BAD NEWS.
Alas Dos ng madaling araw. Nag-ring ang telepono, ring..ring..ring.
ATTY: [pupungas-pungas] Hello?
MANONG: Helo, Atorne, si manong Badong are, kumusta ga?
ATTY: Sino?
MANONG: Si manong Badong, ang katiwala mo dine sa bukid mo sa Batangas.
ATTY: O manong, napatawag kayo, madaling araw na.
MANONG: Ala, baket gay-on, eh alas nueve pa laang dine.
ATTY: Iba ho ang oras dito, advanced kami. Anyway, bakit ho kayo tumawag?
MANONG: Ay kase Atorne, may masamang balita ako.
ATTY: Ano hong masamang balita?
MANONG: Ay iyong manok mo na si Charlie ay namatay.
ATTY: Ha? Si Charlie? Naku manong panderby natin ‘yon. Bakit namatay?
MANONG: Kasi eh, nakakain ng suka ng kabayo. Sinamaan agad. Aba’y nakita ko na laang e kumikisay na eh.
ATTY: O eh bakit ho hinayaan ninyong kumain ng suka ng kabayo? At saka bakit ho may suka ng kabayo? Aling kabayo ang nagsuka?
MANONG: Ay iyong si Sir Galahad, Atorne.
ATTY: Sir Galahad? Naku! Bakit ho naman nagsuka? Tumawag na ba kayo ng beterinaryo?
MANONG: Hinde, kasi nahulasan na. Mangyari eh, ginamit naming panghila ng kariton. Ay siya, napakahina pala noon kapag may karga, dalawang biyahe pa laang eh gulapa na agad.
ATTY: O eh bakit naman ninyo ginamit na panghila ng kariton? Bisiro pa lang ho ‘yon. Tinawaran nga sa akin ni Gobernor ng 100 thousand, hindi ko binigay dahil anak yan ng 2 time champion tapos gagamitin niyo na panghakot. Ano ho ba hinakot niyo?
MANONG: Drum ng tubeg.
ATTY: O e bakit ho naghahakot kayo ng tubig, may gripo naman?
MANONG: Ay hinde kaya ng hose sa gripo eh. Kung ‘di namin naagapan ng buhos ay baka natupok ang bahay mo.
ATTY: Ho? Nasunog ang bahay ko?
MANONG: Naagapan nga, bandang salas laang ang dameyds.
ATTY: Ay bakit ho nagkasunog?
MANONG: Kase di gat sabi niyo ay parating magbukas ng bintana para pumasok ang hangin at sa gan-on ay palaging presko sa loob ng bahay?
ATTY: Oho, ay bakit ho pagmumulan ng sunog iyon?
MANONG: Eh kase ‘yong hangin, nahipan ‘yong kurtina, kaya ‘yong kurtina nang sumagi sa kandila, naglagablab.
ATTY: Ho?! Eh bakit ho gumagamit pa kayo ng kandila? May brown out ba? Kung mayroon, may flashlights naman diyan! Bakit nagkandila pa kayo?
MANONG: Aba, Atorne, huwag ka namang sumigaw. Kung hindi kami gagamit ng kandila, napakalaking kabastusan naman sa nakaburol. Ako naman ang hinde papayag sa diskarteng iyan!
ATTY: Burol? Bakit ho may burol? May patay?
MANONG: Eh kasi Atorne, sagsag ang mga akyat-bahay dine ngay-on. Kaya ako eh laging bitbit ang shotgun. Noong isang gabi, nagkahulan ang mga aso.
ATTY: O ano hong nangyari?
MANONG: Balisa ang mga aso, kase nga may tao. Ito namang tatay niyo biglang susulpot. Dis oras ng gabi, walang pasabi. Sinita ko, hindi sumagot eh, e di pinutukan ko. Malamang Sabado ang libing. Hihintayin laang kayo.
Credit to Don Belardo

Last edited: