What's new

Help Business Idea about (80k - 120k)

JohnThreeSixteen

Grasshopper
Joined
Jan 15, 2024
Posts
4
Reaction
2
Points
9
Pa help mga ka boss balak ko kasi mag tayo ng sari-sari store sa bakanteng lupa namin sa gilid ng bahay at sa side naman tindahan ay motor parts. Medyo nag aalanganin kasi ako kung papatok ba ito in the future at kakayanin ba ng long term?
 
Hindi ako expert paps, pero eto lang yung opinion ko, kung yung sari-sari store go mo na agad yan lalo na kapag wala masyadong store sa inyo. Sa motor parts, unti unti paps, para di ka malugi. Pwede din by order din muna.
 
Survey mo na lang muna ang area nyo if ano ang wala or malayo pa bago maacquire ang product or services. Isipin mo sarili mo as a customer, ano ba ang mga needs mo na wala sa area nyo. Kung malapit sa kalsada at madami motor at walang motor parts shop sa inyo ok din yun. Di naman na eexpire mostly ang mga parts. Kung sari sari store naman ok kung wala masyado ganun sa area mo or if meron man, benta mo mga items na hindi lagi available or mas mura ang pagkukuhanan mo. Try mo din bakeshop, barbershop or tshirt printing.
 
kung wala pang tubigan sa inyo try mo din yon maganda negosyo yon ngayon. pwesto at kahit isang sidecar lang pwede na
 
dpende sa area bro pag aralan mo muna kung anong wala o meron sa inyo. dpende rin sa era ng area bro
 
Food cart business baka gusto mo sir. walang talo sa pagkain. message mo ako sir may alam po ako
 
malabo ang motor shop, mas ok siya sa high foot traffic na lugar kung saan maraming sasakyan at motor na nadaan
sa sari sari store kung walang kakumpitensya go
 
Back
Top