What's new

Any tips pano ako makaka move on sa crush kong pagmamay-ari na ng iba?

Wala kang makukuha na tips dahil mali yung thread mo palipat nalang dun sa kay love
Wla na yung love na thread, Inisa nlang nila, kaya nga dating, love and relationship thread na to eh.

Pero advice sayo ts baka nmn kasi wla kang ginawang moves para mapansin ka nya
 
Mag paka busy ka lang, wag ka mag online sa social media kung dun mo sya makikita. Kung di mo kayang di gumamit ng social media, block mo sya for your peace of mind.
 
Para maka moved on ka Acceptance and respect sa kanila alam ko kahit crush yan may feelings ka rin na inenvest dyan para sa sarili mo kaya may kirot talaga pero mas madali ka makaka moved on kung tatanggapin mo na may minamahal na syang iba mabilis ka lang makaka moved on dyan promise di yan kasing lalim ng feelings na naging kayo
 
Simple. May crush ka ng iba. That is if gusto mo tlga mag move on.

Otherwise, just face the truth na ang ligawan stage ay isang competition. Pwede mong agawin, but it also means na pwede din siya maagaw sayo.
 
Sa akin paps di na ako nag ffb or online sa messenger. Gumawa nlng ako ng dummy acc sa fb para may contacts ako sa iba. At isa pa humanap ka ng pag lilibangan mo like anung hobby mo anung mga bagay nag papasaya Sayo. Sa akin. Gaming and music yan lang. Makakalimutan mo rin Siya. Wag mo lng Siya iisipin.
 
try mo sabihin ang feelings mo sa kanya para ma let go mo na din ang nararamdaman mo, dont make regret na hindi mo nasabi ang bagay na eto, kasi ngyari na sakin eto and i regret na hindi ko eto nasabi hanggang ikinasal na sya and wala na ako habol dun.
 
actually may crush din ako archi na taga school din namin lagi ko siya nakikita and after 3 days ni add ko siya sa facebook and insta thou doon ko nalaman na may crush na pala siyang iba so hinde pa rin ako tumigil nagpapansin lang ako not papansin na OA yung parang paramdam presence lang heart heart sa my day at post and share tapos secretly boosting this person confidence doon sa mga pa secret message ba. so straight to the point na tayo wala kana magagawa haha gawin mo na lang character development yan gawin mo siyang dahilan para magkaroon ka ng pagbabago sa sarili kase ayan nangyari sa akin nag start ako mag porma at workout bago mag confess sa kanya but ended up saying na yung crush talag aniya trip niya haha
 
Tips? Crush mo lang? Meron ako ibibigay na advice sa iyo pero depende sa sitwasyon mo. If hindi mo siya kilala at crush mo lang siya as in na far , far away lang siya sa iyo ni hindi mo siya naging close friend or whatever.... well , so kung crush mo lang naman iyan at napunta siya sa ibang tao ay isipin mo na lang na "hindi mo siya kilala" so isipin mo na lang na "hindi kayo para sa isa't-isa" dahil hindi mo nga siya kilala e.

Crush mo lang naman iyan diba? Ang ibig sabihin ng crush is attracted ka lang based on physical appearance. Iyon lang. Maganda siya o gwapo siya. Iyon lang or sabihin natin na magaling siya sa basketball , magaling siya sa volleyball or meron siyang skills na sobrang napahanga ka or kung ano-ano pa. Ang crush kase is temporary and based on good qualities or based on good physical appearance lang ang nakikita mo. Minsan love na siya kapag overwhelm ang feelings o sobrang intensity ng feelings and yet, kapag nakilala mo ang crush mo and then, meron kang nakitang pangit , well , madali ka ma-turn off.

Crush mo lang talaga siya. Meron ka kaseng ideal o fantasy kung ano ang "crush" mo but actually, hindi mo siya talaga kilala kung kaya, kapag nakilala mo siya and then, hindi pala ganoon ang inaasahan mo, madali ka talaga ma-turn off.

Ang tips na para sa akin ay pwede ka naman makipag-friends dahil crush mo lang naman siya diba? Bakit in-love ka na ba? And kung na in-love ka ay bakit ka naman in love sa crush mo , e hindi mo pa nga siya kilala o dahil siguro sa intensity ng feelings mo kaya naiisip na in love ka sa crush mo? Dahil kapag nakilala mo ang crush mo kahit meron iyan pagmamay-ari ng iba as in, well , andoon mo na masusukat ang iyong "self" kung pwede ka na ma-turn off or hindi. Dahil malay mo diba? Yung crush mo ay naglitaw ng pangit na ugali , turn off ka na. O-ha? E di ang bilis! Mabilis ka pa ma-turn off. Haha 😅 Pero kung mas na in-love ka pagkatapos meron pagmamay ari ng iba , e di umiwas ka bago ka pa ma in love or isipin mo na lang na "hindi mo talaga siya kilala" dahil crush mo lang siya and so, dahil crush mo lang siya , just think na hindi kayo para sa isa't-isa o isipin mo na lang meron pang mas maganda o mas pogi sa crush mo , ganun.

Next time. Huwag lang isa ang crush mo. Haha. Crush lang naman iyan e. Medio gawin mo dalawang crushes para iwas frustration and pagkabigo. Ako nga dalawang "crushes" ko e. Isang crush ko ay habulin ng girls. Yung pangalawang crush ko ay hindi habulin ng girls pero mas lamang ang isa kong crush kaysa sa isa. Isipin mo na lang din o gawin mo na lang inspiration. Huwag mo isipin kase na kayo na forever or keyso magiging wife mo na o husband mo na o boyfriend o girlfiend mo na. Huwag ganun. Basta isipin mo na lang na crush mo lang siya at hindi mo siya kilala.
 
Punta ka sa place na malayo siya at tahimik like sa mga probinsya dun ka muna. At libangin mo sarili mo sumama ka sa mga kaibigan kung may mga gala wag mo hahayaan ba magisa ka dahil talagang mahihirapan ka makamove on kung lagi kalang nasa loob ng bahay or wala ka namang ginagawang paraan para makalimutan mo yung tao. Sa una talaga mahihirapan kasi hindi madaling kalimutan yung tao na araw araw mo nakakausap at nakakasama.
 
Back
Top