Age: 25
: 4 years single
Reason: ayaw ko na ng hindi ka-level ng energy ko. Like, subsob ka sa trabaho/school works tapos aawayin ka kasi hindi ka nagchachat o tumatawag. Wala ka na ngang time maligo o kaya ay matulog tapos aawayin ka pa sa tawag.
Kaya nakakadala na rin yung mga ganyang babae (hindi ko naman nilalahat) kaso hindi na talaga worth it sumabak ulit sa ganyang mga bagay.
Aware naman tayo na may responsibilities talaga sa relationships at hinding-hindi mo papupunan yun kahit anong gawin mong time management.
Advice sa mga nasa early 20s pa nila (lalo na yung mga working students): stay single hanggang sa makapagtapos at may trabaho na kayo. Don't go to dates when you're broke. Makakadagdag lang yan ng pressure sa mga balikat nyo. 30 is the new 20. Workout, alagaan ang sarili para hindi magmukhang matanda, enjoy your earnings in a good way. Kung nabasa mo to at sinunod yung advice ko you will attract good women without even trying.
To the women out there please stop expecting your man to be like that ideal man from a korean telenovela and for the men, treat your woman right.
Yan lang.