What's new

Tutorial Cattery 101

NEKO7

Eternal Poster
Joined
Feb 16, 2016
Posts
816
Reaction
756
Points
384
272172470_636179637616374_5137399434253941760_n.jpg
259992701_618832206136206_6075385676796051510_n.jpg


I just wanna share my Cat petting experience.

10 years nakong Catman, I assume I am a catman , sabi nila pag may 3 o higit kapang pusa your a catlady, well I had 16 cats in total within the span of 10 years. I started sa local variant yung tinatawag nateng Puspin o pusang pinoy, basically mga shorthair.

Merong dalawang klaseng breed na common pet na pwede mong ma avail locally Siamese and Persian, usually mas mura yung Siamese dahil mas madame sila mag anak compare to Persian.

Recommendation Between the 2

SIAMESE - kung ikaw yung tipong tamad or ayaw ng complicated petting these are the right breed for you. Hindi masyadong matrabaho alagaan sila dahil short-hair ang mga siamese . Pero believe me pag tumada or tumuntong sila sa right age para sa mating o pag papadami , gabi gabi kang miistress lalo na sa mga lalaking siamese dahil maingay sila pag nag heheat o nag hahanap ng partner na babae. Plus kahit trained na sila iihi pa rin sila ng iihi sa buong bahay mo. The best thing about Siamese mas malambing sila compared to Persians.

PERSIAN - kung ikaw naman ay maraming time para sa pag aalaga maybe bagay sayo tong persian , lalo na kung laking Barbie ka na suklay ng suklay ng buhok ng doll mo. Since mahaba ang balahibo ng mga persian you must atleast once a day suklayan mo sila para matanggal yung excess nilang balahibo . Bakit? linis kasi ng linis ng sarili nila yang mga persian kaya nakakain nila yung balahibo nila at naiipon sa tyan na madalas na nagiging cause ng pagkamatay nila lalo na pag bagong panganak walang gagawin yan kundi linisan mga anak nila. Bossy ang mga Persian compare to siamese may time na mapapansin mo parang gusto nila sila nasusunod. Tapos pag minassage ka nila dapat ipepet mo sila after kundi kakagatin nila kamay mo parang humihingi ng bayad.

GROOMING

Hindi naman necessary na paliguan ang pusa yung iba nga since birth di pa naligo, amoyin mo nalang sha kung mas mabaho sya sayo then maybe its time na paliguan na. O yung tipong andumi talaga. Usually pinupunasan ko lang mga pusa ko ng basang twalya na may PH care joke basta none toxic na sabon yung pang pusa . Or kung gusto mo talaga paliguan ipag init mo sila ng tubig mainit ihalo mo sa pampaligo para maging maligamgam kasi kung cold water ipapaligo mo di aabot yun sa balat nila dahil ang pusa waterproof mga yan oily yung balahibo nila kaya pansin mo kaya nila lumakad sa tubig parang si Jesus yang mga yan.

TEKNIK SA PAGTAE

So ako kasi binibilhan ko sila ng tig iisang dustpan yung kulay itim tapos pinepwesto ko sa cr ko, ayaw kasi ng mga yan na may ibang umiihe o tumatae sa trono nila unless natuto sila tumae sa bowl ng banyo nyo meron talagang ganon kahit puspin bigla mo nalang makikita tumatae sa inidoro sabi nung iba pakita mo sa kanila na tumatae ka gagayahin ka daw . Yung iba kasi magastos gumagamit ng buhangin para may pantabon sa tae pero kahit wala naman magtatabon sila kunwari tapos yun na yon. Ako kasi kaya dust pan para maiflush ko sa inidoro yung tae nila pero di ko na sinasabon yung dustpan para andon pa rin yung markings nila at sila maligaw sa dustpan ng iba.

Pano mo malalaman kung ok pa health ng pusa mo, check mo lage tae nila kapag malambot o matubig ayos yan pero pag matigas stress yang pusa mo. Simple lang solusyon bilhan mo ng catgrass or ipasyal mo sa halaman ng kapibahay mo ipachibog mo halaman nila.

TREATS - bilhan mo ng catnip ********* ng pusa legit yan kaya wag kang kabahan bumili.

DIET - wag kang bibili ng iisang klase lang ng catfood dapat paiba iba lalo na pag dry catfood , wag lageng pellets dahil parang junkfood yan sa kanila. Once a week lagaan mo ng manok , atay, at kalabasa lamasin mo lahat goods yan sa kanila.

Hindi po totoo na masama ang pusa sa may hika masama yan kung klase ng hika nila makalanghap lang eh natritrigger na. Actually nakakapag pa relax ng taong inaatake ng hika ang pusa . I recommend na mag pet kayo ng pusa kung kayo ay taong depress para lalo kayong madepress at mag suicide nalang kayo syempre joke lang yon. Pero ayos talaga mag alaga ng pusa kasi nung nagbreak kasi kame ng ex ko nag alaga ako ng maraming pusa mas sumaya buhay ko. You know why? Coz I got so many ***** in life .

Sana may napulot kayong aral sa aking Pusa share. Alagaan nyo ang mga Pusang ina nyo.
 

Attachments

totoo yan, masaya talaga mag alaga ng cats, lalo na yung mga malalambing.. kasama mo sa pagtulog ..puspin saka siamese na breed, mga sweet talaga. mahirap minsan mag alaga ng persian , kakalinis mo lang, dami na naman nag liliparan na mga balahibo.. haha!
by the way, ang cute po ng mga furbabies mo paps! .. 😍
 
Yes nakakawala ng stress Ang pagaalaga ng cat.try to research and magtanong sa mga nakapagalaga na.you just have to be responsible na din.hindi lang basta pet yan.may Buhay din sila tulad natin.
 

Similar threads

Back
Top