What's new

Curious: Papaano Magreject Ang Lalake Kapag Babae Ang Umamin?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,904
Reaction
871
Points
532
Curious ako sa lalake na meron experience na babae umaamin na meron siyang gusto o umaamin na mahal niya ang lalake. Papaano kayo mag reject? Brutal o in a nice way o hindi kaya nagsasalita? Panay iwas na lang kayo ng iwas?

Ako kase, apat na beses ako na reject ng lalake nang umaamin ako na meron ako gusto o kapag sinasabi ko na mahal ko siya.

Ang una, sa text message. 2nd year college. Inamin ko sa lalake na crush na crush ko na meron ako gusto sa kanya. Isa siyang drummer at magaling mag drums. Ang sagot sa akin ay " ayaw na ayaw niya ang babae na katulad ko " - talaga direct to the point na sinabi sa akin o ipinalabas sa akin na " ayaw na ayaw ko sa iyo ". Humagulgol ako sa iyak at pagkatapos ay nasira ang pag-aaral ko nang college at bumaba ang grades. Not totally bagsak. Dati, matataas pa ang grades ko then after ng ganoon scene, bumaba ang grades ko.

Nagpaparinig siya sa mga classmate niya na meron babae na naghahabol sa kanya at ako ang ipinapatama niya. Isang beses lang naman ako nag text at umamin. Sinasabi niya na habol agad iyon pagkatapos nag-away kami dalawa. Galit na galit ako sa kanya. Hindi ko siya pinatawad. Hindi ko pinatawad ang sarili ko. Ang tagal ko makapag move on. Years pa bago ma heal ang broken heart ko.

Brutal talaga siya.

Pangalawa. Nang nagpadala ako ng letter sa isang lalake na crush na crush ko noon high school. Secret admirer ika nga which is ako. Nabisto din ako dahil hindi na ako makatiis. Gusto ko ipaalam na gusto ko siya. Nang nalaman ng isang group ng classmate ko din na ako ang nagpadala ng letter, iba ang impression sa akin. Binubully ako. Sabi ng isang babae sa isang group which is magbabarkada kase sila na naghahabol daw ako. Isang letter lang naman iyon. Wala akong kakampi pagkatapos mga ilan days ay meron babae na tumawag sa bahay namin. Sabi na kalimutan ko na daw ang lalake crush ko dahil siya ang girlfriend then sa classroom namin, ipinagmamalaki at ipinagkakalat niya na kung sino ang sumulat ng letter. Hindi man lang siya tumahimik na katulad ng babae na kapag meron nagpapadala ng letter na hindi naman ganoon ipinalalandakan na meron nagsulat sa kanya na lalake.

Pangatlo. Meron ako nagustuhan na lalake pero hindi pa nga ako umaamin, inaway na ako ng girlfriend niya which is hindi ko alam na meron pala siyang girlfriend.

Pang-apat. Nang-umamin ako sa chat room through private message na lalake na gusto ko, bigla ako binoblock.

Pang lima. Naging man hater na ako. Tipong galit na galit ako sa lalake pero as years go by, naiintindihan ko na ang behavior ng lalake. Hindi na ako nagalit pero hindi na ako nagka interest magkaroon ng boyfriend. Wala na ako hilig.

Curious lang ako na papaano magreject ang lalake kapag babae ang umamin na meron gusto o umamin na mahal niya ang lalake? Curious lang naman. Mga brutal kase ang karanasan ko. Ewan ko lang sa iba.

Katulad ng friend ko dati. Ang friend ko na babae ay umamin siya na meron siyang gusto sa lalake pero ang mga kaibigan niyang mga babae ay ipinag-bubully siya. Pinagtutulungan kung baga kaya ang tanong sa akin na " masama ba daw ang babae na umaamin ng feelings sa lalake ". Sabi ko na sa states pwede pero sa bansang Pilipinas ay parang hindi pwede. Sinasabi ko lang sa kanya based on my experience. But hindi ko lang sure kung tama ako, kase nga based on my experience.​
 
Last edited:
Sakin hinahayaan ko lang minsan nga lang nakakailang pero madalas naman hindi. Hindi din ako brutal HAHAHHA

Ah. Hindi ka pala direct to the point. Yung tipong sabihin mo na " ayaw na ayaw ko sa iyo ". Sa akin ay direct talaga. Haha :LOL: Past experience ko iyon. Hindi na mauulit iyon.​
 
