What's new

Anong masasabi niyo sa Jowa ko?

Depende sa personality ng babae po. By the way, babae po ako. Hindi natin kaya basahin ang nasa isip niya po. Meron kaseng babae na nakikipag seks kapag mahal nito ang lalake at meron naman babae na ayaw makipag-seks dahil meron siyang deep reason na bakit ayaw niya , but it does not mean na hindi niya mahal ang lalake. Mahal niya. Tipong conservative lamang siya o sadyang iba ang itinuro at ipinalaki sa kanya ng magulang niya like kasal muna bago makipag seks so sino ba ako para mag-judge diba? And for me , ayaw ko rin e judge na makikipag seks lang ang jowa mo sa gwapo lang dahil malay natin , sinabi lang niya iyon because of meron hidden message (not because of hindi ka attractive o ano) siya lang kase ang nakakaalam nun as in.

Ang para sa akin , hanap ka na lang ng babae na same kayo mag-isip. Promise like kung ang paniniwala niyo sa isa't isa is seks with love , e di okay. Kayo dalawa ay para sa isa't isa. For me , hindi kayo meant for each other ng jowa mo.

Meron ganyan lalake kase (again , based on personality na meron siya) na kapag hindi nakipag seks ang babae sa kanya and so , ayun , maghahanap ng ibang babae ang lalake na same sila mag-isip kung saan same sila ng concept about seks when it comes to love. Tipong meron seks sa isa't isa.

Meron kaseng ibang babae naman na nagrereklamo na iniiwan sila ng boyfriend nila porke ayaw nila makipagseks , ganun , naghahanap ng iba daw ang lalake. Sabi ko naman ay baka hindi sila meant for each other. E hanap din ang babae na same sila ng beliefs about love kahit without seks ang kanila. Ganun lang naman iyon.

Kapag not meant for each other , maghiwalay na lang po as in.

P.S.

Kaya pala meron ganun lalake noh? Meron kase akong naeencounter na lalake sa chat na ang unang hirit ay " kapag mahal mo ako ay makipagseks ka sa akin" though hindi ako na ooffend , for me , siyempre ako pa rin ang magdidisisyon kung ano ang ayaw ko at gusto ko. Ayaw ko makipagseks dahil hindi ako iyon. Sa ibang babae ay okay pero kung ako , as in kung sino ako , hindi ako iyon.​
 
Last edited:
Back
Top