What's new

Tutorial Axie Infinity Game Summary

jepoyie

Established
Joined
Mar 4, 2020
Posts
415
Reaction
124
Hi, Share ko lang po para sa mga hindi nakakaalam ng Axie Infinity


Axie Infinity is a "Play to Earn" Turn Based game na sa kada game is meron kang tinatanggap na token which is convertable to CryptoCurrency then to Cash.
Pokemon style siya na may certain types like electric, water, etc. sa axie naman, may beast, aqua, plant etc.
every player, laging may 3 axie sa isang team. standard yun na dapat may isang team ang isang axie player
1f579.pngEnergy
a. Energy is used kapag naglalaro ka sa adventure mode (player vs. ai) to gain exp para sa levels ng iyong axie
b. Energy is used kapag naglalaro ka sa arena mode (player vs. player) to gain extra slp's when you win.
at first, you will receive a maximum of 20 energy points and nag re-replenish siya ng every 8am morning.
1f579.pngSLP or Smooth Love Potion
ito yung token na nakukuha mo everytime na naglalaro at nananalo ka sa isang game ng Axie Infinity. As of August 11 2021, 10.87 php ang worth ng isang SLP.
*Everyday, you can earn a minimum of 75 slp. kaya dapat laruin mo siya everyday para sulit.
1f579.pngTime Consumption?
Estimated time to complete yung quota for beginners is 4 to 6 hrs.
pag tumagal, mas mabilis na maka quota. If consistent kang naglalaro, in 14 days, kaya mo maka-quota ng 1hr or less
1f579.pngPaano ka magkakaroon ng axie?
1) If you have a budget, Be a manager or buy your own axie/pets
a. Kapag manager ka, bibili ka ng team of axies (around 70 to 80k php per team, based din sa ibang sources, 90 to 100k daw po ang isang quality team) para ipalaro sa mga players or yung tinawag nating "scholars". Meaning, yung scholars yung maglalaro para sayo and magkakaroon kayo ng hatian kung magkano ba sa scholar and magkano ba sayo every payout ni scholar.
b. if ayaw mo naman mag pa scholar, or gusto mo sarili mo lang. Pwede ka naman bumili ng isang team para sayo and lalaruin mo lang siya and ikaw mismo ang magpapalakas sa axies mo.
2. If wala kang budget, meron tayong tinatawag na Scholar.
Sila yung ang aapply sa mga managers at kapag natanggap sila, pwede sila maglaro for free basta susundin nila ang quota and rules ng manager nila. Dito din papasok yung hatian niyo ni manager. since wala ka namang nilabas na pera, magkakasundo din kayo ni manager sa certain ratio kung magkano sayo at sa kanya. pwedeng 60-40, 70-30 or 50-50.

Update as of August 9 2021

Sa Adventure dating 100 slp ang pwede mong ifarm ngayon is 50 na lang and no ENERGY no EXP

Ang Daily Quest kapag na kumpleto mo is dating 50slp reward ngayon ay 25slp na lang

MMR SLP BRACKET

1200 - 1299 MMR - 6SLP
1300 - 1399 MMR - 9SLP
1400 - 1499 MMR - 12SLP
1500 - and up MMR - 15SLP

1f579.pngBasic Rules?

26a0.pngIsang account lang per person.
26a0.pngBawal maglaro sa multiple devices ang isang account
26a0.pngPwede ka mag laro sa pc or phone pero bawal mo silang pagsabayin na lalaruin
*If nagawa mo yan, ma ba-ban ang axies mo at masasayang ang pinaghirapan mo 1f605.png
 

Attachments

Last edited:
Top