What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

BAKIT WALA KANG NAGAGAWA?

Status
Not open for further replies.

acevanilla

Grasshopper
Joined
May 6, 2013
Messages
46
Reaction
14
Age
31
Naitanong mo na ba ito sa sarili mo?
Ang tunay na dahilan bakit wala kang nagagawa ay dahil ayaw mo itong gawin sa una pa lang.
Sinasabi mo sa iyong sarili na gusto mo na itong magawa, pero ang totoo ay hindi talaga.
Ngayong araw ang aga kong nagising, (isang himala) at hindi ito karaniwan dahil araw araw ang alarm clock lamang ang gumigising sa akin. Pero ngayon sadya akong bumangon kasi meron akong importanteng gagawin. Sa totoo lang, tuwing umaga nalang akong nakikipagbuno sa higaan at unan, ang sinsabi ng isip ko na dapat na akong bumangon at maghanda sa mga gawain ngayong araw, pero ang hirap gawin. Alam ko hindi lang ako ang nakakaranas ng ganito
madami din sa inyo kapareho ko ang pinagdadaanan (ang saklap di ba). Kaya naman ngayon araw na ito nakapagdesisyon na akong hindi ako magpapadala sa tawag ng higaan dahil masyadong importante ang aking gagawin ngayong araw at hindi ko ito maaring ipagpaliban.
Maraming tao na akong nakilala gusto na daw nilang magbago, pero parang hindi naman totoo.
May mga taong nagaambisyong umunlad sa ibat ibang aspeto ng kanilang buhay, pero wala naman silang ginagawa para maiba naman ang takbo ng kanilang buhay, ang sinasabing pagbabagong buhay ay hanggang labi lang. Samantalang ang ibang tao naman ay sadyang masipag at nagsusumikap na maabot ang kanilang pangarap.
Bakit nga ba nagsusulat ako ngayon tungkol dito?, marahil ay gusto ko lamang na kausapin ang aking sarili at idinadaan ko sa pagsulat para mas makatotohanan o dahil lang ayaw ko magmukhang baliw habang nagsasalita mag isa. Pero mas magaan sa pakiramdam ko na isinusulat ko ito kasi mas nalilinawan ang aking pagiisip at nakikita ko ang isang konkretong ebidensya ng galaw ng aking isipan sa pamamagitan ng pagsusulat.
Kung sino man dyan ang interesadong magdagdag pa ng mga pananaw o opinyon bakit wala kang nagagawa mangyaring isulat lamang at makatulong
 
Status
Not open for further replies.

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,996
Guests online
2,261
Total visitors
4,257

Forum statistics

Threads
1,044,810
Messages
17,788,547
Members
1,504,033
Comments
891,555
Attachments
1,332,624
Profile posts
97,097
Top