What's new

Car is Overrated: Bicycle is the Future

Kaplok Kaplok

Forum Veteran
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
3,005
Reaction
1,292
Points
1,012
Tulad ng maraming Pilipino, isa ako sa nangarap ng ganito.
Magandang trabaho;
Sariling bahay;
Sariling KOTSE.

Mahirap nmn iwasan, dahil yan ang mga kadalasan pinagmamalaki ng mga tao hinahangaan natin. Yan ang mga nagiging simbolo ng success nila sa buhay.
Kahit hindi mo aminin, pati ikaw nagdaan dyan, baka nakamit mo na, o tinanggap mo nlng na hindi mo kaya maachieve yan.

Eight years ago, isa ako sa nagkaroon ng pagkakataon manirahan sa ibang bansa, sa California, USA. Ngayon nakuha ko na mga yan, naramdaman ko na isa dyan ang hindi ko pala talaga tunay na gusto. -ung pagkakaroon ng kotse.

Don't get me wrong. May sarili padin akong kotse at malaki ang naitutulong sakin nito. Lalo na't ngayon may sarili na akong pamilya, malaking pakinabang talaga. Ngunit ang napansin ko, kaya ko lang naman siya kailangan dito, ay dahil walang tricycle, pedicab, jeep, lrt, or fx. Puro UBER at LYFT lang ang magagamit mo pang commute, at mas mainam pang bumili ng sariling kotse kaysa gawin yan araw-araw. Sadyang ang disenyo ng siyudad nila, ang sasakyan ay napakahalaga. Sa katunayan nga, may mga tao na mas willing mawalan ng bahay, kesa mawalan ng sasakyan.

Noong una akong bumili ng sasakyan, pinili ko pa yung "dream car" ko. Medyo may kamahalan, pero komportable. Pwede mo tirahan kung tutuusin. At para kang nasa sofa nakaupo habang nagmamaneho.
Makalipas ang ilang taon, narealize ko, ang silbi lng nmn talaga ng sasakyan para sakin ay para makapunta mula point A to point B. Hindi ko naman talaga ramdam yung saya ng pagmamaneho, lalo na kung ang gusto ko lang ay makapasok o makauwi, tapos naiipit na ako sa trapik. Hindi pa ako puwede makipag text o magkutingting ng cellphone ko sa byahe, dahil ako yung driver. Nakakainip din. Pag may sira, ako yung gagastos at mag aasikaso. Minsan pati parking problema ko. Akala ko pa naman mas magiging malaya ka pag may kotse, pero nakatali padin ako.

Naisipan kong bumili ng bisekleta nitong simula ng 2022. Trip lang, saka mura din. Nakabili ako ng isang lumang e-bike. Napagtripan ko lng din minsan ipang pasok sa trabaho. Nung una nga ay kinakabahan ako dahil madalang ang nagbibisikleta dito. 30 mins na byahe din ng kotse ang layo ng trabaho ko. Hindi ko sure kung kaya ko at kung gaano katagal. Pero noong ginawa ko na, hindi nmn pala ganoon kahirap. Doon ko narealize na pupwede naman pala yun.

Nung nagsimula ako mag bike, mas maganda pa ang mood ko pagdating sa trabaho. (Mejo pawis, pero pagpapawisan din naman ako sa trabaho). Kahit gaano ako tinatamad, nawawala yan pag nasa biyahe na. Mas naappreciate ko ang city namin. Nakakapagpahinga ako kung kelan ko gusto. Sakto pa, biglang nagtaas ang presyo ng gasolina kaya tinuloy tuloy ko ito, hanggang makabili ako ng bagong electric bike. Mejo nadagdagan ang oras ng byahe ko. Nadagdagan ng 5 mins, 5 mins na masaya ako. Extra 5 mins para mabawi ko ang isang oras na ilalaan ko sa pag punta ng gym.

March 2022, nakauwi ako sa Pilipinas. Napansin ko na dumadami na ang mga cyclist sa atin. Nagkaroon na ng mga bike lanes ang maraming kalsada. Considering na mayroon padin tayong public transport, kailangan lang i-adopt ang mga ito para ma-accomodate ang cyclist. Madudugtungan ang range ng pwede mo puntahan.

Ngayon ding 2022, Unti-unti nmn din nauuso ang mga personal na vehicles dito gaya ng bikes, electric bikes, at electric scooters dito sa US. Iyon nga lng, napakalaking infrastructural changes ang kailangan baguhin at mahabang panahon ang bibilangin bago ito tuluyang maging normal na transport ng mga tao dito sa siyudad namin. Sadyang walang msyadong choice kahit 10x na itinaas ng gasolina, mapipilitan ka padin mag kotse.

Kaya, ang masasabi ko, kung nasa Pilipinas ka, hindi bale may kotse ka kung talagang kailangan mo. Pero kung ang gusto mo lng ay makarating sa trabaho, mag bike ka nalang din. Habang dumadami ang cyclist, eventually gaganda ang cycling infrastructure natin. Hindi yan gagastusan ng gobyerno kung kulang ang demand. Mababawasan ang trapik na dulot ng mga personal cars at mababawasan ang disgrasya na dulot ng mga kotse sa lansangan, sa bawat isang driver na maging cyclist na lang. At bukod pa diyan, mas makakabuti din sa kalusugan mo. Alam ko meron ding mga challenges yan, pero mas nakakatuwa at tipid challenges yan kesa mag babysit ng tatlong toneladang bakal, na siyang malaking lamang niya lang sa bisikleta, ay bragging rights sa mga iba wala naman din talagang pakialam.
 
