What's new

Trivia BALBAS PUSA

J

Jeanh

12717351_953107791447936_6948774233325303827_n.jpg

Ang BALBAS PUSA ay isang halamang ornamental na may katamtamang taas lamang. Pinaka kilala ito dahil sa bulaklak na may mahahabang bahagi na nagmimistulang balbas ng pusa. Karaniwan ito sa mabababang lugar sa Luzon at Palawan, pati na rin sa bansang India, Malaysia at Australia. Ang dahon nito ay karaniwang ginagawang tsaa sa maraming lugar.
ANO ANG MGA SUSTANSYA AT KEMIKAL NA MAAARING MAKUHA SA BALBAS PUSA?
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang balbas pusa ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:
Ang dahon ng balbas pusa ay may mataas na lebel ng potassium salts. ANg pinatuyong dahon naman ay may langis at orthosiphonin na isang alkaloid.
Taglay ng ilan pang bahagi ng halaman ang flavonoids, carbohydrates, tannins, saponins, phenols, at terpenoids.
ANONG BAHAGI NG HALAMAN ANG GINAGAMIT BILANG GAMOT, AT PAANO GINAGAMIT ANG MGA ITO?
Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:
Dahon. Ang dahon ng balbas pusa ang pangunahing bahagi ng halaman na ginagamit bilang halamang gamot. Maaari itong ilaga at inumin na parang tsaa, o kaya’y ipantapal sa bahagi ng katawan. Ito rin ay pinatutuyo at ihinahalo sa tubig upang mainom na parang tsaa.
ANO ANG MGA SAKIT NA MAAARING MAGAMOT NG BALBAS PUSA?
1. Gout. Ang gout at rayuma ay maaaring malunasan ng pag-inom sa tsaa na nagmumula sa dahon ng balbas pusa.
2. Hirap sa pag-ihi. Pinaiinom din ng tsaa ng balbas pusa ang taong dumadanas ng hirap sa pag-ihi.
3. Pananakit ng ngipin. Maaaring ipanguya ang sariwang dahon ng balbas pusa sa taong nakararanas ng pananakit ng ngipin. Makatutulong kung isisiksik sa butas ng ngipin ang nginuyang dahon.
4. Sakit sa bato. Ang mga kondisyon at karamdaman na may kaugnayan sa mgg bato (kidney) ay maaaring matulungan ng pag-inom sa tsaa ng dahon ng balbas pusa.
5. Problema sa pantog. Pinaiinom din ng tsaa ng dahon ng balbas pusa ang taong may karamdaman as pantog.
 

Online statistics

Members online
2,033
Guests online
1,474
Total visitors
3,507

Forum statistics

Threads
1,197,603
Posts
21,199,918
Members
1,595,032
Attachments
1,681,689
Profile posts
99,756
Top