What's new

Trivia Ang linaw sa bible, bakit may mga sumasamba pa din sa diyos-diyosan.

Status
Not open for further replies.
Sinasabi sa Genesis 1:1, "Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa." Pagkatapos ibinigay naman sa Colosas 1:16 ang karagdagang detalye na ang "lahat ng mga bagay" ay nilikha sa pamamagitan ni Kristo. Kaya nga, malinaw na itinuturo ng Kasulatan na si Jesus ang Manlilikha ng lahat ng mga bagay.

Mahirap maunawaan ang misteryo ng Trinidad ngunit isa ito sa mga doktrina na ipinahayag sa Kasulatan. Sa Bibliya, parehong tinatawag na Pastol, Hukom, at Tagapagligtas ang Diyos Ama at Diyos Anak. Pareho silang tinatawag na "isang sinaksak ng sibat"—sa parehong talata (Zacarias 12:10). Si Jesus ang perpektong kapahayagan ng Diyos Ama, at may pareho silang kalikasan (Hebreo 1:3). Kung ano ang ginagawa ng Ama, iyon din ang ginagawa ng Diyos Anak at Diyos Espiritu. Lagi silang may perpektong pagkakaisa sa lahat ng panahon, at ang tatlo ay magkakapantay na persona sa iisang Diyos (Deuteronomio 6:4). Ang pangunawa na si Kristo ay Diyos na nagtataglay ng lahat ng katangian ng Diyos ang tumutulong sa atin upang maunawaan si Jesus bilang Manlilikha.

"Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos" (Juan 1:1). May tatlong mahalagang bagay ang ating matututunan tungkol kay Jesus at sa Diyos Ama sa talatang ito: 1) Si Jesus ay naroon na sa pasimula—naroroon na Siya sa paglikha. Kasama ng Diyos Ama si Jesus mula pa sa walang hanggan. 2) Hindi si Jesus ang Ama — kasama Siya ng Diyos Ama. 3) Bilang Diyos, pareho ang kalikasan ni Jesus at ang kalikasan ng Diyos Ama – "Si Jesus ay Diyos."

Sinasabi sa Hebreo 1:2, "…Ngunit nitong mga huling araw, nagsalita siya sa atin sa pamamagitan ng kaniyang Anak." Si Kristo ang kasama at katiwala ng Diyos sa paglikha; nilikha ang mundo sa "pamamagitan" Niya. May magkaibang papel na ginagampanan ang Ama at Anak sa paglikha ngunit magkasama sila sa paglikha sa buong sansinukob. Sinasabi ni Juan, "Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha" (Juan 1:3). Binigyang diin ni Apostol Pablo, "Subalit para sa atin iisa lamang ang Diyos, ang Ama. Sa kaniya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay para sa kaniya. Iisa lamang ang Panginoong Jesucristo. Sa pamamagitan niya nagmula ang lahat ng mga bagay at tayo ay nabubuhay sa pamamagitan niya" (1 Corinto 8:6).

Ang ikatlong persona ng Trindad, ang Banal na Espiritu ay kasama din sa paglikha, (Genesis 1:2). Dahil ang salitang Hebreo para sa "espiritu" ay "hangin" o "hininga," makikita natin ang gawain ng tatlong persona ng Diyos sa isang talata, "Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit;

At lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig" (Awit 33:6). Pagkatapos ng malalim na pagaaral ng Kasulatan, masasabi natin ng may kasiguraduhan na ang Ama ang Manlilikha (Awit 102:25), at lumikha Siya sa pamamagitan ni Jesus, ang Anak ng Diyos (Hebreo 1:2).
pinagsama mo ang magkaibang sipi ng biblya brother una sa colosas 1:16 pinapahayag na lahat ng bagay ay para kay cristo pamunuan di sinabi na lahat ng bagay ay ginawa ni cristo
"
For in him all things were created ,things in heaven and on earth, visible and invisible, whether thrones or powers or rulers or authorities all things have been created through him and for him.

ang "trono" ay luklukan ng diyos. di literal na upuan
 
Maraming Beses na nating nakikita at naririnig na palaging ginagamit ang mga talata ng Hebreo 1:8 para patunayan na Dios talaga si Cristo.Sapagkat mismo ang AMA daw ang tumawag na Dios sa anak. .narito ang nilalaman ng talata.




