What's new

Ang hirap pala.

[XX='Whazabi, c: 894416, m: 926963'][/XX]di naman ako nag sisisi na sya napangasawa ko dahil maayos naman sya sa gawaing bahay at maasikaso. Ang kaso pag tinotopak bastos ang bunganga. Bumubula kakamura sakin.
 
Ikaw naman ang maghihirap kung patuloy mong gagawin yan. Kung talagang mahal ka nya, hindi nya gagawin sa iyo yan. Pwede naman kayo maghiwalay, pero dapat may communication kayo para lang sa anak nyo.

Sa point of view ko, yung mga ginagawa sayo ng asawa mo, ay hindi na gawain ng isang asawa yan. Masyado na syang nang aabuso. Kung ikaw ang gagawa sa kanya niyan, malamang nasa kulungan ka na
 
Eh ang kaso di ko kayang gawin. Respeto ko na lng sa kanya bilang maybahay ko. At para din di sabihin ng mga anak ko pag laki nila na "babaero daddy ko" ayaw kong mangyari yun.
 
Subukan nyo munang mag cool off para mapag usapan nyo nang maayos yung problema niyo
 
Mas swerete ako sa mga anak ko dahil malusog at ligtas sila sa kapahamakan. Di dinapuan ng sakit ngayong pandemic. Swerte ko kasi bibo at masayahin sila.
 
Hmmm 🤔 frustration lang yun kaya ganun ang asawa mo pero that thing is eh sign na yan ng di niya pagiging kuntento sayo. For me if you want to earn her respect eh gumawa ka ng paraan na makahanap ng trabaho kesehodang pangangalakal ng basura pasukin mo maipakita mo lang na makapag provide ka. For all you know ikaw ang haligi ng tahanan and ikaw dapat ang maging modelong ama sa mga anak mo. Maybe worried lang ang asawa mo sa kinabukasan niyo, lalo na sa mga anak mo. If you do things for your family then wala ako makikita para magalit siya sayo but if things mainit pa rin ang ulo niya or galit pa rin sayo maaaring may pinaghuhugutan yan ng malalim and counselling ang mabuting paraan diyan to know what cause her to be like that to you. Sabi mo naguusap naman kayo ng normal di ba? Maybe she wants na gawin mo na agad at tama na ang mahabang usapan and prove it, for me ang salitang sumbat is masakit but if you think of it na kung may kasalanan ka na nagawa noon eh i-endure mo iyon kasi na-imprint na yun sa isipan niya. Yung right na dapat maalis yung sumbat sa oras na may ginawa ka na the best sa pamilya mo and yun ang pagsumikapan mo palagi 🤗.
 
Last edited:
bilang mag asawa meron talagang awayan na ganyan, aminado din naman ako na nangyayare din samin yan, pero syempre kung mainit yung isa wag mong sabayan, magpa lamig ka na lang muna, sabi nga nila kung nag liliyab yung isa maging tubig ka na lang para di mas lumala pa yung apoy, kasi kung nagliyab ka din baka matupok lalo ang tahanan nyo,
 
sa mag asawa natural lang tlga na mag away , pero kapag sobra na mahirap yan ganyan, pero wag lang tlga kayo dapat magkakasabay ng init ng ulo ts, malay mo one time magbago siya bigla
 
Agree ako dito. Baka may ginawa ka dati kaya sya nanunumbat. Di naman ganyan ang mga babae unless kung may something talaga siya. Stand up for your family. Hanap ng work. Leave and cleave. Kaya mo yan! We are rooting for you. 💪
 
Hirap nyan paps. Turing mo sa kanya asawa, nanay ng mga anak mo, nag iisang babae na pinakamamahal mo. tapos turing nya sayo Aso???


sabihin na nating mahal na mahal mo sya. pero mali na hayaan mong mayurakan ng ganyan ang pagkatao mo. di kna nya ginagalang. malamang sa malamang nakikita at naririnig ng mga anak mo kung pano ka bungangaan at walanghiyain ng asawa mo. ano sa tingin mo magiging tingin nila sayo pag dating ng panahon? di nako magtataka kung 1 day binabastos kna din ng mga anak mo.
 
