Wala akong gaanong alam sa details ng Law. Di ko din nabasa yung buong context nito. Pero sa simpleng mamamayan tulad ko at sa mga walang access sa internet or thorough research about dito eto lang ang masasabi ko.
1. Ang Principal Author ng Law ay si Panfilo Lacson. Yes, miyembro siya ng Majority sa Senate, pero siya yung tipong di mo masasabing mka Duterte or Dilaw. Binabatikos nia ang Admin, at the same time ng ccomment din tungkol sa tingin nia eh maling gawain ng LP. Dito pa lng siguro masasabi na nating walang bahid ng impluwensya ng mgkabilang partido ang desisyon nia sa pag propose nito sa Congress at at Senate.
2. Inaprubahan ng Congress at Senate ang Law with the majority of the members agreeing to its context. Actually kahit ang mga LP sa senate umayon dito, c Rissa at Kiko ang hindi.
3. Tungkol naman sa mga ngsasabing bka maabuso ang Law by what they call RED TAGGING(meaning pwede dw kunong basta2 na lng akusahang ang kahit na sinong maging terorista) Dito papasok ang tinatawag nilang Safe Guards/ Safe Guarding. Meaning gagawa sila ng clause or additional terms sa Law pra masiguradong hindi ito maabuso.
To sum up, lahat ng Laws ay may risk na maabuso. Kahit ang pinaka simpleng batas like jaywalking ay hindi exempted. Maari bang ma abuso ang Anti-Terror-Bill?? Yes, pero hindi ibig sabihin ba nito ay hindi na ntin kailangan?No..this is the perfect time to have it. Sa mga nagsasabing hindi ito ang panahon dahil nga sa current situation sa Covid. Isipin natin na walang pinipiling panahon pra umatake ang mga terorista, sa katunayan ngayon ang isa sa mga perpektong pagkakataon para sila ay mg sagawa ng plano upang (wag nman sana) ay maulit uli ang nangyari sa Marawi.
Again, hindi ko alam at nabasa ang buong context ng Law, opinyon ko lng ito bilang isang simpleng citizen..lol..sa mga members nting me alam sa law feel free to correct me kung me mali akong nabanggit..