Ang problema ay nasa distribution ng goods. Kaya nga ang daming nagkaka-bulok na gulay na hindi nabebenta kasi nga yung kaya lang ng truck ng trader ang bibilhin nila. Ang kaso, pagdating sa merkado, ang mahal pa rin ng benta dahil ang mga sugapa na trader hindi nila ibebenta ng mura yang gulay kahit na binarat nila yung farmer dahil kapag ang selling price ay mababa, mababa lang din ang kita nila. Ang Dept. of Agriculture na dapat ay sila ang gumawa ng hakbang para mas ma-distribute ang lahat ng farm goods, ang naisip nilang solution ay mag-import pa para daw mag-mura dahil sa competition. Kaya nga dapat baguhin na name nila; Dept. of Agricultural Import and Trading.