Baka naman kulang lang sa romansa si kumander TS? Subukan mo magwork ng malayo at stay-in o kaya mag abroad ka na lang malay mo magiba ang sitwasyon ninyo. Madami din kaseng dahilan bat sila nagbubunganga eh. Sa totoo lang minsan mahirap talaga sila unawain at intindihin. Malay mo hirap na hirap pala sya sa pagbubudget ng pera para lang pagkasyahin sa buong pamilya, or may iba pang problema na hindi magawang sabihin at pinipili na lang itago at tiisin. Ang mga nanay kase TS tandaan mo kahit pa tayong mga lalake ang nagtratrabaho at naghahanap buhay para sa kanila yung trabaho naman nila na ginagampanan bilang ilaw ng tahanan kulang pa sa otso oras at overtime na ginagawa natin sa trabaho. Kung tutuusin halos lahat na nga sila na eh. Nagbubunga din asawa ko pero pinagpapasensyahan ko kase alam ko na mas pagod sya kesa saken. Kung ako naiistress sa trabaho yung stress nya alam ko lamang ng sampung beses kumpara saken kaya inuunawa ko na lang at saka sinasabayan ng lambing. Goodluck TS
 
I feel you TS... Naiintindihan kita sa himutok mo... Tama yung sinasabi at kasabihan ng mga matatanda na “Ang pag-aasawa ay hindi katulad ng mainit na kanin na kapag isinubo mo at napaso ka ay puwede mo ng iluwa.” ...TS eto ay isa sa mga napakahalagang yugto sa buhay ninyong dalawa na dapat ay pinag-iisipang mabuti at pinaghahandaan bago nyo pasukin at hindi sana kayo nagmadali.

Paps, maraming tao ang nagtatagumpay sa buhay may asawa at marami din naman ang nabibigo at may wasak na tahanan. Dahil andyan ka na TS sa buhay may asawa maraming bagay ang mababago sa’yo, maraming bagay ang dapat mo ng talikuran, kalimutan, at iwanan. Hindi lang ikaw ang nakakaranas ng ganito baka mas worst pa yung situation nila... Sa kabila ng katotohanang ito, marami pa rin ang nag-aasawa ng wala sa panahon, ang akala kasi ng ilan, pag-aasawa ang sagot sa kanilang mga problema, akala nila ganoon lamang kadali ang buhay na ito.

Siguro, masasabi lamang natin na nagging matagumpay ang buhay may asawa kapag ikaw ay nakatagpo ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, taong magiging tapat sa’yo sa lahat ng bagay, magmamahal sa’yo habang buhay. Kapag pumasok ang isang tao sa pag-aasawa dapat ay handa na s’yang talikuran ang nakaraan, ang buhay ng pagiging binata’t dalaga, handang tanggapin at harapin ang mga bagay na posibleng mangyari, at handa sa mga pagsubok na darating sa pagpasok sa panibagong yugto ng buhay.

Eto pa TS, dapat parehas kayong handang tumayo upang maging mabuting magulang at gabay sa paghubog sa pagiging buo at ganap na tao ng magiging mga anak nyo. Naaalala ko noong nabubuhay pa ang lola ko sabi nya sa akin "Kung ikukumpara sa libro o aklat, kapag pumasok ka raw sa buhay may asawa, tapos na ang unang yugto at pumapasok na ka na sa ikalawang yugto ng iyong buhay. Nararapat lamang na handa ka ng ibigay ang iyong buong panahon at buhay sa iyong pinili na makasama habang buhay"...

Siguro mas marami kang maaadvise kesa sa akin about para mastrengthen ang relasyon nyong dalawa kasi naranasan mo na ang buhay may asawa ka na.. Siguro ang maipapayo ko lang TS e bumukod na lang kayo ng tirahan dalawa para may privacy kayo... Ikaw naman ay maghanap ng work kahit mababa muna ang sahod at least may work ka and pinapakita mo sa asawa mo na may pangarap kasa buhay para sanyong pamilya.

Sana makatulong sayo ito TS...

1) Mag usap kayo lagi.. Siguro maganda rin kung iwasan ang pagsigaw sa asawa lalo sa harap ng iba. Ang pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Pwera na lang kung bingi ang asawa (hahahaha haleerrrr can you hear me now my labidabs!!!!! Hahahaha) hindi tamang sinisigawan siya. Nababastos at namumukhang engot ang iyong asawa kung sisigawan mo siya sayo lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang ***** ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa....

