What's new

Bakit Pinahihintulutan ng Diyos na Apihin ng Malalakas ang Mahihina?

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,577
Reaction
7,227
Points
2,575
Ang Bibliya ay nag-uulat ng ilang malulungkot na pangyayari kung saan inaapi ng malalakas ang mahihina. Maaalaala natin ang kaso ni Nabot.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Pinahintulutan ni Ahab, ang hari ng Israel noong ikasampung siglo B.C.E., ang kaniyang asawang si Jezebel na ipapatay si Nabot at ang mga anak nitong lalaki upang makuha ng hari ang ubasan nito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bakit kaya pinahihintulutan ng Diyos ang labis na pag-abuso sa kapangyarihan?

Ang “Diyos [ay] hindi makapagsisinungaling.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Tingnan natin ang isang mahalagang dahilan: Hindi makapagsisinungaling ang Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ano naman ang kaugnayan niyan sa pang-aapi? Sa pasimula pa lang, binabalaan na ng Diyos ang mga tao na ang paghihimagsik sa kaniya ay may malagim na resulta—ang kamatayan. Gaya ng sinabi ng Diyos, naging bahagi ng buhay ng tao ang kamatayan mula nang maghimagsik sila sa hardin ng Eden. Sa katunayan, ang unang kamatayan ay nangyari dahil sa pang-aapi—nang patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..

Tungkol sa kasaysayan ng tao mula noon, ganito ang sinasabi ng Salita ng Diyos: “Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagkatotoo ba ito? Binabalaan ni Jehova ang kaniyang bayang Israel na magiging mapang-api ang kanilang mga hari, anupat daraing sila sa Diyos. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kahit ang matalinong hari na si Solomon ay nagpataw ng labis-labis na buwis sa bayan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Mas mapang-api pa ang masasamang haring gaya ni Ahab. Isipin ito: Kung hinadlangan ng Diyos ang lahat ng gayong pang-aapi, hindi kaya lilitaw na nagsisinungaling siya?

“Ang tao ay nanunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Alalahanin din na pinararatangan ni Satanas na naglilingkod lamang sa Diyos ang mga tao dahil sa sakim na mga pakinabang. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung pinoprotektahan ng Diyos ang lahat ng kaniyang mga lingkod mula sa lahat ng pang-aapi, hindi ba parang pinatototohanan niya ang mga paratang ni Satanas? At kung hinahadlangan naman ng Diyos ang lahat ng pang-aapi, hindi kaya lalabas na mas malaking kasinungalingan ito? Kung may gayong proteksiyon, maaaring isipin ng marami na matagumpay na mapamamahalaan ng mga tao ang kanilang sarili nang wala ang Diyos. Pero kabaligtaran iyan ng sinasabi ng Salita ng Diyos—na hindi kayang pamahalaan ng tao ang kaniyang sarili. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kailangang dumating ang Kaharian ng Diyos; sa panahong iyon lamang magwawakas ang kawalang-katarungan.

Nangangahulugan ba iyan na walang ginagawa ang Diyos tungkol sa pang-aapi? Hindi. Pansinin ang dalawang bagay na ginagawa niya: Una, inilalantad niya kung ano talaga ito. Halimbawa, isinisiwalat ng kaniyang Salita ang bawat aspekto ng pakana ni Jezebel laban kay Nabot. Sinasabi pa ng Bibliya na ang gayong mga kasamaan ay kagagawan ng isang makapangyarihang tagapamahala na itinatago ang kaniyang pagkakakilanlan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sinasabi ng Bibliya na siya ay si Satanas na Diyablo. Sa pagsisiwalat ng kasamaan at pang-aapi, pati na ang tunay na may kagagawan nito, tinutulungan tayo ng Diyos na layuan mismo ang masasamang gawa. Kaya pinoprotektahan niya ang ating walang-hanggang kinabukasan.

Ikalawa, ang Diyos ay naglalaan ng matibay na pag-asa na wawakasan niya ang pang-aapi. Ang paglalantad, paghatol, at pagpaparusa kina Ahab at Jezebel—pati na sa maraming gaya nila—ay tumitiyak sa atin na matutupad ang mga pangako ng Diyos na parurusahan niya balang-araw ang lahat ng gumagawa ng masama. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Nagbibigay rin ang Diyos ng maaasahang pag-asa para sa mga umiibig sa kaniya na malapit na niyang ituwid ang epekto ng labis na kasamaan.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Kung gayon, makikita ng tapat na si Nabot ang panahon kapag siya at ang mga anak niyang lalaki ay mamumuhay nang may katarungan sa isang paraisong lupa magpakailanman.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 
Bakit alam na alam mo ang saloobin ng dyos?

Bakit di mo pagmasdan ang kapaligiran at saka mo sabihin na may isa ngang makatarungan diyos na may kakayanan na tapusin ang kasamaan ano mang segundo?
 
Bakit alam na alam mo ang saloobin ng dyos?

Bakit di mo pagmasdan ang kapaligiran at saka mo sabihin na may isa ngang makatarungan diyos na may kakayanan na tapusin ang kasamaan ano mang segundo?
nagbabasa kasi ako ng bible at inuunawa ng malalim ang saloobin ng Diyos sa mga bagay bagay
 
Back
Top