'Y KINASIYAHAN NG DIOS AT MAGAGAMIT SA PAGTUTURO NG KATOTOHANAN, SA PAGPAPABULAAN SA MALING ARAL, SA PAGTUTUWID SA MALING GAWAIN, AT SA PAG AKAY SA MATUWID NA PAMUMUHAY."
Dapat nating basahin ang Bibliya sapagkat ito ang Salita ng Diyos para sa atin. Sinasabi sa aklat ng Timoteo 3:16, na ang Bibliya ay hiningahan ng Diyos, ito ang Salita ng Diyos para sa atin. Napakaraming mga katanungan ng mga taong nag-aaral ng pilosopiya at maging ng mga ordinaryong tao ang binigyang kasagutan ng Diyos sa Bibliya. Kagaya ng mga sumusunod na katanungan: Ano ba ang kahulugan ng buhay? Saan ba ako nanggaling? Mayroon bang buhay pagkatapos ng kamatayan? Ano ba ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan? Papaano ako makakapunta sa langit? Bakit puno ang mundo ng kasamaan? Bakit ako nahihirapang gumawa ng mabuti? Bukod sa pagbibigay kasagutan sa mga maraming katanungang ito, nagbibigay rin ang Bibliya ng mga payo sa buhay kagaya ng:
Ano ang dapat kong hanapin sa aking magiging asawa? Papaano magtatagumpay ang aming buhay mag-asawa? Papaano ako magiging isang mabuting kaibigan? Papaano ako magiging mabuting magulang? Ano ba ang ibig sabihin ng tagumpay at papaano ko ito maaabot? Papaano ako magbabago? Ano ba ang mahalaga sa buhay? Papaano ako gagawa ng desisyon na hindi ko pagsisisihan sa bandang huli? Papaano ko mabibigyan ng kasiyahan ang Diyos? Papaano ko makakamit ang kapatawaran? Papaano ko mapagtatagumpayan ang mga pagsubok at mga pangit na pangyayari sa aking buhay?
Lahat po ng katanungang iyan ay may kasagutan ang Biblia, kaya napakahalaga po na ito ay lagi mong binabasa at pinag aaralan, napakahalaga rin na magkaroon ka ng sarili mong Biblia, huwag kang umasa lamang sa turo ng pastor, pari, o ministro, ikaw mismo ang magsaliksik ng Banal na kasulatan, humingi ka ng gabay sa Banal na Espiritu na ipaunawa sa iyo ng Dios ang Kanyang mga salita. Importante ito sa iyo kasing halaga ng iyong buhay.. Kaya nga sabi ng aming pastor noon kung ikaw ay may bahay subalit wala kang Biblia ibenta mo ang iyong bahay at bumili ka ng Biblia.. ano po ang ibig sabihin noon.? . ibig sabihin po mas mahalaga ang Biblia kaysa bahay o mas mahalaga na malaman mo ang nilalaman ng Salita ng Dios kaysa sa ating mga tinatangkilik. Kung wala ka pang Biblia ito ang una mong gawin bumili ka ng Biblia, sa aming iglesia kapag ikaw ay dumalo, binibigyan agad namin ng Biblia ang mga bagong dalo kahit yaong Bagong tipan lamang. Sapagkat batid naming ito ang kailangan ng bawat tao sa kanyang paglalakbay sa Daigdig na ito.
. Ang pagiingat ng Dios ay suma ating lahat ngayon at magpakailanman sa Pangalan ni Hesus , Amen..

English Ver.



WHY IS IT IMPORTANT TO READ THE BIBLE?
(2 TIMOTHY 3:16)
"ALL SCRIPTURES ARE PLEASED BY GOD AND CAN BE USED TO TEACH THE TRUTH, TO REJECT FALSE DOCTRINE, TO CORRECT WRONG WORK, AND TO LEAD TO RIGHTEOUS LIVING."
We should read the Bible because it is the Word of God for us. The book of Timothy 3:16 says that the Bible is inspired of God, it is the Word of God for us. God has answered so many questions from philosophers and even ordinary people in the Bible. Such as the following questions: What is the meaning of life? Where did I come from? Is there life after death? What happens after death? How can I get to heaven? Why is the world full of evil? Why do I find it difficult to do good? In addition to answering many of these questions, the Bible provides life -giving advice such as:
What should I look for in my future spouse? How will our married life succeed? How can I be a good friend? How can I be a good parent? What does success mean and how can I achieve it? How can I change? What is important in life? How do I make a decision that I will not regret later? How can I please God? How can I obtain forgiveness? How can I overcome the trials and bad events in my life?
The Bible has the answer to all those questions, so it is very important that you always read and study it, it is also very important that you have your own Bible, do not rely only on the teachings of the pastor, priest, or minister, yourself. to search the scriptures, seek the guidance of the Holy Spirit so that God may make you understand His words. It is as important to you as your life .. That is why our pastor said then if you have a house but you do not have a Bible sell your house and buy a Bible .. what does that mean ..? . it means that the Bible is more important than the house or it is more important for you to know the content of God's Word than what we have. If you don't have a Bible yet this is the first thing you do buy a Bible, in our church when you attend, we immediately give the Bible to new attendees even if it is just the New Testament. Because we know this is what every person needs on his or her journey on this Earth.
. God's providence is with us all now and forever in Jesus' Name, Amen.

Pastor Ombie Lontoc
 

Similar threads

Back
Top