What's new

Closed Anyare sa 711?

Status
Not open for further replies.

Bags Rakenrol

Forum Veteran
Elite
Joined
Apr 12, 2018
Posts
3,551
Reaction
1,069
Points
873
Grabe!!! kanina sa 7-11 bumibili ako ng ice cream nadaanan ko yung isang babae na parang hindi mapakali. Napansin ko nung bigla niyang nilagay sa bag niya yung isang bote ng shampoo. Siyempre ako, nagkukunwaring hindi siya nakita. Patay-malisya lang. Napansin ko din na tinitignan din pala siya ng guard at kausap yung kahero. Paglingon ko, nakita ko na naman yung babae na may nilagay na dalawang bote ng Vitamilk sa bag tapos papunta na sa exit. Hinarang sya ng guard at kinausap Guard: Miss, paki-balik na lang yung mga kinuha mo para walang problema Babae: Ano pinagsasasabi mo? Guard: Wag ka na magmaang-maangan. Ibalik mo na lang kasi. Babae: Grabe ka na ha! Nagtaas na ng boses yung babae. Kaming ibang customer sa loob nakaabang anung mangyayari. Babae: Sige, kulitin mo pa ko at magsisisigaw ako dito! Guard: Sumigaw ka kung gusto mo. Ikaw naman mapapahiya. Babae: Wag mo kong pipilitin! Sisigaw talaga ko! Guard: Bahala ka. At sumigaw nga ang babae. Babae: DARNAAAA!!! At lumipad siya palabas ng 7-11. Gulantang kami. Nabitawan ko yung binili kong ice cream Sumigaw din yung guard. Guard: CAPTAIN BARBEEEEL!!! Lumipad din siya at hinabol yung babae. Hanggang ngayon, wala pang balita kung ano nangyari sa kanila.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top