Dilaw, dilawan, Yellowtards.. Yan ang kalimitan sinasabi ng mga tao ka pag kumokontra sa pangulo o sa gobyerno o kapartido ng mga aquino. Pero hindi pala alam ng karamihan kung ano ang totoong ibig sabihin nito. Na ang tinatawag nyo pala dilawan ay pwede rin itawag para sa sinusuportahan ninyo..
Problema talaga kapag ang pananaw sa lahat ng kritiko sa mga patakaran ng tiranikong diktador na si Duterte ay puro dahil sa conspiracy umano ng "DILAW". Color blind na lang talaga. Hindi naman pala alam kung ano ang tunay na kahulugan ng katagang DILAW o DILAWAN.
Una aralin muna saan nagmula at ano ang ibig sabihin ng DILAW. Galing ang katagang DILAWAN sa trade union movement. Katawagan ito sa international labor movement na kung tawagin ay "yellow unionism".
Ang "Yellow Unionism" o dilawang unyonismo ang katawagan sa mga labor leader aristocrats na nagpapagamit o nakikipagsabwatan sa mga kapitalista at estado para hatiin ang pagkakaisa ng unyon at manggagawa, ibenta ang interes ng uring manggagawa, dahasin at alisan ng karapatang magprotesta at magwelga ang mga manggagawa. Sa madaling salita, ang DILAWANG UNYONISMO ay inaalisan ng pagiging independyante ang unyon at pagkilos ng mga manggagawa upang patuloy na pagsamantalahan at lupigin ang mga manggagawa.
Ang katagang DILAWAN ay hindi tungkol sa kulay ng flag o ribbon o partido. Ito ay katawagan sa mga nagpapagamit sa sabwatan ng estado sa kapitalista sa pagsasamantala at paglupig sa karapatan ng mga manggagawa.
Ginawa yan ni Noynoy at liberal party ginamit ang mga dilawan sa trade union movement ibinenta ang mga manggagawa sa mga oligarkiya't kapitalista malapit kay noynoy at sa mga alipores at crony nya at ng LP, na siyang ginagawa din ngayon ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang partidong PDP LABAN na karamihan ay nagmula din sa mga bumalimbing sa liberal party ni noynoy. Gaya ni Noynoy at LP, ang rehimeng Duterte ay aktibong kinakasabwat ang mga dilawang trade union leaders upang ibenta sa mga oligarkiya't kapitalista at mga crony na malapit kay duterte at sa kanyang mga katsokarang mga oligarkiya, crony at mga ka-DDS.
Kaya kung kulay DILAW lang ang pag uusapan, hindi lang monopolyo ni cory at noynoy ang dilaw. Nag aaply din ito kay Marcos, Ramos, Erap, Gloria at kay Duterte.
Si Marcos noon na nagmula sa liberal party at nacionalista party nung nagpataw ng martial law nung 1972 ay naglikha ng sarili niyang partido at pasistang kilusang KBL at kabataang barangay at ginamit ang militar at pulis at nagpakatuta sa imperyalismong US upang suhayan ang kanyang diktadura. Si Duterte naman ay merong PDP LABAN (dominado ng mga bumalimbing mula sa LP) at mga ka-DDS at ginagamit ang militar at pulis at nagpapakatuta sa imperyalismong US at China upang suhayan ang kanyang tiranya at diktadura.
Kaya po hindi sa kulay ng Unyonismo nakikita ang pagtutol o reklamo o paglaban sa nakaupo sa gobyerno kundi sila ang mga taong likas ang pandama para maunawaan kung ano ang tama at mali. Hindi nakukuntento para magbulag bulagan at magbingibingihan sa bawat nangyayaring mali sa lipunan.