Cerebellum
Eternal Poster
- Joined
- Oct 31, 2021
- Posts
- 1,183
- Reaction
- 532
- Points
- 423
Kung ang pagtutuunan mo ng pansin ay kung ano LANG ang SA TINGIN MO ay PAGKUKULANG NG DIYOS, maaapektuhan nito ang pananaw mo sa Diyos, sa kaniyang mga pagkilos, at sa mga mabubuti niyang katangian na isinisiwalat sa Bibliya.
Kahit anong katangian pa mayroon ang Diyos, kung sa PANINGIN MO at sa PAG-IISIP MO eh salungat ang mga ginagawa niya sa mga katangian Niya at sa kaniyang pagka-DIYOS o sa kaniyang pagiging banal, tiyak na hinding-hindi mo talaga mauunawaan kung anong uri ng Diyos ang Diyos ng Bibliya.
Ikatitisod mo lamang na malaman na nagsasalita, nag-iisip, nag-uutos, at kumikilos ang Diyos sa paraang hindi gaya ng iniisip mo na dapat gawin ng isang Diyos.