What's new

Anong naramdaman niyo after niyo mabasa to?

magtapos daw ako ng pag aaral para sakanya at para sakin, pero now palapit nako ng palapit sa gusto niyang mangyari sakin, parang pinapatatag lang niya siguro yung loob ko na kahit malayo na siya sakin ay nagawa niya padin mag iwan ng mga ganyang salita
 
bossing wayback 2018 nung araw araw kami magkasama sa iisang bahay kasama family niya, hindi ko naman siya nakikitaan ng problem about family or even sakanya mismo. pero nitong 2019 biglang nagbago yung mood niya haha tandang tanda ko pa nung nag bicol kami, nag sand art pa ako sakanya with name tuwang tuwa pa siya non nung pagka uwi ko galing bicol diyan na siya nag kaganyan bigla 🤦🏻‍♂️ masakit talaga sa ulo at puso yung binabalikan yung masasayang alaala ng nakalipas,
 
[XX='PHC-Suna, c: 594964, m: 535477'][/XX] hindi mo sya deserve. Kasi kung babalikan ka man nya, di natin alam baka paulit ulit lang din nyang sabihin sayo na sya yung may problema. kaya gusto nyang itigil na. Kasi kung ganyan lang din mag sesettle ka sa ganyang relationship, hindi yan healthy. just prove to him na kahit ganon yung ginawa nya sayo. Deserve mo pa ding mahalin at sumaya ng hindi sya yung magiging dahilan.
 
masaya ako noon sakanya pero itatapon ko nalang ba lahat ng masasayang ginawa namin noon? ano ba mas pipiliin ko hawakan pa yung salitang sinabi niya sakin o ibitaw nalang lahat ng yon? tulad ng sinabi mo bossing hindi lahat ng saya sakanya ko matatagpuan, pero til now parang hindi ko feel yung saya
 
[XX='PHC-Riyogie, c: 594982, m: 1292368'][/XX] sabagay paulit ulit lang siguro ako magiging pahabol sakanya in short *****. hayaan ko nalang siya kahit magparamdam siya sa panahong siya naman yung nangangailangan sakin, kasi nitong 2020 nagchat siya sakin parang hindi siya simpleng nangangamusta, alam mo yung feeling na gusto niya pa iprove sakin na tinutuloy ko pa din yung gusto niya mangyari sakin at sakanya kumbaga binabalikan niya padin yung binitawan niyang salita sakin
 
NO!
May ganyan akong gf pero dahil sa mental instability ko like pabago-bago emosyon ko minu-minuto kaya tinitiis niya yun. Di naman ako masisisi dahil rin sa nakaraan ko to, so ayun nga. Maganda naman relasyon namin at napakasweet talaga pero one time, nagalit ako sa kanya dahil sa simpleng chat lang at dun naman sinumpong sarili ko. Nasaktan siya tapos nagchat na kailangan niya munang magpahinga, ayusin rin daw kasi masakit, babalik siya pag nagkataon at pinagkatiwalaan ko parin yun ng buo. Ilang buwan na ako naghihintay pero wala parin siya.
Kaya sa ganyang scenario, wag na wag ka nang magtitiwala, maliit yung probabilidad na mangyari yung inaasahan mo like babalik siya at magkaroon kayo ng happy ending. Madami pa diyang tao na kaya ka mahalin, na i-crushback ka at higit sa lahat mag-iistay sayo. I repeat, mahirap magtiwala sa ganyan lalo na pag sa chat lang.
Move on and try to recover yourself.
Hope it helps.
 
