Kahit anong trabaho na high school graduate ang requirement.
Sundalo rin yata pwede basta papasa ka sa physical selection at minimum aptitude test. Kung magaling ka at may potential pwede ka nila pakuhanin pa ng ibang courses at training para hindi ka lang regular enlisted man at pwede maging equivalent ng college units 'yun. Check mo na lang online.
Pwede ka rin magtrabaho habang nag-aaral ng college unti-unti o kaya TESDA certification. Nasa diskarte mo na lang 'yan.
Kapag rin naman matagal ka na nagtatrabaho pwede i-apply yung work experience mo as college units. Depende rin syempre sa nature ng trabaho mo. May program yung CHED dun para konting subjects na lang kukuhanin mo o kahit thesis na lang para magka-college diploma ka.
Parang si Pacquiao yung experience niya sa pagiging politiko naging equivalent sa college units ng Political Science. Ayun thesis na lang ginawa niya sa University of Makati. Baka nga staff niya lang gumawa pa nun o nagbayad ng kung sino.