What's new

Help Bakit ang mura?

zerocipher

Eternal Poster
Established
Joined
Oct 16, 2021
Posts
464
Reaction
92
Points
368
bakit ang mura ng infinix, techno? compare sa ibang android brands? gusto ko lang malaman sinve kino-consider ko rin sa mga phone na pwedeng issuggest sa friends ko
 
Ang InfInix at Tecno ay mga smartphone brands na popular sa mga bansa sa Africa at Asia dahil sa kanilang affordable prices at magagandang features. Ang mga phones na ito ay mayroong reasonable specs at features kumpara sa ibang mga brands ng Android smartphones ngunit mas mura ang presyo nila.

Marami ang nagtatanong kung bakit mura ang mga ito. Sa aking palagay, isa sa mga dahilan kung bakit mura ang mga ito ay dahil sa kanilang production cost. Hindi katulad ng mga high-end smartphones na gumagamit ng mga mamahaling materials at high-quality components, ang mga Infinix at Tecno ay gumagamit ng mga mas murang materials at components upang makatipid sa kanilang production cost. Ito ay hindi nagpapababa ng kalidad ngunit nagpapababa ng presyo. Bukod dito, ang mga brand na ito ay hindi nagpapakalat ng maraming advertisement kumpara sa mga mainstream brands kaya mas mababa rin ang presyo ng kanilang mga produkto.

Sa kabila ng mga ito, hindi dapat ikalimutan na ang Infinix at Tecno ay nagbibigay rin ng magandang karanasan sa mga gumagamit ng smartphone na mayroong mga magagandang features at specifications. Mayroon din silang magandang suporta sa customer at mayroong mga updates na inilalabas ng regular. Kaya't kung naghahanap ka ng isang abot-kayang smartphone na may magandang specs at features, ang Infinix at Tecno ay isang magandang pagpipilian.
 
Sabi nila kasama kasi yung informations ng users kaya mura

"Privacy might be the price you have to pay"

May access daw sila sa sensitive data and services without user's consent or awareness.
 
Last edited:
parang xiaomi lang din may hidden data collection affordable din naman..
bibili sana ako sinauli ko nalang buti pa Asus ko walang ads lahat ng apps
 
you get what you pay for sabi nga nila. bang for the buck talaga na phone brand ay xiaomi pati sub-brands nya like redmi at poco, though madami nagsasabi na pangit dahil sa issues pero kung sanay ka na sa xiaomi, di mo na masyado papansinin mga ganyan
 
Madami pa kasing stack ng mga MediaTek chipset nila, kaya nais nilang binabaan ng presyo, at iba pang piyesa na hindi magkaubosan kaya marami silang naglabasan ng kahit anong model ng phones nila.
 

Similar threads

Back
Top