What's new

Ano say nyo sa mga magulang na ginagawang retirement assurance yung anak?

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Joined
Jul 21, 2016
Posts
11,660
Solutions
8
Reaction
46,040
Points
7,587
Nakakalungkot lang isipin na madami ganitong mindset, wala naman utang na loob ang anak sa magulang, kasi resposibilidad ng magulang palakihin at paaralin yung anak / magiging anak nila kasi choice nila na magkaanak.

Hindi utang na loob yun, kung sakali man na maging successful yung anak, Hindi niya responsibilidad na isama ang magulang doon, PERO kung may takot siya sa Diyos tutulungan niya ito.

Marami kasi ako nakikita sa fb, ano sense ng malaking sahod kung ang pinagbibigyan sugarol, luho inuuna imbes na pangangailangan sa araw araw. Lagi ubos tapos kapag walang mabigay yung anak sila pa galit, akala mo may pinatago. Gara ng ganyan.
 
Buti di naging ganyan mindset ng magulang ko. Lagi nila sinasabi na magsumikap kami para sa magiging future family namin kasi di kami habang buhay magkakasama. Kaya nakikita kong nag-iipon magulang ko para sa kanilang dalawa bago sila magretire
 
Ganyan din mindset ng tatay ko kailangan ko daw mag abroad para umasenso buhay ko. Para sa magiging asawa ko hindi habang buhay kami magkakasama.
 
Remember
[1] "hindi mo gusto na pinanganak ka, sila ang may gusto" may ibang nagsasabi na gusto nila na ipinanganak sila kasi maganda buhay niya, masaya ang buhay niya, hindi utang na loob ang pag papalaki nila sayo.
PS "wag mo iapply sa sitwasyon mo ngayon kung bakit gusto mo na pinanganak ka."
[2] toxic parents ang karaniwang tawag sa ginagawang retirement plan ang mga anak.
[3] hayaan ang anak na kusang magbigay. wag sapilitan.
[4] hayaan ang anak na kusang mag desisyon kung saan ang magulang pag dating ng araw.

sa mga magsasabi na "dapat suklian mo ang sakripisyo sayo ng magulang mo" read[1] again.
 
Mahirap maintindihan yan hanggat wala ka sa kanilang katayuan, madali nating masabi yab kasi mas angat ng kaunti ng estado ng atin kumpara sa kanila. Imagine yung mga mayayamang pamilya ngayon yung ninuno nila eh halos pagapangin din ng kanilang magulang para mabuhay sila pero dahil sa sipag at disiplina nila sa sarili umunlad sila. Wag nyo silang husgahan sa pagiging magulang, bagkus tingnan ang anggulo dahil kung successful ang anak o hindi, kakarampot man ang sahod o sugarol/lasinggero ang magulang sila mismo ang gagawa ng paraan kung paano makakaahon. "Walang magulang ang kayang tiisin ang anak ngunit kabaliktaran ito pagdating sa kanilang sariling anak". Di lahat ganyan pero sabi nga di mo malalaman kung di mo pa mismo naranasan. Don't judge the others by their actions, we didn't know their whole story.
 
Para sa aking ok lang naman na tulungan parents natin lalo na yung sino mas mabait natin na parents is mama or papa ba, Dapat naman talaga nating masuklian kahit kunti yung pagpapakahirap nila. Dahil hindi tayo mabubuhay kung wala sila. Basi sa post mo TS selfish attitude kasi yan at tama naman sila na matatawag kang walang utang na loob pag hindi ka lumingon sa pinaggagalingan mo. OPINYON kulang wag po sana magalit.
 
Unfortunately we can only change or own selves, so I would say no need to lament about the past generations, all we can do now is to make sure we won't do the same thing, meaning we can resolve to be self sufficient so as not to need sustenance from our sons/daughters. Only then we'll we have how for cultural change 👍🇵🇭 one caveat though... Be careful what you wish for, as you might get it✌️
 
Langya kakaunti na lang buhay na natitira sa magulang mo hindi mo pa maibigay ang luho at ginhawa, pucha bale pag tanaw mo na ng utang na loob yan sa kanila ,ang pera kinikita lang yan pero ang magulang iisa lang hindi mo na mapapalitan, maano bat bigyan mo sila ng luho nila kung nakakaangat ka man sa buhay, huwag nating tingnan ang tingin ng magulang sa atin sa bandang huli magulang mo parin sila may utang na loob ka parin sa kanila kaya ka nandito sa mundong ibabaw at tinatamasa ang propesyon na iginapang ng magulang mo para sayo. Sabi nga sa isang advertisement, There are no perfect parents, but parents will always love perfectly
 
Last edited:
Langya kakaunti na lang buhay na natitira sa magulang mo hindi mo pa maibigay ang luho at ginhawa, pucha bale pag tanaw mo na ng utang na loob yan sa kanila ,ang pera kinikita lang yan pero ang magulang iisa lang hindi mo na mapapalitan, maano bat bigyan mo sila ng luho nila kung nakakaangat ka man sa buhay, huwag nating tingnan ang tingin ng magulang sa atin sa bandang huli magulang mo parin sila may utang na loob ka parin sa kanila kaya ka nandito sa mundong ibabaw at tinatamasa ang propesyon na iginapang ng magulang mo para sayo. Sabi nga sa isang advertisement, There are no perfect parents, but parents will always love perfectly
Agree❤️
 
naka depende lang naman sa anak kung tatanawin nyang utang na loob sa magulang lahat ng sakripisyo para sa mga anak. sa tingin ko naman kung naging mabuting magulang naman sila sa anak nila yun din naman babalik sakanila. responsibilidad ng magulang na pakainin pagtapusin ng pag aaral yung mga anak nila. pero sakin as early as now nag iinvest/save ako para sa retirement ko. di ko iaasa sa magiging anak ko yung magiging future ko basta ang akin lang, bibigyan ko sila ng magandang buhay
 
[XX='N O T E, c: 1295615, m: 1753351'][/XX]
Its for your own future but someday ikaw din mismo makakapag decide sa sarili mo nyan bossing kung tutuloy mo ba. Or may iba kang gustong abutin.

Success is not only being rich. Success is reaching your goal no matter how simple it is. Only that specific person can specify their goal. Iba iba tayo ng goal sa buhay. Ako kunyare goal ko lang ay makapag asawa at mag ka pamilya at may trabaho ako at maka kain lang kami 3 times a day at mabuhay peacefully at nakamit ko yun eh successful nako sa buhay. Ikaw malay mo Goal mo mag abroad talaga once you get what you want then that is success. No one can tell you if you are successful or not.


Puyat talks 😂😂
 
Back
Top