From 2010-2015 may mga dinadalaw ako sa Bilibid almost every month. Isa dun yung schoolmate ko na nakulong dahil sa napatay nila yung hine-hazing nila sa frat.
Noon sa Bilibid dati, (ewan ko na lang ngayon) basta may pera ka may access ka pa rin sa mga conveniences sa labas ng kulungan. Cellphone, PC, internet, alak (from jailhouse brew o kahit Johnnie Walker), yosi, pati drugs at mga p0kpok. Yung mga pagkain dun masasarap kasi may mga skilled cooks din na convicts. Yung ibang kasama kong nadalaw doon nagpapa-tattoo kasi may mga convict din na tattoo artists. Pwede ka rin magkaroon ng mga alalay basta lang talaga may pera ka. Syempre pera din kailangan mo para sure na safe ang wetpaks mo. Hindi ka nga lang talaga makakalabas.
Nakakagala sa compound yung mga preso. May mga TV at radyo sa common areas, may canteen, may talipapa, maraming mini-chapels (kasi parang workaround nila yun na kapag religious organization kunwari pwede sila patayo ng malaking kubol), may basketball at tennis courts (depende yata sa gang mo kung may access ka sa mga ito), may library tsaka parang arts center.
Yung mga dinadalaw ko dati dun nagdevelop na lang sila ng mga hobbies nila para hindi maburyong. May t-shirt printing business, may nagbebenta ng paintings (20-30K presyuhan), may photography ek ek kasi nakapuslit din ng DSLR, may nag-record ng mga kanta, may fashion design workshop din courtesy of Puey Quiñones. LOL haba na ng essay ko.