What's new

Ask lang, Paano nyo po nakilala PHCorner?

Sa mga free net non dati yung may free fb pa, yung kailangan gamitan ng opera mini ba yon hahahaa
 
Sa symbia ako dati at sa PD (pinoy/den) nandun kasi yun mga unang mga tutorial sa operamini handler ng nokia at tutorial sa pag unlock ng smartbro ko yun hugis oblong noon. hahaha.. tapos 2013 naging member na ko dito kasi naglipatan na ibang master sa freenet at dito din kasi yun nagenjoy ako sa cproxy na freenet tapos yun butas trick ni trams noon cdc lang tapos pinger oks na.. at Mac address hunting sa wimaxtools.

nakakmiss pala yan hahaha.
 
Last edited:
Galing ako ng phc.onl/#forbidden#. Before I came here and found PHCorner, duon ako nanggaling.

Mahilig ako sa PC Games and Android Troubleshooting/Jailbreak. Mostly, naging dictionary and almanac na ang phc.onl/#forbidden# before it changes into Mobilarian site. Active din ako sa site na iyan, checking pa rin kung ano ang mapapakinabangan pagdating sa gaming and my fave, phone repairs.

Sayang nga lang, nagsara ang site. Then I browsed on the internet and search any possible information na kapalit ng Mobilarian. Matagal din ako naghanap, inabot ng two years bago ko napansin ang PHCorner site.

I decided to register here, and made it my second home dahil wala na ang Mobilarian site. I really miss that site kasi marami din akong panahon na ginugol duon, magbasa ng mga post about everything I wanted to know and learn about. I do know that few remnants of phc.onl/#forbidden# and Mobilarian are here as well, they made this site as their refuge too, just like the way I did.

Sarap kasi na sa site na gaya nito, knowledge is rich and it is free. People are hospitable and very warm to welcome you even if you belong to another forum sites.

PHCorner, my respect is with you. Thanks, for welcoming me here.

A big toast🍻for all!

⚜️👁️⚜️
 
Same sa iba. Galing din ako Symb/Mob, nung nawala to nagcheckcheck na lang ako sa YT sa mga latest tricks and shares. Pero iba parin ang feeling ng "forum".

yung tipong parang nag bbrainstorm, ang healthy ng kwentuhan. meron sasagot sa tanung. interactive kung baga.

Matagal din bago ko naisipan mag sign up. Meron din ako nakikitang gamit nila username nila din from there. Nakakatuwa na tumutulong parin sila.

Thank you PHC for keeping this lifestyle active. Sana safe ang lahat!
 
Hi 😁

Uhhhhhh.. Nagsesearch yata ako sa Google about rooting Samsung phones. Tapos one of the results e isang post dito sa PhCorner. Kaso di ko na maalala anong post. 😂

Then yung ibang topics and threads medyo nakuha attention ko, so ayun tamang browse. Then napa-register. And now, 1 month later, Established member na. Woohoo! 🤗
 
Yung panahon pa ng MGC sa opera mini sa Nokia, pati sa opera mini sa android ko dati na naka Gingerbreas ...bilis pa dati ng globe ewan ko kung ano nangyari ngayon buti naka fibr na kami
 
nung nawala si phc.onl/#forbidden#, ayun nahanap ko si phcorner, same as symbia pero mas madami tut at mababait dito
 
Sa phcorner at phc.onl/#forbidden# kakahanap ng mac based noong uso pa yung wimax dito ako napadapad 🤭 around 2012 or 2013 ata yun pero facebook pa gamit ko dati niyan, buong name kopa talaga nakalagay sa username ko hahahaha, diko tumagal dito gawa ng nahihilo ako sa templates nitong forum dati parang magulo hahaha, habol ko lang talaga dati dito yung pa give away ng mac address kinukuha ko yun as a mac based para may pang hunt din tapos layas na hahaha, taong PD talaga ako 🤣 bihira lang rin ako sumilip ng symbianaze dati pag may hinahanap lang na file ganun, o kaya b0ld 😂
 

Similar threads

Back
Top