What's new

Ano ang best time na buksan ang Aircon para matipid?

8inchhotdog

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 3, 2021
Posts
3,295
Solutions
4
Reaction
1,829
Points
1,305
At ilan oras lang ba dapat nakabukas?

Update: 1k lang bill namin per month. 8pm-2am nakabukas ang AC
 
Last edited:
Kung gusto mo malamig agad buksan mo sa umaga mga 7am para walang kakompetensya aircon mo sa pgpapalamig sa room. Kasi kung mga 7 onwards na. Mahirapan magpalamig c aircon nyan kasi ung temp sa labas papataas. Pwera nalang kung isagad mo sa pinakalowest temp ung aircon mo kaso aa kuryente ka naman papatayin. Non inverter yung aircon namin. Nasa 7.50 per kilowatts/hr yung kain. Minsan kaya pa naman ung init sa tanghali dala ng hangin ni elec.fan kaso binubuksan na namin pagsapit ng alas dose. Hanggang 6 na yan o 7,depende. Tapos bukas na naman mga 11pm or 12 pero nasa 4hours lang. Kung ngtitipid ka mas mainam patakbuhin mo yung aircon mo ng 4hours minimum, sa unang 2hours kasi nyan yung crucial, yan yung time na batak na batak c compressor para lang mapalamig yung room nyo. The other 2 hours jan na sya mag aadjust nalang ng buga kumbaga alalay nalang sya. Tapos ang pinaka importante sa lahat kung ngtitipid ka wag mong ilagay sa pinakamababa na settings which is 16. Temp kasi dito sa atin o humidity tumatakbo sa 23-25. So kahit ilagay mo sya sa 16 si aircon, hinding hindi nya yun makukuha yung 16 dahil sa init sa labas. So si compressor/makina ni aircon laging batak na batak para lang makuha yung 16 na temp which is in the long run may consume more electricity. I prefer ilagay mo sa 23 si aircon sa unang 2hours nya or kung naiinitan pa din kayo pwede nyo ilagay sa 21 tapos alalayan nyo nalang ng elec.fan ilagay nyo sa number 1 yung speed. Either efocus nyo or paikot-ikutin nyo c elec.fan para naman mabilis lumamig sa kwarto at di mahirapan c aircon.
 
Last edited:
It's depend on users, higher HP or horse power, the faster mapalamig ang room area.. kaya pag bibili kayo Aircon wag isakto sa room area mag advance kayo Ng 1hp higher Kasi pag summer Hindi kaya mapalamig Yan matagal..

Sa kunsumo Ng kuryente nasa gumagamit Yan mapa inverter or non-inverter..
Pag gumamit ka tlga Ng Aircon asahan muna Malaki babayaran mo kahit anong tipid mo, depende na lng Sayo kung Hindi mo gagamitin Aircon..

Inverter mura daw sa kuryente totoo nman, pero pag masiraan ka Ng parts dun ka babawian.. non-inverter mura tlga parts niyan kumpara sa inverter..
nasa user lng yan kung ano kaya ng budget 👍
 
Ang pinaka-matipid na oras para buksan ang aircon ay depende sa ilang mga condition, kabilang na ang klima, mga oras ng peak energy consumption, at personal na mga pangangailangan. Narito ang ilang mga tip para makatipid sa paggamit ng aircon:

1. Gamitin sa Tamang Oras:
- Gabi at Madaling Araw: Mas malamig ang temperatura sa mga oras na ito, kaya hindi na kailangan ng sobrang lakas ng aircon para mapanatili ang komportableng temperatura.
- Mga Peak Hours: Iwasan ang paggamit ng aircon sa mga peak hours (karaniwan mula 1 PM hanggang 4 PM) dahil mataas ang demand sa kuryente at mas mahal ang bayad.

2. Oras ng Pagpapatakbo:
- 6-8 Oras Lang Kada Araw: Ideal itong tagal para sa mga oras na naroroon ka at kailangan ng malamig na hangin. Kung may timer ang iyong aircon, itakda ito para awtomatikong mag-off pagkatapos ng ilang oras.
- Paggamit ng Timer o Smart Plugs: Para masiguradong hindi sobra ang paggamit ng aircon, mag-set ng timer o gumamit ng smart plugs na may schedule para sa awtomatikong pag-on at pag-off.

3. I-Set ang Tamang Temperatura:
- 24-26 Degrees Celsius: Ang ideal na temperatura para makuha ang balance sa pagitan ng comfort at energy efficiency.

4. Regular na Maintenance:
- Linisin ang Filter: Regular na paglilinis ng filter para masiguro ang magandang airflow at efficiency.
- Annual Check-Up: Magpa-check ng aircon kada taon para siguradong efficient ang pag-andar nito.

5. Gamitin ang Mga Alternatibong Cooling Methods:
- Electric Fans: Maaari nila itong gamitin kasabay ng aircon para mas mabilis mapalamig ang kwarto at maaring patayin na ang aircon pagkatapos.
- Buksan ang Bintana sa Umaga: Para makapasok ang sariwang hangin at natural na malamig na hangin.

Sa pamamagitan ng tamang paggamit at maintenance ng iyong aircon, makakatipid ka sa kuryente at mapapanatili pa rin ang komportableng temperatura sa loob ng bahay.
 

Users search this thread by keywords

  1. inverter
  2. Best aircon
  3. inverter aircon
Back
Top