What's new

Help Ask lang po about call center

zombieland24

Enthusiast
Tanong lang po: nakapasa ako sa call center at may job offer na saakin kaso gusto ko decline kasi pakiramdam ko hindi ako kaganoon kagaling mag english lalo na-international at bulol pa ako sa nga salita, hanap ko sana non-voice?

Tuloy ko parin po ba or huwag na?
 
Salamat sa iyong tanong! Sa sitwasyon mo, may ilang bagay na dapat mong isaalang-alang bago magdesisyon.

Una, kung hindi ka kagalingan sa pagsasalita ng Ingles at pakiramdam mo na mas kumportable ka sa non-voice na trabaho, maaaring mas mahusay na hanapin ang isang non-voice call center position. Ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na gamitin ang iba pang mga kasanayan tulad ng pagsusulat, customer support sa pamamagitan ng chat o email, o iba pang mga hindi direktang pakikipag-usap sa telepono.

Pangalawa, dapat mong isaalang-alang ang mga layunin at pangarap mo. Kung ang pangarap mo ay maging magaling sa pagsasalita ng Ingles at magtrabaho sa international na setting, maaaring maging oportunidad ang call center job na ito. Maaring magsilbi itong stepping stone para sa iyo upang masanay at mapabuti ang iyong kasanayan sa pagsasalita ng Ingles.

Sa huli, mahalaga ring isaalang-alang ang mga pangangailangan at sitwasyon mo. Kung ang non-voice call center job ay mas angkop sa iyong mga pangangailangan sa oras o personal na buhay, maaaring ito ang pinakamabuting desisyon para sa iyo.

Mahalaga rin na maging bukas ka sa mga oportunidad at pagkakataon na darating sa iyong landas habang nagpapasya. Maaaring magbago ang iyong mga pangarap at interes sa paglipas ng panahon, kaya't mahalaga na maging handa kang mag-adjust at sumubok ng bagong mga bagay.

Sa kabuuan, ang desisyon ay nasa iyo pa rin. Mahalaga na pag-aralan mo ang iyong mga layunin, kasanayan, at personal na pangangailangan bago magdesisyon. Makipag-usap sa mga taong may karanasan sa mga trabahong ito, at magpasya base sa mga impormasyon na iyong natamo.
 
Salamat po! Bulol talaga ako sa mga words gaya ng "R", almost nakakausap ko hindi nila na iintindihan ang sinasabi ko kahit para saakin ang linaw naman ng pagkaka bigkas ko,
 
Tuloy mo lng ts, eventually matututo ka din especially sa training tsaka wag ka ma overcome sa english kahit hindi nman ganun ka fluent okay lng. Tsaka hindi naman lahat nag wowork sa BPO magaling sa english as long as nakakapag salita ka ng english na basic at nakaka intindi go lng. Gawin mong stepping stone at experience yung sa voice bago ka mag non voice if hindi mo tlaga kaya mag english.
 
at sino naman nagsabi sa iyo na porket nagta-trabaho sa call center ay magaling na sila mag english?
Nakapasa ako gamit script na ginawa ko hindi dahil sa marunong ako mag english, ginamit ko ang script na iyon para gawing basehan ko ng mga tanong nila.... Kaso naisip ko hindi ako qualified after ko manood sa YøùTùbé na hindi ako ganoon ka fluent mg english
 
Nakapasa ako gamit script na ginawa ko hindi dahil sa marunong ako mag english, ginamit ko ang script na iyon para gawing basehan ko ng mga tanong nila.... Kaso naisip ko hindi ako qualified after ko manood sa YøùTùbé na hindi ako ganoon ka fluent mg english
actually boss hindi fluent ang kailangan sa call center, ang kailangan is yung understable english, fluency can be learnt during your stay, most applicants with fluent english are not teachable, kung ako ang HR di ko sila pagtatanggapin since they would just go around bragging their english speaking skills
 
Hi, Nakakaranas po ako nh depresyon at Low self-esteem. Nagsimula ito, dahil sa na bu-bully ako at sobrang payat ko. Kaya ayon, Wala na ako self confidence sa sarili ko at pakiramdam ko na baka hindi ako karapatdapat o baka ma reject ako, yung tipong na hihiya ka.


Gusto ko tulungan sarili ko na maka recover, ano ba mga tip kung saan ako mag uumpisa.

Payat, 23 years of age, walang trabaho, mabilis mataranta!!!!


Nami-miss ko dati ng nasa school ako na Puro assignment , quiz at exam kasi lagi ako kopyahan ng mga kaklase ko at másáráp lang sa pakiramdam na kahit hindi ka matalino, at hindi pala rebyew nakakapasa ka sa exam at pinapakopya mo mga katropa mo, pero may time parin nabu-bully ako ng ibang tao. Kaya Natatakot ako palagi ... Lalo na mag apply sa mga company, lagi ako anxious...
 
baka ma reject ako
so what? kailangan mo ba sila? dependent ka sa kanila?
Natatakot ako palagi ... Lalo na mag apply sa mga company, lagi ako anxious...
wag kasi mag apply if unemployed, dun ka mag apply sa time na may work ka para di ka dependent sa job application mo

the keyword is "dependence" mababaliw talaga utak mo if di mo na-remove lahat ng dependencies
 

Similar threads

Back
Top