Karamihan kasi ng lalaki malaki ulo TS kapag nalaman na may gusto ka sa kanila mas lalong naboboost yung kayabangan tumataas ung tingin sa sarili.
Makakahanap karin ng taong tatanggapin at mamahalin ka :D
 
ako ginagawa ko talagang biro ung pag may naamin, pero deep inside masakit dn un pra sakin kaso pag d mo talaga type mo wag mo nalang paasahin. mararamdaman at didistansya dn sayo ung tao pag alam nyang wala kang intesyon sa knya haha
 
sana ol

Screenshot 2021-06-03 125841.png
 

Attachments

Walang masama sa pag-amin ng isang babae sa crush niya. Sadyang makikitid lang utak ng mga nagdodown sayo.

Ganito na lang ts, kilalanin mo na lang munang mabuti yung taong napupusuan mo bago mo sabihin na may nararamdaman ka sa kanya. Look inside not outside.

Hoping, may makilala kang tamang tao sa tamang panahon.
 
I love you ts😊❤️,wag mawalan ng pag asa..darating din ang tamang tao para sau
Baka ako na yun😊hehe
 
based from my experience ts, pag may babae na nagcoconfess saken, prangkahan ko agad na "sorry, hindi ko kita type/gusto, pasensya na talaga..." except lang dun sa kaibigan kong babae na nagconfess saken na mahal niya daw ako, nireject ko sya in a good way at niyakap ko pa para hindi siya masaktan masyado tapos hindi ko naisip agad, maling-mali pala yung ginawa kong yon, kinabukasan nun, sabi ng bff niya, humikbi daw tuloy siya at lalong nasaktan dahil dun ahaha 😅😌
 
Ako di naman ako complete ghost or a hole yung ni reject ko yung babae na classmate ko when i was 16 still pinapartner ko parin sya kung may activity sa school. She have a autism spectrum disorder pero i was dumb that time at ala pa access sa internet. Naka ilang labas na kami at date date i just cant handle it. I feel bad cuz she's have fairly nice personality. I Yun yung reason ko probably kapag nasa level of maturity ako that time i might say yes. I will able to past the looks basta másáráp kasama at able to treat me as a human being.
Usually kase sa mga tao ngayon we want what we cant have i dealt a lot of rejections also karamihan rin brutal talaga biruin mo nagkaroon kayo ng date and mabuti yung flow at ghosting talaga at inhuman response na parang basura ako (like one word response at walang personality) dito ko nalaman na wag mo habulin yung tao na wala naman gusto talaga sayo. Walang choosing signal some of them napilitan lang. Jan ka talaga makakaranas ng brutal na rejection to people who are didnt like you in the first place. Atsaka ngayon eh karamihan sa tao walang personality.
One tip also kapag nag approach ka siguro naman di lahat ng lalake complete a hole. Para sa akin in order na magustuhan ko yung babae di baleng sablay ka sa mukha as long as nag e effort ka maligo at kunting cologne atsaka importante sa akin may personality yung kind, walang hatred towards men, able to put some effort sa date like ambag maskin bente. Yun bang di ko ma feel na di mo ako ginagamit. ******* papakasalan ko yung babae pag ganito sya. 😂
 
Last edited:
ako na walang nagkagusto
: may babae palang umaamin sa boy?

Meron babae na umaamin sa lalake. Dati, ang akala ko na walang babae na umaamin sa lalake pero naranasan ko na makasalimuha sa iba-ibang tao kaya sa dami ng tao sa buong mundo, andoon ko na realize na meron babae talaga na umaamin sa lalake. Hindi nga lang siya napapansin na meron ganoon babae dahil hindi naman kase sila open sa mga forum-forum, hindi naman sila open sa mga discussion and madalas lalake ang nag-oopen up kase pagdating sa pag amin at hindi babae.

I am sure na meron din babae dito o sa ibang forum. Nagkataon na ako lang ang nag open up.

