What's new

Closed Ano ba ang Trading?

Status
Not open for further replies.

PHC_Taong-BATO

꧁ ⭐⭐🏆⭐⭐ ꧂ 🅰🅽🅶 🅰🅻🅰🅼🅰🆃 🅽🅶 🆂🅰🅶🅸🅽🅶
Joined
Mar 25, 2015
Posts
10,509
Reaction
13,527
Points
3,747
1571915728303.png

Isa sa mga komplikadong pamamaraan ng kitaan sa bitcoin ay ang Trading. Ayaw ko dyan madami nakong kilalang naluge dyan!
Yan lagi ang una mong maririnig sa taong negatibo, sapagkat kulang sila sa kaalaman at experience.
Ang Trading ay pinag aaralan at binibigyan ng panahon upang kumita ang puhunan mo. Eh ano ba dapat ang unang gawin?

Pag aralan ng mabuti ang mga gagawing disisyon bago pasukin ang Trading, wag mag padala sa emosyon, isantabi mo muna ito. May mga taong sinusugal ang pera ng walang kasiguraduhan na tutubo “Feeling Lucky!”. Meron naman ding mga tao na nagiging fortune teller, pinepredik nila ang future, lahat ng ito’y maling pamamaraan. Pero ano ba ang Trading?

Kung alam nyo ang Philippine Stock Exchange (PSE), dito nagaganap ang exchange ng iba’t ibang kumpanya, tulad ni JOLLIBEE, AYALA, BDO, PureGold, Petron, at marami pang iba. Bawat kumpanya ay nag bebenta ng share’s, halimbawa nalang si Jollibee, nag bebenta si Jollibee ng share’s na worth 278 pesos. Pwede kang bumili ng kahit ilang share’s ni Jollibee hanggat kaya ng bulsa mo, at alam mo ba na kapag bumili ka ng shares ni Jollibee ay isa kana sa may ari nito? Eh pano ba ako kikita kapag bumili ako ng shares?
1571915785984.png

Kikita ka kay Jollibee kapag tumaas ang value ng market ni Jollibee, halimbawa yung last price nya ay 278 pesos, tapos bumili ka ng shares ni JOLLIBEE ng 10 shares worth 2,780 Php (278X10=2,780), tapos dumaan ang ilang oras ay tumaas na ito ng 2 pesos at naging 280 Php (280X10=2,800) sa market, kumita kana ng 20 pesos sa ilang oras plang. Eh pano kung bumaba ang market ni Jollibee?

Syempre bababa din ang puhunan mo, at ok lang yun hintayin mo na lang ulet tumaas ang value nito. No. 1 rule wag na wag nyo ibebenta ang shares ninyo kahit alam nyong naluluge na. Be positive na tataas pa ito at maging pasensyoso at matutong mag hintay, kapag nagawa mo yan, may kasiguraduhang kikita ka.

Bitcoin Trading.

Tulad din naman ito sa Bitcoin, hindi company ang bentahan dito kundi digital currency. Ano ba ang digital currency?
Hindi lang si Bitcoin ang digital currency ngayun, may iba’t ibang currency sa digital marketing. Tignan ang imahe sa baba para sa karagdagang impormasyon.
1571915821449.png

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Dito pinapakita ko lang ang Top 10 most active digital currency nagyun, may mahigit na 1,500 + na digital currency sa market. Pero bawat isa ay may kanya kanyang market na pinag gagamitan o tinatawag na source. Tulad nalang ni Bitcoin, maraming market ang gumagamit kay Bitcoin sapakat sya ang pinaka popular na currency ngayun. Tignan ang imahe sa baba kung ano-ano ang market na gumagamit kay Bitcoin.
1571915854089.png

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung mapapansin nyo karamihan dyan ay exchange platform o trading platform. Milyon milyong tao sa iba’t ibang bansa ang gumagamit ng exhange platform para mag trade ng Bitcoin. Hindi lahat ng exhange platform ay pwede mo magamit, sapagkat meron din silang kanya kanyang policy o patakaran. Bago ka pumasok sa isang platform tignan mo muna kung suportado ba ang bansang Pilipinas natin para makapag trade ng digital currency. Tignan ang imahe sa baba upang makita ang pinaka popular na exchange platform.
1571915870687.png

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kung mapapansin nyo si Binance ang pinaka popular na ginagamit ng mga tao para mag trade, sapagkat karamihan ng bansa ay suportado nya. At ang Pilipinas ay isa sa mga sinusuportahan nito.
 

Attachments

Count me in bro. Pero same quotes invest what you can afford to lose.
Pero iba ito sa investment. Sa trading may monitoring value. Kita mo galaw😊
Kaya nga e. Mahirap din dyan haha kaya kapag wala ka idea dyan lugi ka. Para kanaring nag bigay ng pera sa kanila haha
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top