What's new

PlayToEarn Ano yung downside ng axie infinity?

Hindi sya mining. Me 5% yung Company sa bawat Axie na nabebenta, taz kelangan mo din magbayad ng SLP at AXS sa breeding, kaya umiikot lang yung pera. Yung binibibigay nilang SLP nababawi rin sa breeding.
 
35k PHP nagasto ko last month pag.umpisa pero ngayon napakahamal na sa Marketplace, pero okay lang kasi tumaas din Price ng SLP. 60k income ko after around 6 weeks. Tanong kung tatagal ba ang game? Di ko rin alam, basta bawi ko na nagastos ko, at lahat ng SLP na makukuha ko, income na. Taz umabot pa ngayon 10php = 1SLP.
 
Oo bro pero everything is a risk, swerte mo nabawi mo na puhunan mo kaya good for you. Alanganin lang doon sa mga maiipit if ever bumagsak man yung price kasi di naman puro pataas ang price action lagi possible sa hype rin lang kaya gumagalaw. Basta tip ko lang sa mga nagbabalak pumasok na do your own research sa crypto space para walang sisihan kahit ano mangyari. and i exit nyo agad pag kinita nyo na puhunan nyo tapos yung kikitain after yun na lang paikutin nyo. para sa akin maliit yung 5% to sustain yung ganyang inflation. mas mabagal pa yung sa doge if icocompare mo.
 
Tama yung ibang comments dito. Very volatile ang crypto pwede lumipad ng sobrang taas pwede rin bumagsak ng lalagapak. Assess your risk appetite. Kung sasabay sa agos make sure aral ka sa crypto side kasi yung gaming side madali lang intindihin eh pero yung galaw ng market bantayan mo rin.

Kung ikaw yun mahilig sumabay sa agos ayos lang yan. Gatasan mo habang malakas pero hindi yan forever.
 

Similar threads

Back
Top