What's new

Trivia Computer basic knowledge by kuya dijae (tagalog)

Status
Not open for further replies.

Jmrie_

in memoriam 1995-2021
Joined
Aug 21, 2017
Posts
104,956
Solutions
1
Reaction
53,216
Points
27,061
Age
28
Ang loob mismo ng System Unit (o yung nakikita mo palagi na parang kahon na umiilaw ilaw at madaming nakasaksak na wires).

1. Una, ang system unit ay hindi dapat sabihing (CPU o Central Processing Unit). Hindi dapat, kasi ang CPU ay nasa loob ng System Unit, kaso nga lang nasanay na tayo na tawagin itongCPU (pero ang tawag talaga ngayon sa mismong CPU sa loob ay Processor). So ang system unit o CPU ay ang package ng lahat ng components ng CPU at kung ano ang pinapagana nito na nakalagay sa rectangle shaped box na madaming wires na nakakabit sa likod.




2. Ang Processor, ito ang nagkakalkula ng lahat ng process na kinomand mo sa computer. Kaya 'Processor', sya ang nagpoprocess ng tasks. Ito ay ang parisukat na may fan at may heat sink o yung may silver na patusok-tusok. Kadalasan itong makikita sa gitna ng board o sa gawing itaas din. Kung wala ito, hindi gagana ang computer.


3. Ang system board, o 'mother board'. Dito nakakabit lahat ng circuit related na components ng computer, usually naka-hinang ang mga ito sa mother board. Dito din sinasaksak ang power supply upang mapagana ang buong sistema.


4. Power supply. Ito ang nagbibigay suplay ng kuryente sa buong sistema. Usually makikita ito sa taas na bahagi ng computer (kung tower type ang computer mo) o sa gawing gilid sa likod. Dito din sinasaksak ang power cords na galing sa outlet nyo. Sa loob, may mga kulay ang wires nito na itim, dilaw, pula at puti.


5. Hard Disk Drive (HDD), ay ang component kung saan nakalagay ang buong data na nagpapagana ng computer. Dito naka-store ang Operating System (OS), at mga files mo. Ito ang kadalasang iniingatan dahil sensitive ito at hindi dapat ma-uga at maalog dahil maaaring masira o 'ma-corrupt' ang OS at files mo.


6. Memory o RAM (Random Access Memory), ay ang component kung saan nag-iistore ang computer para basahin at magchange sa mabilis na saglit sa kahit anong order. Ito ang kadalasang sinasabing nagpapabilis ng computer dahil kung malaki ang RAM, kayang magprocess ng Processor ng mabilis. Ito ay ang manipis na sinisingit sa motherboard na parang green at may mga itim na parisukat. (Grabe ba sa detalye?, hehe)


7. Video Card o 'Graphics Card' ay isang component na ginagamit sa pag-display ng computer papuntang monitor mo. May dalawang klaseng Video Card, isang 'internal or built-in' at mismong 'Graphics Card'. Ang built-in ay nakalagay na sa lahat ng computer upang mapagana ang display nito. Ang video card ay binibiling hiwalay na kadalasang kailangan ng mga gamers at mga animators. Dito isinasaksak ang monitor sa likod na kulay blue at may female na pins.


So matapos nating maisa-isa ang pangunahing components ng CPU ay dumako naman tayo sa nakikita, o yung mga pisikal na bahagi ng computer.

8. Ang monitor, malamang alam mo na ito. Kung wala nito pano ka gagamit ng computer (manghuhula? kapa-kapa? hehe biro lang). Dito nagdidisplay ang lahat ng pinaprocess ng computer mo at at nakasaksak ito sa likod ng CPU, doon mismo sa graphics card at ito ang pinaka kailangan pag ginagamit ito sa araw araw. Agree? Karagdagang kaalaman: popyular itong kinakabit sa tinatawag na VGA o Video Graphics Adapter (ito yung kulay blue).


9. Ang keyboard, yung pangmusika! (hehe biro lang) Puro biro eh no? Syempre ang keyboard ang component na ginagamit mo ngayon para magchat sa facebook habang nagbabasa nito (hehe tama ba?) Ayan, yan ang type ng keyboard sa panahong ito na tinatawag na QWERTY, pansinin mo ngayon sa keyboard mo, hindi ba may qwerty dyan? :) Ngunit kung nakamobile ka e hindi naman malayo ang itsura nito sa pisikal na keyboard.


10. Mouse, aba alam na alam yan kasi nahihirapan kang itutok minsan sa pipindutin mo eh. Hehe Yan po ang mouse, kung saan ang medium na ginagamit para mag-interact ka sa computer. May left and right click ito at minsan may 'mouse wheel' at middle clicks. Ito ang mga pinipindot para mabuksan mo ang artikulo na ito diba? Di ko na siguro kailangan pang paliwanag ng maayos. O nga pala ang keyboard at mouse ay nakakabit din sa likod ng computer mo o di kaya sa harap, sa USB (Universal Serial Bus) port o kung luma ang computer mo, sa likod ito na may green (sa mouse) at violet (sa keyboard) na PS/2 socket na tinatawag.


Hindi ko na po sinama ang sound card dahil luma na iyon kung ito'y nakikita pa sa computer mo. Usually naka embed na ito o built-in na sa computer mo. Maging ang floppy disk drive o yung pinapasukan ng Diskette ay luma na ngunit ginagamit pa sa ilang kumpanya tulad ng bangko.

At iyan po ang mga basic na components at paliwanag ko, tandaan po na lahat yan ay gumagana ng sabay sabay na pinaprocess ng Processor na sa pamamagitan ng OS o Operating System.

Ang operating system ay ang software na nagkikipagusap sa pagitan mo at ng hardware o physical components ng computer, ito rin ang isa sa pinaka-importanteng bahagi ng computer sapagkat dahil dito nakagagawa ang isang tao ng trabaho sa pag-interact sa makina.
 
super beysik explanation. Haha
'Di mo ata na mention yung SSD. :)
 
Last edited by a moderator:
super beysik explanation. Haha
'Di mo ata na mention yung SSD. :)
Hinde naman kasi saaken yang article so no need na ikaw na po mag dagdag haha at alam ko naman yan e haha
 
Last edited by a moderator:
d,zdr,deewe,fd c,deggdedxxxdcddrf xfsdgf2ffrwdsfexfdtdx,dEdff dedrfdeeD
vCaDeeseccbcdadddeeddfg, xddxDEeddddfddEVERwesDRdeffsrdecdvxesEe,dthx,xxxwwswqAWww eszssedseseswsw,dcddgdf,cdfcDtddRfffffttcElseeasssxedweewvwdseswq,
Translation: Patulong magpa established. Need ko lang ng 5 post. Gusto ko din maging RED yung username ko. Salamat!

Ganern yun, lengwahe yan mga bes. Trinanslate ko na para di kayo ma OP
 
Basic lang pero malaking tulong sa kagaya ko na hindi maalam sa computer. Anyway, thank you Nat! Mouse, keyboard, monitor at cpu (system unit pala meehe) lang alam ko.
 
Basic lang pero malaking tulong sa kagaya ko na hindi maalam sa computer. Anyway, thank you Nat! Mouse, keyboard, monitor at cpu (system unit pala meehe) lang alam ko.
Walang anuman dok salamat din sa pag visita
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top