Hindi ko pa talaga nagagamit dati yung Microsoft Edge app pero kaka-dl ko lang ngayong pagkasabi mo lods para masagot kita at based sa experience ko mabigat at mabagal sa Edge. Ito magaan at mas mabilis eh.
Sa laptop (Windows) tsaka sa phone (Android) ko. Yung Microsoft Edge dinownload ko sa phone ko para ma-try ko at masasabi kong mabigat. Haha. Baka akin lang yun pero ayun nga. Mabagal at mabigat.
Hindi ako gumagamit ng Google Meet at Google Classroom lods kaya hindi ako sigurado sa dalawa. Mas ginagamit ko rin 'to sa phone. Sa laptop (Windows) ko, ito rin ginagamit ko. Sa Gmail ayos naman 'to. Oks din ang extensions. Wala namang problema sa sites so far kaya sa tingin ko di ka rin magkakaroon ng problema sa iba. Tsaka Chromium-based naman eh.
Canvas kasi ang pinapagamit sa amin kaya yun lang na-explore ko. Hindi kami pinapagamit ng Google Classroom. Sa totoo lang, kaya ko 'to nalaman kasi naghahanap ako ng way para ma-set to dark mode yung Canvas pati na rin yung ibang websites. Wala kasing option to set Canvas to dark mode sa mismong Android app. Sa ibang Chromium-based browsers, hindi gumagana yung Canvas dahil daw sa cøøkíés. Chineck ko naman at sinubukang ayusin pero ayaw talaga. Dito lang gumana nang maayos yung Canvas at na-set din to dark mode successfully.
Sa speed, ad-blocker at other features like extensions (sa laptop) sobrang ayos kasi para sa akin bukod pa sa pwedeng i-set to dark mode lahat ng sites. Dito na ako nag-settle since wala na talaga akong ibang nakitang problema personally.
Hindi ko pa naaasikaso yung extensions sa laptop, lods. Halos phone kasi ginagamit ko lately eh. Update ako kapag nalagyan ko na ng oks na extensions. Yung dark mode pa lang sa Chrome flags yung inayos ko.