What's new

Closed Baka pede nyong Payuhan.

Status
Not open for further replies.

_no08One_

Eternal Poster
Joined
Aug 8, 2018
Posts
2,009
Reaction
712
Points
482
Age
24
Hi sa lahat ng mga adik sa PHC! :ROFLMAO:

Manghihingi lang po sana ako ng mga magandang nyong maipapayo para sa sitwasyon ko ngayon.

Ang Ex ko kasi na may asawa at mga anak na ngkabalikan kami sa di ko na maalalang kadahilanan at pangyayari. Nanunumbalik ang mainit na pagmamahalan namin noon pero sa isang banda ayuko talagang masira ang pamilya nya. At naawa pati ako sa maaring danasin ng kanyang mga anak. Alam ko sa sarili ko na mahal ko sya at mahal nya rin pero gusto kung pigilan o itigil na. Ano ang maipapayo nyo po gagawin ko?

Letter sender,
Boknoy:ROFLMAO:
 
itigil muna habang maaga pa, maghanap ka nalang ng babae na iba na single, at matutunan mo ring mahalin. di rin kayo mamumuhay ng tahimik kung maling relasyon ang iyong papasukin, maghanap ng single tiyak matahimik ang buhay mo at walang alinlangan....
 
Alam mo ts kahit hindi mo naman na itanong yan malaki kana alam mo na yung tama at mali😊 Hindi makakatulong yung pag papayo namin sayo kase kahit ano sabihin namen nasayo parin naman yung desisyon. Pero kung ako sayo ts makipag hiwalay kana lalo na't may pamilya na yung gf mo. Mahal niyo nga yung isa't isa pero hindi kayo magiging masaya kung alam niyong may nasira kayong pamilya. Yun lang ts Haha
 
Mabuting ikaw na magkusang lumayo. Kahit siguro wag ka na magpaalam para di ka na magdalawang isip pa. Sigurado naman kasing lalo lang hihirap pag maguusap pa pero depende pa din sayo.
Mahirap yan lalo't may nadadamay na iba kaya di ka rin magiging masaya. Kawawa naman anak at asawa nya. Isipin mo nalang kung sakaling mangyari yan sa magiging anak mo. Kaya mas mabuting ihinto na.
 
Nakakaiyak naman po yung mga kumento nyo.
Di ko po kasi talaga alam ang gagawin.
Minsan nung nagkausap kami patungkol dyan e sabi nya magpapakamatay nalang daw sya.
Alam ko naman po ang nararapat kung gawin. Pero miski ako sa sarili di ko alam kung pano ko putolin ang pagmamahal ko sa kanya.
 
iwasan mo na sya ts hanggat maaga pa. hanggang wala ka pang pamilya na nasira. Lalong-lalo na at may anak na sila. Kung magpapakamatay sya, sabihin mo na papano mga anak nya kung yun ang gagawin nya. Hindi sila magkakaanak kung hindi nya mahal asawa nya. Dumating ka lang kaya nagulo ang isip nya. Hindi rin kayo magiging masaya kung may mga tao kayong masasaktan. Ikaw na mismo ts ang gumawa ng paraan para magkalayo kayo. Isipin mo rin ts ang mga anak nya kung broken family sila. Masakit pero kinakailangan para sa ikakabuti nya at ng mga anak nya. Isipin mo rin kung kaya mo silang buhayin ng mga anak nya kung maghiwalay man sila. At kung kaya mong tanggapin lahat ng panghuhusga na maririnig mo. Kaya mo ba silang ipaglaban sa lahat ng nakapalibot sa kanya at sa iyo. Maraming mga consequence ts kapag itunuloy nyo pa yan, kaya pagisipan mong mabuti.
 
layuan mo na paps.kahit gaano pa kasakit ang mararamdaman mo kailangan mo talagang lumayo. Hindi lang para sayo pati na rin sa pamilya nya. Isipin na lang natin ang karma paps ayaw mo namang siguro na danasin ang nararanasan ng asawa nya ngayon.
 
Maraming magsasabi na mali yan pero kung tama naman yung nararamdaman yun sa isat isa bakit hindi ang probema kasi may anak sila alamin mo muna kung ok ba sila ngasawa niya kasi kung hindi at lagi nmn,sila magaaway kahit pa magkasama yung buong family nila pero kung di naman sila masaya at kung magsusuffer yung mga anak nila sa away nila ok yan pero kung ok naman sila at umepal ka lang ahy itigil mo na para sa mga anak nila
Yun lang 😊
 
Nasasayo yan. Kahit anong payo namin, ikaw pa din naman masusunod. Kung kaya mong tigilan, eh. Gawin mo. Kung kaya ng konsensya mo. Isipin mo na lang kung ikaw yung nasa sitwasyon nung asawa nya.
 
Di ako magmamalinis, naranasan ko na yan, pero sa totoo lang walang magandang maidudulot yan, parehas lang kayo mahihirapan at masasaktan
 
Wag pahuhuli if gusto mo talaga sya haha yakap sa dilim nlng haha anyway mag move on na kayo wala yan papuntahan pero minsan tikim din pag namis nyo isat isa haha
 
Let go na. maraming masisira wag mo ng hintaying dumating yung point na kahit alam mong makakasira kana gusto mo pading lumaban mahirap yan.
 
Kawawa syempre yung asawa at anak ng girl.
At mas nakaka awa yung girl kasi nagsisisi yan ngayon sa buhay nya, di naman yan papatol ulit sayo kung okay pamilya nya. At ikaw naman damuho ka sobrang kati mo pare, alam mong may pamilya na tapos papatusin mo pa. Tinake advantage mo yung babae. Sasabihin mo pang sa di mo malaman na dahilan nagkabalikan kayo, nalibugan ka lang pare yan sabihin mo, pakalalake ka, may pinag aralan ka naman at alam mo tama at mali di ba? Kung sa kapatid mong babae gawin yan o dikaya sa nanay mo?

Kung totoong mahal mo sya dapat kinalimutan mo na sya at never nakipag contact.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top