What's new

Christmas nagbreak na kami ng boyfriend ko

Opo boss yun nga natutunan ko. Di muna ko dapat pumasok sa relasyon. Feeling ko rin kailangan ko din muna magkaroon ng self love sa sarili ko para pag nameet ko na yung para sakin, magiging tamang tao rin ako for him.
 
Yun nga po, hindi sya nagbabago. He always breaking his word. Kaya nagtatalo kami. Salamat boss napagaan mo loob ko. Pag aaralan ko din munang mas mahalin pa ang sarili ko.
 
Pareho pala tayo boss, tara ml tayo hahah. Makakamove on din tayo. Maraming issue nga yan sa mga magjojowa ngayong pandemic. Pagsubok lang dapat pagiging ldr niyo pero baka way din yan para makilala mo na yung gf mo is hindi kayang maging loyal sayo
 
Hahahaha hindi ko naman yan ginawa boss. That time sobrang sama lang ng loob ko sa kanya. Naiiisip ko lang ba kasi sa sobrang sakit ng panggaga go nya sakin. I even told him na gusto ko sya saktan, sampalin dahil sobrang nasaktan ako. He told me na sigee daw okay lang sa kanya but i didnt do it kasi alam kong hindi tama. Bahala na ang diyos sa kanya.
 
Salamat boss. Ill keep your words. Nagegets ko din yung mga pagdadahilan nya. Isa nga yun siguro kaya mabilis sya nawalan ng gana sakin. Im too matured kasi kaya yung mga maling nagagawa nya lagi kong napupuna akala nya siguro hindi ko napapansin yung mga kalokohan nya.

Kagaya nung nagdahilan sya sakin na wala raw silang handa ng pasko, sabi ko kung talagang gusto mko maisama magpapaluto ka kahit spaghetti lang magkano lang naman spaghetti kako. Nung sinabi nyang mag aabroad daw sya, sabi ko kung mahal talaga nya ko di nya idadahlan yun, gagawa sya ng paraan para maisama ako.

Mukha na siguro akong nanay sa kanya but i cant help it cos i disagree with him treating me that way. Inaccept ko naman lahat sa kanya at lagi ko sya iniintindi financially dahil alam kong hindi sya well off sa pamilya. Alam naman niyang true love lang naman, attention at care ang hanap ko.

Pero boss salamat sa reply mo. Sana lahat ng lalaki marunong umintindi at magpahalaga sa damdamin ng babae dahil di naman kami laruan lang ng mga boys.
 
yan yan goods yan. basta for now, focus on healing yourself na lang muna. parehas tayong nagago ng taong mahal natin XD
 
opinion lang ts, turo lang din ito sakin ng mga expert, better mag pa kabusy ka muna kung san ka nasisiyahan na bagay, ex. games or movies, suggest ko iblock mo muna sya un contact at fb nya, if sincere sya pupuntahan ka nya,


pero dont expect dahil nag paalam sya, ako rin may first love story kaso hindi naging kami, and lastly manood ka ng mga motivational messgae like kay ptr bong saqiung, para mapagaan ang loob mo, kaya mo yan at ingatan at alagaan na ang puso dahil foundation ng buhay yan at pag iyan nasaktan muli, mahirap nanaman kumilos, God bless you
 
Same ts niloko at pinaasa din but maraming mas deserve sayong mahalin ka kung mahal ka niyan ts paninindigan ka hindi sa buntis ka chourr ganiyan din kami ng jowa ko 8 months na kami kahit nagaaway kami kahit ldr hindi kami nakakapunta because of pandemic inaayos namin sa isa't isa yung away we gonna fix this kasi useless kung puro away kayo at hindi kayo nagpapansinan magsisisi yan ts kailangan pa niya magaral pano maghandle ng relasyon you dont deserve this man immatured at hindi marunong sumuyo sa babae kung may kasalanan ka o siya dapat in the first place suyuin na and ayusin niyo na inspired other things ts libangin mo sarili mo para makalimot ka new mission move on and gawa ka ng mga bagay na ikakasaya mo andito kaming mga pamilya mo ts nakasubaybay sa gagawin mong misyon haha peacee yoww
 
Alam mo sa 8th years namin ng GF ko parang 5 years nun magkalayo kami haha. Tulad ngayon nasa UAE siya. It takes time pero sabi ko na magkakasama din kami uli and kung maikasal na kami e, hindi na mahirap yung magsama kami kahit saan. Kaya kung sakaling makata mo na si the ONE wag mo ipressure yung sarili mo. Wag mo push ung ideals mo agad agad. Dahan dahan lang din dapat dahil minsa ang lalaki napaka slow niyan. Saka pag nagkasama na kayo sa isang bubong ng kahit ilang buwan o isang taon e dun mo talaga makikita anong klaseng partner meron ka.

Mabilis din kasi talaga mag mature ang babae kesa sa lalaki. Hehe naalala ko ung ex ko way back college. Nag hahabulan kami sa kalsada. Hinahabol niya ko kasi gusto ko na umuwi hahahahaha.

Enjoy mo lang muna sarili mo. Wag ka mag madali. Enjoy lang ang buhay at sa career. :)
 
haha matanda ka na kase at seryoso at ayaw mo ng pangalawa...first is my last... ikanga?
Ganyan din ako, ramdam kita
kaso sa sitwasyon mo ..siguro hindi pa to ang oras para sa inyong dalawa.
sabi nga..sa kanta ng GUNS N' ROSES na NOVEMBER RAIN...
Sometimes I need some time
On my own
Sometimes I need some time all alone
Everybody needs some time
On their own
Don't you know you need some time all alone
 
baliw yan ts know ur worth okay wag ka mag paka eng eng jan sa tao na yan kasi utak niya d mo kaya mawala sia sayo kaya pag sinabi niya na break na kayo ed ok ganun lang kadali yun girl.
 
Kinontak ko sya at nag usap kami. Buti nlang pala kasi atlit nalinawan ako. Gusto nya pa makipagbalikan non pero feeling ko gawa lang ng kinontak ko sya, yung mga actions nya otherwise. Binura na nya yung in a relationship sa fb. Wallpaper ng phone nya binago at sinabi na rin nya sa mom nya na hiwalay na kami. Ang sakit di po ba? Tinext nya ko ng ganun tas wla na pala talaga syang balak makipagbalikan </3 so tinapos ko na kasi sobrang sakit ng mapaglaruan.
 
alam mo gawin mo enjoy ur life on ur own dun mo mararamdaman na masaya ka pag mag isa ka pag may dumating man sayo na tao tanggapin mo pag nakipag hiwalay tanggapin mo kasi parang madali nalang sayo makipag hiwalay kasi alam mo sa sarili mo na worth it ka.
 

Similar threads

Back
Top