Opinion ko lang, no hates.
Trabaho namin ay sa field, contractor kami ng isang telecom, so bale iba't ibang lugar project namin dito sa PH. September ng mag positive ibang tao namin sa site mga 40+ lahat sila, kaya nag stop operation ang isa naming project. At yung mga taong yun ay nakakasalamuha namin at nakakainuman minsan sa warehouse. Almost one month din sila quarantined dahil 2x sila nag positive sa rt-pcr test at malaki ginastos ng company para sa test na yun, 6k kase isang test.
Ang point ko bakit ni isa sa kanila ay wala symptoms or nanghina? Most of them ay wala paring vaccine, at isa rin ako sa wala pang vaccine until now.
Naisip ko lang na baka nakapag adjust na ang katawan ng tao sa virus ng covid. Plan ko parin naman magpa vaccine kase libre naman at dagdag proteksyon narin. Ang dapat siguro pinaghahandaan ay yung bagong variant ng covid "omnicron" ba yun???