habang tumatanda naiisip ko yung golden era nung bata pa ako yung hindi uso cp sa amin yung simple lang nag tatagoan tapos naliligo sa ulan maglalaro ng kung ano ano
ang pinaka gusto ko yung pagpapalipad ng saranggola eh kahit ang init ng panahon tapos pag maganda ang lipad itatali mo sa puno tapos titingnan mo sa malayo haha
Ansarap magsaranggola. Yung andami mong pababagsakin na kalaban. Achievement yung nakarami kang napabagsak bago ka maigtad. Sa sobrang trip ko magsaranggola highschool na'ko nagsasaranggola pa rin ako. Peborit kong design pag gumagawa ako ng saranggola nun eh yung mga flags ng ibat ibang bansa. Yung mga cross. Para siyang arrow sa ere na papalapit sa kalaban