What's new

Boto :)

phc-Hudas

Addict
Joined
Sep 3, 2019
Posts
119
Reaction
67
Points
100
Age
39
Isa sa malaking bahagi ng pag unlad ng bansa ay ang pinuno at namumuno kasama nya. Pero ang pinakamalaki ay nasa ating mga sarili. Dahil tayo ang namimili sa kung sino ang magiging pinuno. Lahat tayo ay may karapatan kung sino ang pipiliin.

Piliin natin yung alam natin na may nagawa at may magagawa pa. Huwag po kayong magpapadala sa nakikita nyo lang sa Social Media. Ang eleksyon po ay hindi pustahan, tataya ka sa siguradong panalo pero talo ka kapag sila ang nanalo. Kahit dehado ang kandidato mo, siya pa din ang piliin mo. Lalo na kung alam mong sya ang may nagawa, may magagawa at karapatdapat sa tiwala mo. Matalo man sila, ayos lang, di ka naman natalo dahil alam mong sya yung tama para sayo. Makikita din nila na may nagtitiwala sa kanila.

Ito po ay para sa lahat, sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na pwesto. Sana po ay huwag natin kalimutan ang respeto sa bawat isa. Ang respeto sa kapwa ay respeto sa sarili mo.​
 
Back
Top