What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Cable, dsl or fiber optic?

Turong Baliw

Leecher
Joined
Aug 25, 2016
Messages
26
Reaction
20
Alin nga ba ang maganda, Cable, DSL or Fiber Optic?

Ito ang ilan sa mga katanungan na aking natatanggap sa tuwing napag uusapan ang internet.

Kung sa Pilipinas, marami ang nag aalok ng Cable Internet, gaya ng sa mga local Cable TV ninyo, naka bundle ang internet sa TV/

May mga Pros and Cons ito:

Pros: Kahit gaano ka kalayo, same ang speed ng internet mo sa katabing ISP (Internet Service Provider) o ang nagbibgya ng internet sa inyo.

Makakapanood ka ng TV, at the same time, makakapag internet ka. maganda Hindi ba.

Cons: At dahil nga cable ito, tinatawaga naman na shared connection ito, kashare mo sa internet ang kapitbahay ninyo, barangay, o bayan.

Sa madaling salita, pag peak hours, dahil nga shared ito, bumabagal ang inyong internet speed.

Next DSL o Digital Subsriber line

Ito ang pinakapopular na internet sa atin, aabot ng 60% ang gumagamit nito, nakakabit sa telepono o cabled telephone wire.

Pros: Mabilis ito kaysa sa Cable line, hindi nagkakaroon ng Sharing ng internet dahil dedicated ang inyong internet di gaya ng sa cable.

Cons:

Ito naman ang masaklap, habang lumalayo ang inyong lokasyon sa inyong ISP, bumagal naman ang inyong internet, sa madalig salita, mabils ito kapag malapit ka sa inyong ISP, kapag malayo ka na, usad pagong na ito.

Fiber Optic:

Ito ang tinaguriang wave of the future. For now, sa aking experience, mabilis ito ng 5x sa DSL, which sa aking connection I am using 50 Mbps, though sabi ng iba at sa aking nababasa, aabot pa ito ng higit 1gbps, imagine makakapg download ka ng isang pelikula sa isang segundo.

Pros: Ayun na yata sinabi ko na ang kagandahan nito sa itaas.

Cons: Yun lang may kamahalan, gaya rito sa Saudi, ang DSL aabot lang ng 150 SR per month ng unlimited internet na aabot lang ng ilang Mbps, samanatlang ang unlimited internet naman na 50Mbps fiber optic, aabot ng 300 per month. Though sulit rin naman sa bilis, lalo na sa mga gaya ko mahilg manood ng movies.

Nasa inyo pa rin ang choice kung aling connection ang inyong gagamitin.

Nga pala, sa mga gumagamit ng Mobile connections, nasa max 10Mbps lang yan, depende pa sa location ninyo kung gaano kayo kalayo sa Cell site ng inyong ISP. Habang klumalayo, humihina.

Kung may nais kayong itanong comment lang. Thanks for taking time to read.
 

ickie1593

Honorary Poster
Kung ako tatanungin, mas maganda ang fiber optic which gives a high-speed internet connection. But, walang stable na data connection dito sa Pilipinas na kayang magsupply ng permanent speed ng internet connection. PLDT is now serving a fiber optic services pero laging may system downtime. Kaya yung plan mo na fiber optic parang wala ding saysay dahil nga sa down time ng system nila
 
Comment
For example: mas gusto ko yung fiber optic kasi high speed connection, but the problem is, nasa pilipinas ako bali wala rin yung speed. Babagal din yan hahaha
 
Comment

hanneman

Eternal Poster
Kahit alin gamitin diyan may capping ang ISP so lilimitahan pa rin data bandwith mo...:) dito satin sanayan na lang kung alin stable connection dun na lang kahit mabagal.
 