2) TS kapag nagalit, sikaping tumahimik muna. Pinakamaganda mong gawin is tahimik muna pag nagalit sa asawa. Tandaan mo lagi "Ang tao pag galit ay may tendensya na makapanakit". Sino mang nasaktan ay may tendensyang manlaban at manakit din naman. Sa ganitong paraan maiwasan nyo ang away at sakitant, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna, manalangin at mag-isip-isip....

3) TS, eto dapat lagi nyong gawin when you have offended your spouse, learn to show you’re sorry. Pag na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong sorry ka. When you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “i’m sorry.” Show that you you really are sorry. Show it with your face and show it with your action. May mga nagsosorry sa asawa na habang sinasabi ang “i’m sorry” ay nakangisi (Hahahaha :). Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing “i’m sorry” sa asawa na wala namang pagbabagong makita sa pakikitungo sa asawa. When you say you’re sorry, mean it. And show that you really are sorry.

4) Dapat may sense of humor ka... Nakakapangit ang laging nakakunot ang noo. Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa. Can you imagine a couple without a sense of humor? Boring di ba? Ang lungkot ng buhay ng mag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging may patay. It’s nice to make people happy especially your spouse. Have a sense of humor. Patawanin mo ang iyong asawa. Learn to have those good funny jokes di ba?. Dagdag ligaya kung ang asawa ay marunong magpatawa.

5) Eto yung teknik ng Uncle ko kaya masaya sila ng Auntie ko hanggang ngayon kaya ngayon naniniwa na ako sa "forever" Hahahaha Sana Oil.. Hahahaha.. "More than winning the argument, aim to win your spouse".... Natural sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung sakaling manyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than winning the argument against your spouse. Aanhin mo ang manalo sa argumento kung mawawala naman sa’yo ang asawa mo. Sige, isipin mo.

6) TS dapat lagi kang Proud sa Asawa mo... Ipinagmamalaki mo ba ang iyong asawa? Dapat lang! Proud ka bang nakikita ang itsura ng asawa mo o gusto mong takpan siya ng dyaryo habang ipinakikilala mo siya sa ibang tao? Huwag mong ikahiya ang iyong asawa. Be proud of your spouse. Huwag mong ikahiya ang iyong asawa.

7) Dapat Gentle ka sa kanya... "Gentleness to your spouse can be best exemplified by being considerate of your spouse’s feeling and thoughts". Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo sabihin ang gusto mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaring bunga nito sa isip at damdamin ng iyong asawa. Hindi komo’t gusto mo ay gagawin mo na lang basta-basta. I-kunsidera mo naman ang isip at damdamin ng iyong asawa. Sa pagsasalita, sa gawa, maging sa paghipo at paghawak, maging gentle sa asawa.

8) TS, igalang mo ang opinion ng asawa. Ang lahat ay may karapatang magpahayg ng kanyang sariling opinion. Ito man ay mali o tama. Igalang ang opinion ng asawa. Kahit di ka sumang-ayon sa opinion ng iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito. Ang hindi pagkakapareho ng opinion ng iyong asawa sa iyo ay hindi nangangahuluganng mali siya. Hindi lahat ng naiiba ay mali . Pero kahit pa hindi ka sang-ayon sa opinion ng asawa, dapat pa rin na igalang ang opinion niya. Ang hindi pagsangayon ay hindi nangagngahulugan ng kawalan ng paggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinion ng asawa. Tanda kasi ito ng paggalang sa kanya. Igalang ang asawa.

9) Huwag kang maging “bossy” hindi mo sya empleyado... Hahahaha ..Sa mag-asawa walang “amo.” Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa isa’t-isa. The husband being appointed by God as head of the wife is not taken as “Lord over the wife.” Hindi rin naman tama na ang wife ay hindi nagpapasakop sa husband. Huwag mong tratuhing alila ang iyong asawa. Pumarehas ka kahit pa mas malaki ang kinikita mo kumpara sa kanya. Kung uutusan ang asawa don’t forget the magic word-“PLEASE.” At kung wala kang ginagawa at may ginagawa ang iyong asawa, huwag mo na siyang abalahin pa. kung kaya mo rin lang ang gagawin, huwag mo nang iasa pa sa asawa.

