Mga mam/sir, nagbabalak ako bumili ng scooter. Ano kaya mas okay? Click 125i or Mio 125s? Pamasok ko sa work from Balagtas Bulacan to Caloocan po, sa Mc. Arthur ako dumadaan. Saka balak ko rin pang longride rin kung sakali. Baka naman matulungan nyo ko pag decide. Salamat po. RS sa lahat.
Sabi nila click pero ako naka mio hehe. Pero maganda nga click tubeless na sya tsaka liquid cooled. Sa mio kasi air cool pa sya pero di mo na need maglagay ng coolant. Hehe
meron na ako pareho. halos pareho lang din sa fuel consumption. maganda lang sa click yung play ng stock shock at naka digital panel na rin. Hindi na rin big deal yung liquid/air cooled kasi hindi pa naman ako binigyan ng sakit sa ulo ng mio ko kahit pinang lolong rides ko. mas madalas ko gamitin mio ko sa city driving kasi mas gusto ko handling at mas madali isingit pag traffic.
ang panget lang kasi sa click.. yung rear fender.. ahahaha di ko alam kung ganon ba talaga factory made nya... halos lahat ng click ganon.. tabingi ang fender hindi nakaalingn sa gulong....
about naman sa coolant... di naman yun big deal... pareho lang din naman yan fi.. kaya same lang sila ng fuel consumption...