Hebreo 1:8 “ Nguni't tungkol sa Anak ay sinasabi, ANG IYONG LUKLUKAN, OH DIOS, ay magpakailan man; At ang setro ng katuwiran ay siyang setro ng iyong kaharian.”


ang pinaka Key word nila jan ay "Tungkol sa anak ay sinabi" Ganyan agad mag haka haka karamihan para palabasin na Dios talaga si Cristo.Ganito ang payo ng Biblia :


Roma 12:16 “ Mangagkaisa kayo ng pagiisip. Huwag ninyong ilagak ang inyong pagiisip
sa mga bagay na kapalaluan, kundi makiayon kayo sa mga bagay na may kapakumbabaan.
Huwag kayong mga pantas sa inyong sariling mga haka. ”



Para di tayo magkarun ng haka haka. kung kinikilala ba talaga ng AMA na Dios ang ANAK nya. ay dapat walang kontradiksyon..Kung sa Ibang salin naman ng Biblia, ano kaya ang mas malinaw na nakasulat?narito po.:


Hebrews 1:8
"But of the Son he says, `GOD IS YOUR THRONE forever and ever! And a righteous sceptre is the sceptre of his kingdom! `" ( Goodspeed)



Hebrews 1:8 "He says of the Son, `GOD IS THY THRONE for ever and ever, thy royal sceptre is the sceptre of equity`." ( Moffat Translation)


Maliwanag ang banggit sa mga verse na ito: “ GOD IS YOUR THRONE” o “GOD IS THY THRONE” na sa tagalog ay “ANG DIYOS AY IYONG LUKLUKAN” Mas lalong pinalinaw sa atin.

Alam po ba kaya nila na ang talatang yan ay quoted po mula sa AWIT 45:6.? Dapat nating malaman na ang sinasabi sa Hebreo 1:8 ay isang propesiya o hula tungkol sa pagdating ng Mesias na mababasa sa Lumang Tipan na sinipi mula sa Mga Awit 45:6 na nagsasabi ng ganito: Ating pong basahin ang nasabing talata sa Bibliang isinalin ng mga Judio sa panahon natin ngayon:



Psalms 45:6 "THY THRONE, GIVEN OF GOD, endureth for ever and ever; the sceptre of thy kingdom." (Jewish Publications Society of America Translation )



Maliwanag na sinasabi sa talatang iyan na isinalin ng mga Judio na: “ THY THRONE, GIVEN OF GOD” o sa Filipino ay “ANG IYONG LUKLUKAN, BIGAY NG DIYOS”

Malinaw na malinaw po na "ANG IYONG LUKLUKAN AY BIGAY NG DIOS?."At ito ay binigyang linaw naman sa unahan ng kapitulo na ang Diyos ay magbibigay ng kaniyang kaharian sa isang HARI.
 
Kayo mga Christiano ang nagpapa kunwaring diyos si Jesus which hindi naman!

Kahit nga yung atonement at written Bible wala payan sa panahon ni Jesus

Galatians 4:4:
But when the fulness of the time was come,
God sent forth his Son, made of a woman, made under the law.

Under the law of who?

Jesus emphatically said, while clarifying his mission to the Israelites:

“It is not meet to take the children’s bread and
cast it to dogs(aww)”. (Matthew 15:26)


Its is Clear! Sinabi niya

“I am not sent but unto the lost sheep of the house of Israel”. (Matthew 15:24)

kabilang kaba sa mga nawawalang tribe ng Israel? Hindi diba!

(JESUS MISSION IS NOT GLOBAL)
NOTE: MAGBASA KAYO NG BIBLE..

Hindi ako kabilang sa nawawalang tribe ng esrael dahil isa akong gentil dito ako kabilang kung sakaling makakapagtagumpay:

Apoc.7:9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga palma sa kanilang mga kamay;

Dyan sa lubhang karamihang yan mapupunta yong mga karapatdapat bukod yan sa 12 tribes ng esrael.