10) Maging mas maunawain... Kung 100% percent ang pagiging maunawain mo, ngayong may asawa ka na gawin mong isang milyong porsiyento a.. Hahahaha.. Kung gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo siya. Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapkita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng pagmamahal sa asawa.

11) I-keep nyo yung communication lines na palaging open... Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. This will not happen if the couple will not keep their communication open. Basic indicators of good communication between a husband and wife: Clear transmission of message- be it thoughts or feelings. Listening- Don’t just do those paipis-ipis moves mo TS. Hahahaha.. Understanding- seeing from the perspective of the one who speaks. Empathy-feeling with.Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.

12) Eto pa.. Iwasang gawin ang ano mang bagay na alam mong igagalit niya... May mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yon naman eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.

May mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yon naman eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.

13) Tiwalaan sa isat isa... Ang pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa magandang pagsasama. Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa ang magtiwala sa kanya ay maaring maging tulong tungo sa pagbabago niya. Para sa isang naglolokong asawa hindi madaling gawin ang magbago lalo kung walang tulong na manggagaling sa kanyang asawa. Kung sakaling sa kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong asawa ay niloko ka pa rin niya, alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa iyong asawa ay marami ang nawala. Sa pagtitiwala, walang nawawala. Sa manloloko, marami ang nawawala.

14) Maging makadiyos... Sa pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios ang pinakamahalaga. Ang pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay na pagsasama at totoong pagkakaisa. Natural sa mag-asawa ang datnan ng iba’t-ibang problema. Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit gaano katindi ang problemang kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayan ng mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng mag-asawa. Ang ikinatatatag ng relasyon ng mag-asawa ay nakadepende sa Dios na siyang pundasyon ng pagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, panahong tag-init o tag-ulan, maging maka-Dios ka at ang iyong asawa.

15) Iwasan nyo ang Selos..... Maraming mag-asawa ang nag-away at nasira ang buhay dahil sa selos. Marami ang nasiraan ng bait, pumatay at napatay dala ng matinding pagseselos. Natural na magselos kung kaselos-selos. magtaka ka kung may dapat pagselosan sa’yo ang iyong asawa tapos hindi siya nagseselos. Ang pinakamaganda, iiwas sa selos ng asawa. Kung sakaling hindi sinasadya may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba na napansin mong ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa. linawin ito at sikaping huwag maulit pa. Tandaan: Ang selos ay parang lason. Naninira, nakamamatay.

16) Magdesisyon kayo ng naaayon sanyong dalawa..
Sa paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nakakaisa ang mag-asawa. Sa mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan o major decision ang gagawin. Kagaya ng:
Paglipat ng bahay,
Pagbili at pagbebenta ng ari-arian,
Pagdisiplina sa mga anak,
At iba pa.
Bago gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay nag-uusap muna at nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.

17) Pahalagahan mo parati ang asawa mo...
Hindi dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo na ang birthday at wedding anniversary. Give your spouse a special greetings on special occasions. Better still, give your spouse a treat on special occasions. Gawin mo ito sa asawa mo. Sigurado ako, LOVE points ang bunga nito.

18) Isipin mo parating you will be living with your wife all the time...

Ang relasyon ng mag-asawa ay panghabambuhay. May kasabihan: “Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at iluluwa pag napaso.” In solving marital problems, lot of solutions can be considered as the options. God hates divorce. God intends marriage to be for life. Maraming mag-asawa ang naghiwalay na. Marami na sila. Hindi na kayo dapat dumagdag pa. Magsama kayong mag-asawa sa lungkot at ligaya, sa hirap o ginhawa, meron o walang pera, hanggang may hininga. Remember: What God has joins together, Let no man separate.

Goodluck sayo TS sana maayos nyo yang dalawa... Pagsubok nyo lang yan... Kung ako sayo bumukod na kayo... Kung kasal kayo sa simbahan di ba ang advise ng pari sanyo is "Kapag naging mag asawa na kayo, dapat lamang na bumukod na kayo sa pami-pamilya nyo kasi kayo naman ang bubuo ng sarili nyong pamilya"... God Bless sayo brad...

Paps Red Satan may nagbabalak na namang magsuicide.. Pigilan mo naman na sumama sayo... Hahahaha :)
 
Last edited:
Back
Top