What's new

Bakit importante ang space sa isang relationship?

8inchhotdog

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 3, 2021
Posts
3,214
Solutions
3
Reaction
1,784
Points
1,271
Sabi nila "The absence helps people to appreciate their partner more and makes the relationship stronger."

So ang pagiging clingy, makulit, text ng text, tawag ng tawag ay masama pala sa isang relationship. Bakit nga ba? Paano nakakatulong ang space?
 
Parang pakikipag talik lang yan, may kakilala ako nung bago palang sila mag jowa halos araw araw silang nagtatalik sabik na sabik sila sa isat isa, pero nung naging mag asawa na sila dun na nagsimula magkasawaan ,ngayon medyo alanganin na ang kanilang buhay mag asawa
 
Parang pakikipag talik lang yan, may kakilala ako nung bago palang sila mag jowa halos araw araw silang nagtatalik sabik na sabik sila sa isat isa, pero nung naging mag asawa na sila dun na nagsimula magkasawaan ,ngayon medyo alanganin na ang kanilang buhay mag asawa
Oo nga nakakasawa na kasi yun pag mag asawa na, tsaka mas nakikita nila ang bad sides ng isat isa pag nakatira na sila sa isang bahay, kaya ang nangyayari nagkakasawaan na.
 
Totoo yang naka lagay sa quote mo.. importante din kasi ang space sa relationship magkaiba ang space sa cool off

Space ayan yung oras na ginugugol nyo sa sarili mo at sa sarili nya like pag tatrabaho o pag aaral o pag gawa ng mga hobbies mo sa pamamagitan kasi ng space mas nalalaman nyo kung totoo bang mahal nyo ang isa't isa at nakakatulong din yan para mas maging matibay ang relasyon nyong dalawa mahalaga din ang space para mabawasan o maiwasan ang mabilisan na pagkasawa sa isa't isa kapag same routine ang ginagawa nyo halos araw araw at walang nababago dun pumapasok ang boredom sa relasyon at kapag nasa stage na kyo ng boredom dun nyo lang mas malalaman kung mananatili ka parin ba sa taong yun o hindi..
Tandaan nyo na ang boredom ay malapit sa hiwalayan dahil may mga tao na di nalalabanan yan kapag na bored na sa relasyon hahanap ng bago dhil nga saya at kilig lang ang hanap sa relasyon..

About sa clingy at palaging pag tetext pangungulit at pag a update eh walang masama dyan basta moderate lang maganda rin na consistent ka sa relasyon
 
Madalas kasi iniisip ng ibang tao na their relationship is meant to complete them. The truth is, you relationship is meant to complement you. Kaya kapag masyado kang clingy or umiikot lang buhay mo sa karelasyon mo, nagiging toxic sya.

Kasi iniexpect mong punan ng tao na yun yung mga kulang sa buhay mo, whether that is attention, validation, etc. Ask yourself, bakit ba kailangan mo maging super clingy or text ng text? May trust issues ka ba? If so, ano pinag-ugatan nun?

The hard truth is, until you learn how to nurture and validate yourself, you will always look for love outside of yourself. You will always ask for more, at kahit gaano ka pa kamahal ng tao, may sarili rin silang buhay, trauma, at hanash. They can't be your everything. Kaya importante ang space.
 
Back
Top