Apoc. 7:13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?
7:14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
 
so info lang sa catholic, na name.
Derived sia from the words ng acts 9:31 ekklesia kath holos means church through out all or universal church,
pero nung mga panahon na yon (part pa tayo ng religion na judaism pero inaaway tayo ng mga talagang group na judaism kasi bagong sulpot) nagkalat yung mga tawag sa mga sumusunod sa turo ni hesus may nazareans, paulines, etc. hanggang sa naging christians in majority pero take note hindi pa yun religion kundi mga parang group lang at oo nagpapatayan yung mga group na yon, at yung word na catholic ay first na lumabas sa sulat ni st ignatius na taga antioch para magkaron ng proper na tawag yung simbahan at so ayun nahaluan ng politika kaya nagkaron ng roman sa pangalan ng catholic, nong panahon den na yon maraming nag adopt ng pangalang catholic at maraming sinasabi na sila yung roots ni peter, pero mas sikat sa panahon na yon yung roman catholic. So hindi naten alam kung sino o ano yung pinaka origin. Kaya noon pa man divided na tayo. Pero ang mahalaga christians tayo ngayon.
You said a while ago, catholic is the first religion. And now youre saying that there was judaism. Meaning you contraduct yourself :) i agree that there was a judaism then but if you say that catholic is the first religion, i oppose that.
 
Tsaka bandang fall daw pinanganak si hesus so ayun.
Lucas 2: 7. At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan. 8. At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. fall ipinanganak si Jesus. May nagpapastol ng mga tupa e.
 
Tsaka bandang fall daw pinanganak si hesus so ayun.
Hindi fall ipinanganak si Jesus kasi may nagpapastol ng tupa.
Lucas 2: 7. At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan. 8. At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
John 1:1-14
He=him
1 In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. 2 He(jesus) was in the beginning with God; 3 all things were made through him, and without him was not anything made that was made. 4 In him was life, and the life was the light of men. 5 The light shines in the darkness, and the darkness has not overcome it.

John 20:28
28 And Thomas answered and said unto him, My Lord and my God

hebrews 1:5-6
5For to which of the angels did God ever say: “You are My Son; today I have become Your Father”? Or again: “I will be His Father, and He will be My Son”? 6And again, whenGod brings His firstborn into the world, He says: “Let all God’s angels worship Him.”

**** kanalang kung hindi mo pa ma intindihan ito!!!
alam mo naman ata meaning ng (WITH)
Edi wow amen
 
bawal po sumamba ng imahe ,,kaya ang mga muslim sinasamba ang allah kasi he the true god ,we don't see him but we worship him ,,we must not illustrate the god because he is far different from us !

Tama ka pero pano nagkaroon ng symbol yang sa Allah nyo? nakita mo bang binigay yan ng God? mapa image, figures or symbol man na ginagamit as ressemblance of God are all the same lang, kaya iba2 ginagamit natin dahil iba2 paniniwala natin. At bat may libro yung iba ibang relihiyon wala naman ibinigay yung God na libro so lahat ng ito ay paniniwala natin na yun ang gustong ipaalam ng God natin. so di mo mapatunayan kung totoo yang religion nyo. same lang tayong lahat nagkakaiba lang sa paniniwala kaya respect nalang sa lahat.
 
at tsaka ito pa, ma triggered na ang ma triggered, Kung Si Kristo ay Diyos, sino yung AMA na kanyang tinatawag?

Ama, patawarin mo sila; sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa” (Lukas 23:34)
Ama, sa mga kamay mo ay ipinagtatagubilin ko ang aking espiritu” (Lukas 23:46).

Remember! iisa lang ang TUNAY na DIYOS, iyon ay walang-iba kundi ang AMA (Makapangyarihan sa Lagt, ang lumikha ng LANGIT at LUPA)

if Diyos si Cristo, Magkakaroon ng CONTRADICTION sa Biblia, which is yun ay HINDI PWEDE DAPAT!! :)

ito PA

Juan 8:40
"Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na TAONG sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham."

