Ano po kayang gamot para Dito?

F

FAT32

Guest
Hello po Meron po bang doctor Dito ? 😅
Ano po kaya ito? At ano po kaya ang gamot Dito?
IMG_20230626_211137.jpg

Nagka ganan din po Kasi Yung sa Kapatid ko tas yung sa kanya lumaki at nag nana at sugat na, baka po magkaganyan din yung sakin.

salamat po.
 

Attachments

Hello! As an AI language model, I am not a doctor and cannot diagnose medical conditions. It is important to see a doctor or a healthcare professional for proper diagnosis and treatment.

Based on your description, it is difficult to determine what condition your sibling has. It is best to have them evaluated by a medical professional to determine the cause of the swelling, pus, and wound. Treatment will depend on the diagnosis and severity of the condition.

In the meantime, it is important to keep the affected area clean and avoid touching or scratching it to prevent infection. Make sure to also practice good hygiene, such as washing your hands frequently and avoiding sharing personal items like towels or clothing.
 
hindi naman po.
IMPEKSIYON SA KUKO AT KATAWAN
by Dr. Willie T. Ong

Kung ikaw ay nagkaroon na ng impeksiyon sa kuko ng iyong kamay o paa, alam niyo na napakahirap itong gumaling.
Ang tawag sa sakit na ito ay Paronychia. Kasama dito ang pangkaraniwang ingrown na kuko (ingrown toenail) at iba pang impeksiyon at pamumula sa tabi ng ating kuko. Namamaga ang balat at masakit ito kapag dinidiinan.

Paano nag-uumpisa ang impeksyon? Sa una ay nagkaroon ng maliit na sugat sa tabi ng kuko. Madalas magsimula ang sugat sa pagputol ng kuko, pag-manicure, o paghila natin sa balat na nasa tabi ng kuko. Minsan naman ay naipit sa masikip na sapatos o natapakan ang ating daliri.

Kapag ito’y napabayaan, posibleng makapasok ang bacteria sa loob ng balat at magdulot ng impeksiyon. Mahirap itong gamutin.

Povidone iodine o Betadine:

Nagpapasalamat ako kay Dr. Ramon Estrada at Dr. Ric Naval ng Manila Doctors Hospital sa pagturo ng sikreto sa paggamot nito. Sundin ang paraang ito:

1. Kung saan may pamumula o impeksiyon (madalas ito sa malaking daliri ng paa), maglagay ng maliit na bulak sa pagitan ng kuko at balat.

2. Patakan ang bulak ng Povidone Iodine (o Betadine) para mabasa ito.

3. Balutin ang daliri ng band-aid para hindi matanggal ang bulak. Ang gusto nating mangyari ay manuot ang katas ng Povidone iodine sa loob mismo ng ating balat. Dahil sobrang bisa ang Povidone iodine laban sa mikrobyo, siguradong masusugpo ang impeksiyon kapag naabot ito ng Povidone iodine.

4. Pagkaraan ng ilang oras ay matutuyo na ang Povidone iodine. Puwedeng patakan ulit ng Povidone iodine ang bulak para manatiling basa ito.

5. Palitan ang band-aid at bulak sa umaga at sa gabi. Puwedeng mas madalas kung gusto niyo.

6. Gawin ito sa loob ng 7-10 araw. Huwag titigilan ang paglalagay ng Povidone iodine hanggang sa manumbalik sa normal ang iyong daliri.

7. Kung medyo malaki ang impeksiyon, puwede ka ring uminom ng antibiotic tulad ng Amoxycillin 500 mg capsule, 1 kapsula 3 beses sa maghapon sa loob ng isang linggo.

8. Ang isang side effect lang ng Povidone iodine ay ang pangingitim ng iyong balat. Okay lang iyan dahil sa katagalan ay babalik din sa normal na kulay.

9. Kumunsulta din sa inyong doktor tungkol dito.
 
makati ba? if makati then try mga anti fungal
hindi naman sir nakati. nag da-dry lang. tas pag nilalagyan ko na ng ******* ay mahapdi.

[Hidden content]
nagkaganyan din ako boss dati, sa daliri sa kamay, nung una namumula sa gilid ng kuko hanggang sa nag nana at lumaki. pero gumaling na yung sakin.

tas etong ngayon naman ay sa ibabaw naman s'ya ng kuko, wala namang sugat pero nag da dry at namamalat hanggang sa lumalaki na.
 

Similar threads

Back
Top