What's new

Anong gamot po sa sobrang sakit ng ngipin?

Salamat po. Wala naman po syang butas. Masakit lang po sya kapag nainom ako ng tubig na malamig.
 
Salamat po sa lahat ng nagbigay kasagutan sa tanong ko po. Wala naman po syang butas yung ngipin ko. Nagsimula po syang sumakit kapag nakakainom ako ng malamig na tubig. Ininuman ko po ng mefenamic kaninang umaga. Tapos yun po di na po sya sumakit ulit. Kapag lang nainom ng malamig sasakit tapos mawawala din agad. Kaya di na muna ako nainom ng malamig. Salamat po ulit sainyo. 😊😊😊
 
For sure solve na to pero okay din yung mefenamic mag stock ka atleast 3 or 4pcs mas okay yan kesa sa mga pain reliever na mataas (lalo yung pang sakit ng katawan)
 
TS, Highly recommended ko na pabunot muna. Ano gusto mo? Short term o long term of pain? Diba short term. So pabunot muna if ayaw mo ng long term of pain.
 
Depende kasi yan sa dahilan ng sakit ng ngipin.

Ang mga pain reliever, immediate relief lang, para lang mawala ang sakit.

Minsan kasi may butas ang ngipin at bacterial ang cause ng pain.
Pag may butas ang isa sa pinaka mabisang nagamit ko ay Parrot Brand Toothache drops na mabibili sa Chinese drugstore.

Pag nawala na ang sakit, pwede mo na palinis sa dentist ang ngipin para mawala ng tuluyan at hindi na maging paulit-ulit ang sakit.
 
mas maganda lods pacheck mo sa dentist mo kasi bibigyan ka nila ng reseta for antibiotics pero commonly amoxicillin lang naman yun..di nila pwede bunutin yan hanggat masakit kasi di masyado effective yung anesthesia
 
Mostly asin, Advil take in or direct sa ngipin with cotton or magworkout like jogging para madivert yung sakit . Pabunot mo nalang kesa naman mag suffer ka ng 2-3 weeks saka humupa yan mas lalo kapag gabi hehe
 
Last edited:
Mas better magpabunot sa outside, based sa experience walang anesthesia ginamit sa akin basta mabilisang pagbunot ginawa sa akin (y) Hindi katulad sa dentist parang ini ikot-ikot pa nila saka mabunot, minsan pa nga may fragment ng buto sa ngipin
 
para sa akin iha ipacheck mo na yan sa dentista lalo na kung maayos pa yung ngipin (or kung di mo lam kung saan nanggagaling yung sakit) para maisalba mo pa at hindi tuluyang mamatay yung ngipin. mas másáráp padin may ngipin kesa wala na. yung sakit pansamantala lang yan, mawawala din yan, pero yung ngipin kapag nawala na hindi mo na mababalik yan.

most likely, may cavities ka nang umabot sa pinaka pulp ng ngipin at inuubos na nila yung pulp ng ngipin mo. possibly may napakaliit na butas kang hindi napapansin (madalas sa gilid gilid yan or malapit minsan sa gums) at dun pumapasok yung bacteriang sumisira ng pulp mo ngayon. mas mabuting maagapan mo pa yan else mamamatay ngipin mo, mangingitim, mamamaho, at in the end madalas sasakit kapag ikakagat mo.
 
Last edited:
Salamat po. Ngayon ko lang naranasan yung ganito. Hahaha. Sakit masyado. Nagsimula to pag umiinom ako ng tubig na malamig sumasakit sya. Medyo matagal na rin pero nawawala naman sya agad. Pero ngayon mga 1week na medyo tumatagal na yung sakit at ayon nga ngayon magdamag sya na masakit. Hays. Di tuloy makatulog.
It means meron ng infection yan sa ilalim...ang best treatment nyan is either a rct (root canal treatment) or bunot...kasi di na yan ma save thru tooth filling 😊
 

Similar threads

Back
Top