Sa ibang bansa ay meron din. But mas maganda talaga kapag both na meron gusto. Meron ibang babae na umaamin sa lalake dahil in the first place, meron naman din gusto ang lalake. Nagkataon na inunahan siya ng babae na actually, aamin din sana ang lalake so maswerte kung parehas na meron gusto.​
 
Ako may mga times umaamin ako.But dinadaan ko sa tula minsan at duon ko ibuhos yung aking nararamdaman sa mga crush ko mabasa man nya o hindi.Bilang paghanga lang naman hanggang duon lang.It's up to them kung didistansya sila at least na open up ko at gumagaan pakiramdam ko after ko sumulat.
 
iba iba ang paraan ng lalaki sa pag reject at naka depende din yun sa pag uugali namin. Kadalasan hinahayaan lang. May pag ka OA naman kung ipinapahiya pa. Dapat nga maging thankful kame kase nagustuhan kami nung tao kahit alam namin na hindi sila yung ideal girl namin. Hindi naman na kasalanan ng babae yun na wala sa kanila yung hinahanap namin. Nagtapat lang naman at wala naman masama doon. Ang ipapayo ko nalang sayo para maiwsan mo yung ganitong rejections ay subukan mo nalang iparamdam sa tao na gusto mo siya at kung mapansin mo na hindi naman siya nag bibigay ng signs na gusto ka din niya ay wag mo nalang ituloy. Ganon talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin nakukuha natin. Madami pa naman jan sa paligid na mas better kaya okay lang yan.😁

Ako may mga times umaamin ako.But dinadaan ko sa tula minsan at duon ko ibuhos yung aking nararamdaman sa mga crush ko mabasa man nya o hindi.Bilang paghanga lang naman hanggang duon lang.It's up to them kung didistansya sila at least na open up ko at gumagaan pakiramdam ko after ko sumulat.
may copy kapa nung mga tula? pwede mo ba ishare. hehe
 
iba iba ang paraan ng lalaki sa pag reject at naka depende din yun sa pag uugali namin. Kadalasan hinahayaan lang. May pag ka OA naman kung ipinapahiya pa. Dapat nga maging thankful kame kase nagustuhan kami nung tao kahit alam namin na hindi sila yung ideal girl namin. Hindi naman na kasalanan ng babae yun na wala sa kanila yung hinahanap namin. Nagtapat lang naman at wala naman masama doon. Ang ipapayo ko nalang sayo para maiwsan mo yung ganitong rejections ay subukan mo nalang iparamdam sa tao na gusto mo siya at kung mapansin mo na hindi naman siya nag bibigay ng signs na gusto ka din niya ay wag mo nalang ituloy. Ganon talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin nakukuha natin. Madami pa naman jan sa paligid na mas better kaya okay lang yan.😁


may copy kapa nung mga tula? pwede mo ba ishare. hehe
nasa poem thread hehe try to visit my threads
 
I-takenote mo pg may makilala kang lalaki.. Vice versa din sa babae..

1. Easy to get hard to forget
2. Hard to get easy to forget

Ung ginawa mo HARD TO GET HARD TO FORGET = HARD HARD.. Para kang uminom ng gin ng walang chaser.. Mapait..
 
Normal lang yan pag pangit ka haha

Isa lang ibig sabihin kasi niyan mahal ka ni Lord ayaw ka niya mapahamak or mapunta sa kanila dahil kita mo naman sa ugali na pinakita nila pagtapos mo umamin diba haha wala pa namang umaamin saakin at di pa nag kaka gf kaya yan lang alam kong kasagutan sa tanong mo haha
 
Last edited:
Normal lang yan pag pangit ka haha

Isa lang ibig sabihin kasi niyan mahal ka ni Lord ayaw ka niya mapahamak or mapunta sa kanila dahil kita mo naman sa ugali na pinakita nila pagtapos mo umamin diba haha wala pa namang umaamin saakin at di pa nag kaka gf kaya yan lang alam kong kasagutan sa tanong mo haha
hahaha real talk yung first line.
 
  • Pag maganda yung babaeng umamin, di ko papansin hanggang magsawa sya at makahanap ng iba
  • Pag panget, direct to the point na agad "sorry, di kita gusto" kahit alam kong masasaktan sya ng sobra kase masamang paasahin ko pa sya
  • Pag diko gusto yung personality nya (masama ang ugali), direct to the point din "pwede bang layuan moko" ganto sinasabi ko para tumigil sya.

Depende ang pag reject ko sa babae kasi ngayon di pako ready makipag relasyon
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top