What's new

Closed Ano ang dilawan?

Status
Not open for further replies.
Dilaw, dilawan, Yellowtards.. Yan ang kalimitan sinasabi ng mga tao ka pag kumokontra sa pangulo o sa gobyerno o kapartido ng mga aquino. Pero hindi pala alam ng karamihan kung ano ang totoong ibig sabihin nito. Na ang tinatawag nyo pala dilawan ay pwede rin itawag para sa sinusuportahan ninyo..

Problema talaga kapag ang pananaw sa lahat ng kritiko sa mga patakaran ng tiranikong diktador na si Duterte ay puro dahil sa conspiracy umano ng "DILAW". Color blind na lang talaga. Hindi naman pala alam kung ano ang tunay na kahulugan ng katagang DILAW o DILAWAN.

Una aralin muna saan nagmula at ano ang ibig sabihin ng DILAW. Galing ang katagang DILAWAN sa trade union movement. Katawagan ito sa international labor movement na kung tawagin ay "yellow unionism".

Ang "Yellow Unionism" o dilawang unyonismo ang katawagan sa mga labor leader aristocrats na nagpapagamit o nakikipagsabwatan sa mga kapitalista at estado para hatiin ang pagkakaisa ng unyon at manggagawa, ibenta ang interes ng uring manggagawa, dahasin at alisan ng karapatang magprotesta at magwelga ang mga manggagawa. Sa madaling salita, ang DILAWANG UNYONISMO ay inaalisan ng pagiging independyante ang unyon at pagkilos ng mga manggagawa upang patuloy na pagsamantalahan at lupigin ang mga manggagawa.

Ang katagang DILAWAN ay hindi tungkol sa kulay ng flag o ribbon o partido. Ito ay katawagan sa mga nagpapagamit sa sabwatan ng estado sa kapitalista sa pagsasamantala at paglupig sa karapatan ng mga manggagawa.

Ginawa yan ni Noynoy at liberal party ginamit ang mga dilawan sa trade union movement ibinenta ang mga manggagawa sa mga oligarkiya't kapitalista malapit kay noynoy at sa mga alipores at crony nya at ng LP, na siyang ginagawa din ngayon ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang partidong PDP LABAN na karamihan ay nagmula din sa mga bumalimbing sa liberal party ni noynoy. Gaya ni Noynoy at LP, ang rehimeng Duterte ay aktibong kinakasabwat ang mga dilawang trade union leaders upang ibenta sa mga oligarkiya't kapitalista at mga crony na malapit kay duterte at sa kanyang mga katsokarang mga oligarkiya, crony at mga ka-DDS.

Kaya kung kulay DILAW lang ang pag uusapan, hindi lang monopolyo ni cory at noynoy ang dilaw. Nag aaply din ito kay Marcos, Ramos, Erap, Gloria at kay Duterte.

Si Marcos noon na nagmula sa liberal party at nacionalista party nung nagpataw ng martial law nung 1972 ay naglikha ng sarili niyang partido at pasistang kilusang KBL at kabataang barangay at ginamit ang militar at pulis at nagpakatuta sa imperyalismong US upang suhayan ang kanyang diktadura. Si Duterte naman ay merong PDP LABAN (dominado ng mga bumalimbing mula sa LP) at mga ka-DDS at ginagamit ang militar at pulis at nagpapakatuta sa imperyalismong US at China upang suhayan ang kanyang tiranya at diktadura.

Kaya po hindi sa kulay ng Unyonismo nakikita ang pagtutol o reklamo o paglaban sa nakaupo sa gobyerno kundi sila ang mga taong likas ang pandama para maunawaan kung ano ang tama at mali. Hindi nakukuntento para magbulag bulagan at magbingibingihan sa bawat nangyayaring mali sa lipunan.
 
Last edited:
Official color of the liberal party(philippines) is Yellow

lmaquino13e_2x.jpg
m_e206f5fb5ee7098c97d0a686d34cc83f.mp4

Most "Dilawans" are middle class conservatives and also right leaning nationalist.
 
Attachments

Official color of the liberal party(philippines) is Yellow

lmaquino13e_2x.jpg
m_e206f5fb5ee7098c97d0a686d34cc83f.mp4

Most "Dilawans" are middle class conservatives and also right leaning nationalist.
Dilawans are moderate and centrist. It's DDS that are (far) right-wing conservatives. They're the Philippine equivalent of Trumpsters.
 
Attachments

Dilawans are moderate and centrist. It's DDS that are (far) right-wing conservatives. They're the Philippine equivalent of Trumpsters.

