What's new

Ano ang Ginawa ng Diyos Matapos Magkasala ang Unang Mag-asawa?

Mind Palace

Eternal Poster
Joined
Sep 11, 2020
Posts
1,135
Reaction
327
Points
310
004.jpg

(Photo by August de Richelieu from Pexels)

Ano ang Ginawa ng Diyos Matapos Magkasala ang Unang Mag-asawa?

Sa ulat ng Genesis 3:8-13, muling kinausap ng Diyos sina Adan at Eva upang alamin kung ano ang nangyari. Hindi ito nangangahulugan na hindi nakita ng Diyos ang ginawa nila kundi inalam lamang ng Diyos ang mga pangyayari, kung paanong ang isang magulang ay nagtatanong sa kaniyang anak kapag ito ay nakagawa ng kapaha-pahamak na mga gawain. Sa pagkakataong iyon, ang una niyang tinanong ay si Adan.

Genesis 3:8-12 (Magandang Balita Biblia)​
Tinawag niya ang lalaki at tinanong, “Saan ka naroon?”
“Natakot po ako nang marinig kong kayo'y nasa halamanan; nagtago po ako sapagkat ako'y hùbád,” sagot ng lalaki.​
Nagtanong muli ang Diyos, “Sinong maysabi sa iyong hùbád ka? Bakit, kumain ka ba ng bungang ipinagbabawal ko?”
“Kasi, pinakain po ako ng babaing ibinigay ninyo sa akin,” tugon ng lalaki.​

Napansin ba ninyo kung paano sumagot si Adan? Sinabi niyang ang dahilan ng kaniyang pagkakasala ay dahil sa ibinigay ng Diyos na babae para sa kaniya. Isip-isipin na lamang iyon! Sa ibang salita, parang sinabi ni Adan sa Diyos na "kung hindi mo sana ibinigay sa'kin yung babaeng y'on, hindi sana ako magkakasala." Oo! Sinisi ni Adan ang Diyos sa pagkakasalang nagawa niya. Ipinakikita lamang nito na naging walang utang na loob si Adan sa kabila ng lahat ng inilaan ng Diyos para sa kaniya.

Kumusta naman si Eva? Tinanong din siya ng Diyos.

Genesis 3:13 (Magandang Balita Biblia)​
“Bakit mo ginawa ang bagay na iyon?” tanong ng Panginoong Yahweh sa babae.​
“Mangyari po'y nilinlang ako ng ahas, kaya ako natuksong kumain,” sagot naman nito.​

Imbes na aminin na sinuway niya ang Diyos, nagdahilan pa siya anupat sinisi ang isa sa mga nilikha ng Diyos, ang walang kakayahang mangatuwiran na ahas. Oo, buong pag-aakala ni Eva na ang ahas mismo ang nagsasalita, pero hindi gayon. Ginamit lamang ni Satanas ang ahas upang linlangin si Eva, kung paanong nagagamit ng isang ventreloquist ang isang puppet para pagsalitain ito.

1623980840361.png

(Source: wanluthemagician . blogspot . com)

Kaya, sa pagkakataong iyon, hindi nakitaan ng pagsisisi sina Adan at Eva. Oo, sinisi nila ang Diyos na lumikha sa kanila.

Ano naman ang ginawa ng Diyos pagkatapos ng mga pangyayaring iyon?

Bumigkas ang Diyos ng kaparusahan at makahulang mga pananalita, pero ang hulang iyon ay hindi lang para kina Adan at Eva, kundi para rin kay Satanas, ang isa na gumamit sa ahas. At ang hulang iyon ay lubos na makakaapekto sa sangkatuhan at magbibigay naman ng daan para muling maibalik sa orihinal na layunin ng Diyos itong lupa, ang maibalik ito bilang isang Paraiso na tulad sa hardin ng Eden noon. Oo, malinaw na may ginawa agad ang Diyos pagkatapos ng mga pangyayaring iyon.

Pero baka maitanong mo,

  • Ano ang hulang iyon na binanggit ng Diyos?
  • Ano ang kinalaman ng hulang iyon sa mensahe ng Bibliya?
  • Ano naman ang kaugnayan ng hulang iyon sa sangkatauhan?
  • Ano ang kaugnayan ng hulang iyon sa muling pagsasauli ng Diyos ng isang Paraisong lupa?
  • Bakit hindi binigyan ng Diyos ng pagkakataon si Satanas na magsisi?

Sasagutin ang mga tanong na iyan sa susunod na mga thread.
 

Attachments

Last edited:
Back
Top