What's new

Balak ko mag aral ulit sa College

Hi, nagwowork po ako sa Registrar Office ng isang school sa MIMAROPA and about sa concern mo hindi po required na mga grade 11 at 12 po ulit. Ang gagawin lang po dahil nasa new curriculum na po tayo sa college ay need lang matake yung 3 speciliazed na subject from senior high school.

Ang Senior High School po kasi ay may kada strand kung san pasok yung course na kukunin mo sa college. For example kapag Accountancy under siya ng Accountancy, Business and Management. Sa iyo naman po ang IT ay under po ng Technical- Vovational Track under Information Communication Tech(ICT) strand po. Lahat po ng mga strand ay may specialized subjects or parang major subjects po.

Di ba po undergrad kayo ng IT may mga subjects po na nabago na sa new curriculum pero macredit pa rin naman po yung ibang subjects na nakuha niyo na. Ang idadagdag sa subjects niyo po ay Statistics, Pre-Calculus at Empowerment Technologies. Yan pong tatlo ang ilan sa specialized subjects ng Senior High na under sa ICT strand. Ang tawag po dito ay bridging program.

Idadagdag lang po itong tatlo sa mga subjects niyo. Sa school po namin 1 subject kasa sem nadagdag namin para makahabol ang student at sabay pa rin sa iba and mostly maclassified ka talaga as irregulat student kasi marami talaga nagbago ngayon sa curricullum.

Ang Registrar or Evaluator po mag evaluate sayo kapag mag eenroll po kayo if anong mga subjects na nakuha mo na before ang pasok sa new curriculum para icredit yun. Dun po kayo lumapit sa kanila kasi sila po ang may alam about dyan.

Marami pong college subjects before na nawala sa new curriculum at mayroon rin po na nacompress lang sa isang subject. Kaya po malaki ang chance na medyo lower year ka po di katulad nung acontinue lang yung natigil niyo.


Kapag same school madali lang po yan maprocess. Kapag naman po sa ibang school kayo magtutuloy ng course need niyo po mag apply ng honorable dismissal sa lumang school niyo po ang usually 1 month process po nun. Ang laman po ng honorable dismissal ay good moral at transcript of grades (TOR) which is yan po need niyo para makapag enroll sa ibang school. Yung transcript niyo ang eevaluate nung bagong school niyo para matukoy kung ano pang mga subjects ang need niyo itake para makahabol sa new curriculum at anong year kayo.

If may questions pa pa kayo mag answer po ako kung kelan ulet free. Thanks
Magandang araw po , Tanong ko lang po since nag work po kayo sa registrar . Gusto ko po ulit mag aral nag stop po ako ng 1st yr college due to financial problem 2019 same school nung pinag G11 and 12 . Etong taon po nato nag babalak po akong mag aral at balik as firat year may balance pa po ako sa dati kong school 21k. Pero nakakuha ako ng req para makapag first yr 138,Good moral,Diploma at psa . Tanong ko lang po mag kakaron ba ako ng problema if ever na makapag aral ako? Madetect po kaya nila yung dating record ko na nakapag 1st college ako? Di ko po kasi kaya bayaran ang ganung kalaking pera sana mag karon ako ng kasagutan 🥺.
 

Similar threads

Back
Top