From the Word "AMA" which means na anak cya ng dyos ..so!! Diyos c Cristo .. wla nmng Baboy na nagkaanak ng manok dba? wlang tao na nagkaanak ng Isda dba? hlata nmn sa mga verse's na binigay mo na c Cristo ay Diyos din
 
so pag hindi natin alam ang image is hindi na kayang sambahin? at kelangan talaga may imahe para lang ma worship mo sya?
Yes tama ka no need naman ng imahe, figures or symbols sa pag worship kay God PERO pano magkakaisa ang isang relihiyon kung wala silang symbolo sa isang paniniwala? tanungin mo mga yung iba't ibang relihiyon bat may iba-ibang tawag sa pangalan yung relihiyon nila may, buddhism, catholic, islam at iba pa. At bakit may imahe, figures or symbols sila pinupuri as ressemblance ng God nila? Bakit? dahil iba2 paniniwala natin dapat may symbolo or kung ano sila para may unity yung religion nila. maghanap ka ng religion na walang simbahan na walang libro or anu paman na ginagamit nila. Kung wala kang paniniwala dimo alam kung ano ang tama o mali sa gagawin mo.
 
so pag hindi natin alam ang image is hindi na kayang sambahin? at kelangan talaga may imahe para lang ma worship mo sya?
Yes tama ka no need naman ng imahe, figures or symbols sa pag worship kay God PERO pano magkakaisa ang isang relihiyon kung wala silang symbolo sa isang paniniwala? tanungin mo mga yung iba't ibang relihiyon bat may iba-ibang tawag sa pangalan yung relihiyon nila may, buddhism, catholic, islam at iba pa. At bakit may imahe, figures or symbols sila pinupuri as ressemblance ng God nila? Bakit? dahil iba2 paniniwala natin dapat may symbolo or kung ano sila para may unity yung religion nila. maghanap ka ng religion na walang simbahan na walang libro or anu paman na ginagamit nila. Kung wala kang paniniwala dimo alam kung ano ang tama o mali sa gagawin mo.
 
ts, simbolo lang ang mga rebulto hindi namin sinasamba un, parang litrato lang yan ng mahal mo sa buhay na hinahalik halikan mo kapag ito ay iyong namimiss.
 
ts, simbolo lang ang mga rebulto hindi namin sinasamba un, parang litrato lang yan ng mahal mo sa buhay na hinahalik halikan mo kapag ito ay iyong namimiss.

nadale mo sir ewan ko ba.... bat pinipilit nila na ang rebulto ng katoliko yun ang sinasamba... tanongin nyo kasi muna kaming mga katoliko hindi puro puna agad

'Tell the World of His Love'
 
Last edited:
Sinisid ko ang dagat nilibot ko ang mundo pero isia lang ang natutunan ko
Ang
Respeto at bakit
Dahil di mag kasundo sa relihiyon at prinsipyo nag kagulo sa bayan ko sinilangan.........

Prinsipyo moy igagalang ko kung akoy iyong nirespeto kung nag tulungan kayo di sana magulo ang bayan ko

Yan lang po is my opinion na hayaan natin sila sa paniniwala nila thats all
Have a nuce day god blessed
 
Sinisid ko ang dagat nilibot ko ang mundo pero isia lang ang natutunan ko
Ang
Respeto at bakit
Dahil di mag kasundo sa relihiyon at prinsipyo nag kagulo sa bayan ko sinilangan.........

Prinsipyo moy igagalang ko kung akoy iyong nirespeto kung nag tulungan kayo di sana magulo ang bayan ko

Yan lang po is my opinion na hayaan natin sila sa paniniwala nila thats all
Have a nuce day god blessed
Such a good song! Well said though. :)
 
Last edited by a moderator:
Status
Not open for further replies.

About this Thread

  • 867
    Replies
  • 23K
    Views
  • 270
    Participants
Last reply from:
derx

Online statistics

Members online
1,272
Guests online
4,189
Total visitors
5,461
Back
Top