Comment

ickie1593

Honorary Poster
Kahit alin gamitin diyan may capping ang ISP so lilimitahan pa rin data bandwith mo...:) dito satin sanayan na lang kung alin stable connection dun na lang kahit mabagal.
Tunay ka. Pilipinas lang ata ang may ISP na may capping pa na tinatawag. Pagdating daw sa abroad puro Unlimited talaga ang internet connection nila at sobrang bilis. Umaabot daw ng 54mbps yung single download nila. So papatak lang sya ng ilang segundo kung magdownload ka. Ewan ko din ba kung bakit pinayagan ng Foregn Investor ng Smart/Globe/PLDT na lagyan ng capping ang internet dito dahil kung tutuusin hindi naman sila lugi dahil sa mga nagdaang panahon mas lugi pa ang subscriber dahil simula pa lamang na nagkainternet dito sa Pilipinas di na umusad ang speed dito. Para lang nagtatapon ng pera ang. ga gumagamit ng internet diyo satin dahil dyan sa kawalang utak na idea ng mga Telcos na yan
 
Comment

hanneman

Eternal Poster
I do think one major problem lies in the infrastructure itself. Kailangan talaga ng re-engineering ng network. Kahit latag ng latag ng upgraded cables kung sinusundan parin yung old facility ganun pa rin, walang major changes na mangyayari. Ito yata ang malaking hamon sa mga TelCos. Expensive and it needs more manpower.

By the way search ninyo copper wire vs fiber optic cable and you will be surprised with what the experts says..:)
 
Comment

ickie1593

Honorary Poster
I do think one major problem lies in the infrastructure itself. Kailangan talaga ng re-engineering ng network. Kahit latag ng latag ng upgraded cables kung sinusundan parin yung old facility ganun pa rin, walang major changes na mangyayari. Ito yata ang malaking hamon sa mga TelCos. Expensive and it needs more manpower.

By the way search ninyo copper wire vs fiber optic cable and you will be surprised with what the experts says..:)
I am not an engineer, I'm an IT. Imposible nila tanggalin ang yung mga old line kasi malaki ang maaaring maapektuhan. Yung mga pocket WiFi na connected sa 3G/HSPA/HSPA+ line ay maaaring magdown at napakaimposible din na iconnect nila yung mga old device sa new line dahil malaki ang talo nila at maaari din na magmalfuntion yung pagacquire ng signal nyan. So ang tendency nila ay magdagdag lang ng magdagdag lang ng linya sa frequency para sa 4G para issuply sa mga new device. Sabi nga, IT fix the work of engineers pero kung titingnan nyo mas malaki pa ang sweldo ng mga engineer na yan na puro naman palpak ang trabaho at mas mabilis pa sila mahire kumpara sa mga IT.
 
Comment
Kung tutuusin kaya naman ng mga networks na ayusin yang problema na kinakaharap natin sabi nga ehh kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan.. Naniniwala ako na magagaling tayong mga Pilipino the best in the world problema nga lang kung hindi tamad, ayaw naman gastusin ang pera sa may kwentang mga bagay bagay
 
Comment

hanneman

Eternal Poster
Knowedge ko sa re-engineering is designing new facilities, new structure bale iiwanan na yung old facilities. Kapag natapos na activate online lang, kanya expensive works. Parang sa company pagka sinabing re-structure, new organization, new management, new hire's, new staff. :)
 
Comment
maganda na sana yung bagong unli net plan 1899 ng pldt kaso di naman available dito sa antipolo!! :( (EHEM PLDT, PAKILAGYAN na po) yung congressman lang samin ang meron pero sinagot niya lahat ng pakabit di ko alam kung magkano pero kung magpapakabit ng private na fibr paano kaya? kasi may compound po mga pinsan ko eh gusto po maglagay ng fibr buong compound
 
Comment

ickie1593

Honorary Poster
maganda na sana yung bagong unli net plan 1899 ng pldt kaso di naman available dito sa antipolo!! :( (EHEM PLDT, PAKILAGYAN na po) yung congressman lang samin ang meron pero sinagot niya lahat ng pakabit di ko alam kung magkano pero kung magpapakabit ng private na fibr paano kaya? kasi may compound po mga pinsan ko eh gusto po maglagay ng fibr buong compound
Anong package nung plan 1899 ng PLDT
 
Comment

temyong69

Leecher
Mganda mga bruh.. fiber kahit yung 1.3 lang ang month 3mpb upto 5 mb. lalo yan gaganda kung lalagyan mo ng ASHAMPOO INTERNET ACCELERATOR TESTED KO NA YAN. ONCE ACTIVATED ACCEL. UPTO 10MBPS. TRY NYO. :)
 
Comment

Online statistics

Members online
1,788
Guests online
2,540
Total visitors
4,328

Forum statistics

Threads
1,018,945
Messages
17,443,081
Members
1,489,111
Comments
719,098
Attachments
1,207,038
Profile posts
96,548
Top