[XX='PHC-Suna, c: 595008, m: 535477'][/XX] alam ganito yan, hindi lahat ng mga nabibitawan nating salita sa tao yun yung dapat nating sundin, hindi mali. Kumbaga, dumaan ka na sa point na ganun maniniwala ka pa ba? Ako based on my experience ha, my ex told me na after 10years babalikan nya ako. you know what happen? After 10years may asawa't anak na sya pero hindi ako yung nakatuluyan niya. See? kasi kung aasa ka ng aasa sa mga binitawan nyang salita ikaw yung talo. Samantalang sya, babalik lang para guluhin ka tapos aalis uli kasi nagawa na nya yung motibo nya. ikaw naman aasa ka ng aasa. Mali, maling mali na umasa sa taong alam hindi mo alam kung anong plano sa buhay. Kailangan mong marealize, na hindi tamang aasa na lang sa mga binitawang salita. move on, lahat ng tao dumadaan sa ganyan. And in the end, mas nagiging better sila sa ibang taong dumating saknila kesa sa mga taong iniwan at bumalik. i hope nagegets mo
 
wala talagang poreber ts abangan mo yan diba nextweek may bago na baka ibig nyang sabihin e hanapin nya sarili nya sa iba 🤣🤣🤣🤣 thank me later
 
[XX='PHC-Suna, c: 594945, m: 535477'][/XX] Hindi pa naman humahantong sa ganyang lagay. Pero yung mga ganyang sagutan kasi, parang nilalayo nya lang yung isyu na walang tamang eksplanasyon. Dun pa lang sa sinabi nya sayo na, "naguguluhan ako haha", dito pa lang malabo na e. I mean, sobrang hirap ba sabihin yung "Oo" at "Hindi"? Simple lang yung tanong, pero ginagawang komplikado yung sagot. At ang ending, sayang lang ang panahon at effort.
 
Wala ka nang magagawa Ts Wala na siya eh 😢 ang magagawa mo nalang ngayon ay Ipagtuloy ang ngayon at kalimutan ang pasakit na dinanas mo sa nakaraang relasyon.
 
bat yung masasayang araw nyo lang ata naalala mo? paano yung mga mahihirap na parts nung relationship? naguusap ba kayo at nagaayos (at totoong nagaayos without just you being in favor or kahit sa kanya, nagaayos in the right common sense or general sense of things and not just in an entitled sense of thinking)

relationships only work kapag naworkout nyo yung mahihirap na parts na yun ng talagang maayos (hindi yung magaaway tas hindi maguusap tas bigla nalang magiging maayos, well because susunod nalang yung isa sa gustong mangyari nung isa, things don't really work this way in the long run)
 
Case #1

Isa lang ibig sabihin niyan,.gusto na niya makipag hiwalay sayo.

Mag jowa kayo. Hindi ka naman iba sa kanya. Wala na talaga si Magic Sarap

Case #2

Pwede rin nasa sa kanya. Baka masyadong kang perfect para sa kanya. Pero ung sa kanya eh hindi niya kayang ibigay ung gusto mo.
 
Hindi talaga siya para sayu. May mga tao sa buhay natin na darating para lang matutu tayu at masaktan. Para tayo'y maging malakas sa mga pangyayaring dumaan na unos sa buhay. Yan lang siguro role nya sa buhay mo..move on ka nalang ..may nakalaan na right person para sayu ..Just continue to walk the new path. wag matakot tumahak sa new beginnings. Di mo makikita right one mo if di ka susubok ulit. Cheer up! God bless you
 
Last edited:
Ikaw parin ang makapag sabi sa sarili mo kung ano ang dapat mong piliin.
Para sa akin, yung mga masasayang sandali ay dapat pahalagahan.
Pero mas dapat nating unahin ang kasalukyan at ang bukas, walang silbi ang masasaya at matamis na panahon kun hanggan doon nalang yun.

Lahat tayo ay uhaw sa pag mamahal at aruga, minsan sa iba lang natin to nahahanap. Pero wag tayong maging ganito, matoto tayong maging masaya ng hindi umaasa sa iba. Pag matoto na tayong maging "malaya sa pag mamahal niya" hindi na tayo masyadong malulungkot pag wala na.

Learn to make yourself happy without the need for the attention of others.

Kahit sa mga kunting bagay lang.
 
Last edited by a moderator:
Back
Top