hello po , recently po nawalan po ng signal yung abs tv plus namin kaya po naghahanap ako ng pwedeng pamalit sa tv plus namin, naisip ko po yung android box then ang dami naglipana sa online shop kaya di ako makapili , i searched them po then magaganda naman ang reviews , may nakita din akong mura na mxq pro then binasa ko comment ok naman pero sabi fake daw yung mga specs nun, nasa budget ko is 800-1500 pesos. Bibilhan ko sana senior na parents ko para sa tv namin kasi di daw na sila makapanood, gusto ko sana na tv box yung budget and friendly user, ok lang kung magdagdag ng kaunti basta better na di ka talaga mapapamura sa sobrang mura haha. may internet naman sa bahay kasi ako ang nag aasikaso dito pero once na umuwi ako pamanila next year ang iniisip ko baka di na magamit kasi wala na internet sa bahay kasi naka modem gamit ko with unlidata. yun nga lang gusto ng parents ko na may napapanooran sila kasi wala naman kasi silang mga phone and di sila techy , kaya po kung may mga masusuggest kayo na tv box/smart/android na tested nyo pero affordable within my range po I will appreciate po, Thank you po.