Okay. Ang pagkakaiba ng coins.ph at coins prô,, sa coins.ph naka-based lang sa market value agad ang palitan. Sa coins prô naman, maliban sa market value na palitan, pwede ka din bumili o magbenta base sa gusto mong presyo ng bitcoin.
Halimbawa, ang nakabili ka ng 1btc worth 100php. Tapos ang palitan ngayong punto na ito ay 1btc=99php (lugi ka ng piso)...
Sa coins.ph, kapag nagconvert ka, lugi ka talaga ng piso. At sa moment na magconvert ka, di ka pa tiyak kung di magbago ang value.
Sa coins prô naman, pwede mo ibenta ang 1btc mo ng 101php (may tubo kang 1php) kahit na ang palitan ngayon ay 99php lang.
Pero hindi agad agad yan. Kumbaga, kahit di mo na bantayan, basta nag-order procesa ka, naka-pending lang yan, at kusang mabebenta kapag tumapat na ang palitan ng 1btc ay 101php.
Gets na?