Last edited:
may point ka bago ka pumasok ng work ung katawan mo nasa condition na para kalang nag exercise good idea ts

siguro kung for work bike pero pag malayuang byahe kotse na siguro
 
may point ka bago ka pumasok ng work ung katawan mo nasa condition na para kalang nag exercise good idea ts

siguro kung for work bike pero pag malayuang byahe kotse na siguro

Oo nmn, may limit pdin yan.
Pero in conjunction sa mga public transpo, lets say foldable bike tapos isasakay mo sa lrt, malayo maratating mo. Saka magugulat ka kung gaano kalayo ang "bikeable" pag nasanay ka na. Ang average commute (work trips) ng mga tao sa Pilipinas, 71% is less than 59 mins.
Screenshot_20221221_052000_Chrome.jpg

Imagine kung gaano lng kalapit yan considering ang traffic speed. Average speed ng edsa is 23 kmh. Doing the math, 71 ng byahe sa manila is wala pang 23km (probably less kasi hindi nmn lagi edsa speed ang travel). Average speed ng beginner cyclist is 13-19kmh.

Sa madaling sabi, wala pang isang oras na bike yan. parang lalabas din na mejo lampas 1hr lng din. Kung ebike, mas mabilis pa jan.

Not to mention, mas madami din mga trips na maikli pa dyan ang daily pinupuntahan ng mga tao, na hindi papunta sa work.
 
Attachments

Last edited:
ako na nagbibike..yung feeling na nakakapasyal ka at the same time nakaka enjoy since hindi ka nakukulong lang sa pagkakaupo and you're free to move around.
 
tama ka ts, pansin ko nga ngayon na andami na ng mga private na sasakyan sa highway, at kailangan dapat bawasan, yung mga namamasahero dapat ang mas marmi tulad ng mga jeep at pedikab, at mas mainam nga na gagamit nalang ng bike para maibsan ang polusyon at ang dami ng sasakyan sa kalsada.
 
Kahit nga sa usapang trapik nalang diba.
Pag nagta-trapik kasi ang bawat lugar, ang solution agad na naiisip ng mga tao: ROAD WIDENING.

Ilang bilyones na ginastos sa tax ng tao, ilang property na ang tinibag, pero hindi padin umaayos.

Alam mo ba kung bakit? Kasi kung saan yun maluwag na kalsada, yun din ang dinumog ng sasakyan every rush hour.

Pero kung cycling ang maging norm sa Pilipinas, at ung infrastructure ay iakma dito, it will be sustainable. Honestly, pag naadopt yan maigi, yung mga workplace at mga establishment ang kusang lalapit sa mga residential area para maging cycling range sila. Kusang masosolusyunan ang isa sa mga cons ng cycling.
 
Kahit nga sa usapang trapik nalang diba.
Pag nagta-trapik kasi ang bawat lugar, ang solution agad na naiisip ng mga tao: ROAD WIDENING.
tingin ko hindi yan ang pinakaultimate na solusyon sa lahat... para saken mas mainam na mag bisikleta o kaya limitahan ang mga private vehicles sa highway,
Ilang bilyones na ginastos sa tax ng tao, ilang property na ang tinibag, pero hindi padin umaayos.
Alam mo ba kung bakit? Kasi kung saan yun maluwag na kalsada, yun din ang dinumog ng sasakyan every rush hour.
kaya nga, kaya dapat nga talaga palimitahan yan ng pamahalaan
Pero kung cycling ang maging norm sa Pilipinas, at ung infrastructure ay iakma dito, it will be sustainable. Honestly, pag naadopt yan maigi, yung mga workplace at mga establishment ang kusang lalapit sa mga residential area para maging cycling range sila. Kusang masosolusyunan ang isa sa mga cons ng cycling.
tama ka po ts...
cycling is the best pag medyo malapit lang ang workplace...
 
tingin ko hindi yan ang pinakaultimate na solusyon sa lahat... para saken mas mainam na mag bisikleta o kaya limitahan ang mga private vehicles sa highway,

kaya nga, kaya dapat nga talaga palimitahan yan ng pamahalaan

tama ka po ts...
cycling is the best pag medyo malapit lang ang workplace...
Ginagawa nmn na nung pamahalaan ung pag limit sa mga private vehicle. Yan yung purpose ng "color coding".
Pero hindi din siya effective kasi ang gagawin lng ng tao, bibili o hihiram ng ibang sasakyan. At the end of the day, isang kotse din sa kalsada. Wala nmn sana problema kung namamaximize ung capacity ng sasakyan. Ang problema ung mga kotse na driver lang ang sakay (kadalasan sila din ung delikado magmaneho).

So ung cycling culture talaga maganda ipush, infrastructure will follow, then it will be more convenient to bike than to drive.
 
Back
Top