DU30 is a socialist leaning left, since he has traces of Joma Sison on his works. Most of "Dutertards" don't even knew it but they support the left wing pro-communist agenda.

Way to compare US right wing conservatives to ours, i feel the blood boiling inside you. Are you really a moderate?
 
May nabasa ako tungkol sa history and dun ko nalaman kung saan nagmula ang dilawan. Sa pilipinas, literally kaya dilawan ay dahil dilaw ang papel na sinusulatan nila and yung nakasulat ang inaayawan ng lahat dahil hindi siya para sa kagalingan ng manggagawa o ng taong bayan. So, ginamit yung kulay at ibinansag sa mga pangit na sistema na pinaiiral. Not totally dun sa mga tao o organisasyon o unyon. All of them were victims of a system that someone were trying to dictate. So dahi hindi natin nauunawaan ng husto, "kapatid sa kapatid, laman sa laman" yan ang nangyayare

Peace!
 
DU30 is a socialist leaning left, since he has traces of Joma Sison on his works. Most of "Dutertards" don't even knew it but they support the left wing prô-communist agenda.

Way to compare US right wing conservatives to ours, i feel the blood boiling inside you. Are you really a moderate?
ito ang sinasabi niya.. Noong nangangampanya pa sya. Sya daw ay sosyalista at maka kaliwa.

Pero ngayon nakarating na sya sa posisyon.. Ang pinapakita nya paglilingkod ay hindi esensya ng sosyalista at makakaliwa..

Ang sosyalista ay paglilingkod sa nakakaraming uri na bumubuo sa lipunan, magsasaka, manggagawa, at maralita. Hindi ang paglilingkod sa mga kapitalista, dayuhan, mayayaman na ganito ang pinapakita niya ngayon na nakadikit parin sa mga dayuhan gaya ng US at China.

Ginamit lang niya ang pagiging sosyalista at kaliwa para makuha ang simpatya ng mamamayan.. Hindi na tayo nasanay sa mga pulitiko..
 
He did what he could though, pinalaya nya pa yung mga NPA leaders at ginawan nya nang immunity si Joma para lang maka uwi sa sarili nyang bayan.

Atleast si DU30 hindi rin nagpaka-buang katulad nang mga commie rebels na yan, it seems na you can't talk reasoning with them para silang sirang plaka.
 
Marcos once Philippines great leader... the sh*t happens when Aquino took it over... the Abnoy family
 
Anu po ba ang ibig sabihin ng communist/communism? Thanks para may dagdag sa info.hehehe
communism, from the root word "common or universal". An economic ideology mula sa teorya ni Karl Marx na ang bawat pagkakahati ng social class sa society o uri ng tao sa lipunan ang nagiging dahilan ng kontrdiksyon ng bawat isa. Tulad ng conflict between the interest of capitalist and working class at landlord and farmers..

Sa bawat conflict ng bawat isa ay meron inaapi at pinagsasamantalahan. Para mawala ang conflict na ito, ay kailangan ang pagkakapantay pantay ng bawat uri sa lipunan at ito ang communism.
Sa madaling salita pagkapantay-pantay. Mawala ang tunggalian ng tao sa tao o alisin ang kaisipan na pagiging makasarili.
 
Last edited:
He did what he could though, pinalaya nya pa yung mga NPA leaders at ginawan nya nang immunity si Joma para lang maka uwi sa sarili nyang bayan.

Atleast si DU30 hindi rin nagpaka-buang katulad nang mga commie rebels na yan, it seems na you can't talk reasoning with them para silang sirang plaka.
Thats the part of peace processs. Paano ka makikipag nego kung nakakulong ang mga negosyador. Dahil kaya nga peace talk ang pinaguusapan
 
eh yung tungkol naman po sa mendiola massacre saka hacienda luisita massacre baka my alam kayu trivia tungkol dun
Kung bakit nangyari ang dalawang karumal dumal na krimen na ito ay dahil sa takot narin ng mga naghaharing uri kapag nagkaisa ang mga mamamayan at yun ang kinakatakutan nila. Mawawala ang kapangyarihan ng mga naghahari sa galit ng mamamayang nagkakaisa at para di mangyari ito ay karahasan ang sukli nila. Ang pagiging pasista kasabwat ang tropang militar ng gobyerno
 
hahaha ganto nalang, TS, kung tama ako.

Dilawan = Aquino/Liberal Supporters
DDS = Duterte Supporters
Neutral = Neutral

ang problema kasi, ngayon lang dumami neutral pero nung panahon ni aquino, ang tatahimik hahaha.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top